Chapter 5

1 1 0
                                    

Reighn Point of view


Dahil nga mabilis lang din ang oras kaya naman andito kami sa playground ewan ko bakit meron nito. Samantala wala naman ditong elementary para lang magkaroon ng playground sa mismong university.  Maganda naman ang pagkaka design niya bawat mauupuan like may mga wooden bench din ito.


May mga swing din naman at kung ano-ano pa na talaga complete lahat, umupo ako sa wooden bench napakalinis ng playground kahit nga bermuda ang linis parang 'di man lang naapakan sa linis nito. Marami din nakapalibot na ibat-ibang flowers may mga roses at meron mga orchids.

Na relax naman ang utak ko, ng dahil sa magandang view kanina kasi para na akong sabog dahil nagkaroon ng recitation at talagang una pa ako Nakita ni Sir Gallea.


Tungkol sa philosophy bigla nanuyo utak ko at ang bibig ko para sumagot dahil sa sobrang kaba na naidulot nito.


Pasaway na philosophy na 'yan mapapahamak ako ng wala sa oras dahil nakalimutan ko mag review non mabuti naalala ko naman ang iba kaya nakasagot ako kahit papaano.

F L A S H B A C K

"Ms. Algarve, give me a sample of philosophy.  What is the importance of philosophy of the human person?" Seryoso ngunit nakakatakot ang pagkakatingin nito sayo.


Nangangapa pa ako ng todo ng bigla niya ako tawagin sa maganda kung pangalan. Kaya pati ata utak ko naalog ng dahil sa kaba at halatang pinagtitinginan na din ako ng iba kung classmates.


"Ah... Sir, ano po.  The philosophy of the human person is the important is person's problem solving capacities. It helps us to analyze concepts,  definition, argument, and problems." Nahihiyang kung sagot dahil kusa lang pumasok sa utak ko ang mga 'yon.


Ngumiti naman agad si Sir sa sagot ko kaya naman kahit papa'no nawala ang kaba ko.


"That's nice. Set down."


End of flasback


Kaya ng matapos 'yon ay inasar ako ng dalawa na nakakuha pa daw ako sa utak ko ng masasagot. Kung alam niyo lang na muntikan na wala ako masagot do'n.


Bukod din ang pa suprise ni Ma'am sa quiz niya sa subject na  Earth and life science idagdag pa 'yon. Kaya sobrang tuwa ko na break time na namin dahil lunch time na, at dahil tinatamad pa kami pumunta sa cafeteria para mag lunch dahil ang daming students pa. Kaya magpapahuli muna kami.


May 3 hours naman kami bago bumalik sa klase para sa special subject namin, at ito ang business math kay Ma'am Azeil. Medyo masungit siyang proof kaya talagang uurong ang dila mo at baka hagisan ka pa ng chalk bigla kapag nakita ka niyang nakikipagdaldalan ka sa tabi,  o kaya naman kumupya ka ng sagot.


"Tara na lunch na tayo, nagwawala na mga alaga ko Tara na!" Biglang aya sa'min ni Querra.


"Kanina kumain ka kaya ng cupcakes 'di ka namahagi eh," Einjel.


"Kanina 'yon. Iba na ngayon ang gutom ko. Kaya Tara na." Pangungulit pa ni Querra habang hinihila na nga kaming dalawa ni Einjel na naka upo.


Wala kami nagawa kundi pumunta na sa cafeteria talagang gutom na siya kasi atat na kumain Halos madapa na kami ni Einjel.


"H-huy! Dahan-dahan naman. Baka masubsub kami ni Einjel." Sabi ko.


"Halatang gutom na nga. Teka nga kasi Querra, kalma ok? Hindi naman kasi tayo do'n mauubusan kaya relax sa paglalakad lang naman. Baka pati kami masubsub e," reklamo naman ni Einjel.


Napakamot na lang siya dahil sa mga reklamo naming dalawa at naglakad na lang kami ng mabagal. Pagkarating namin sa loob ng cafeteria ay nag order na kami ng makakain halatang gutom nga siya dahil may extra rice siya kuntra sa'min na isang rice lang at ulam. Pumwesto na kami sa lagi naming table na malapit sa entrance. Ng bigla may nagbubulungan sa may likuran ko malapit sa table namin.


"Totoo kayang bumalik na siya?"

"Oo. Nga Nakita namin sa office."

"Nako panigurado may dahilan siya kaya bumalik."

"Syempre. Andito ang mahal niya."

"Pag-ibig nga naman. Gagawin ang lahat."


Napataas pa ang kilay ko sa mga naririnig ko sino na naman kaya ang dumating, bakit kaya ang daming bago ngayon dito sa university. Syempre Sikat 'tong paaralan kaya dagsa. Maganda din kasi ang pagtuturo dito professional lahat ng mga nag co-core subject eh. Lahat kasi strict sila para may, matutunan nga naman talaga kami sa kanila. Para sa mga future namin.


********


THIRD PERSON POV


Kagagaling lang niya sa office para mag pasa ng requirements,  dahil nahuli ito ng enroll akala niya maaga siya makakapasa, pero naantala ng dahil sa company nila at siya ang pina-asikaso nito ng kaniyang mga magulang para daw balang araw ay matutunan niya pa lalo pano humawak ng business nila. Kahit alam niyang iba ang kaniyang strand kaya pinag-aaralan din naman niya kahit papa'no ang business nila. Masaya siya dahil pumayag pa ang dean nila about dito dahil weeks pa lang naman bago nagsimula ang klase. Kaya mabilis itong pumunta sa magiging classroom niya.

Samantala si Claiden ay alam niya ng nakabalik na siya sa university na 'to, kaya alam din niya sunod nito ang paglapit nito sa kaniya, kahit anong gawin niya para lang makalayo ay talaga makulit ito. Kilala niya ang isang 'yon. Kaya pumunta na muna siya sa office para malagay naman malagay ang  hawak niyang mga books na dapat sana sa locker niya. Paliko na sana siya ng may makabangga ito, at sa sobrang taranta nito ng makilala niya, kung sino ito. Natulala pa siya sa kaniya dahil sa tagal nilang 'di nagkita at nagka-usap. Kaya ito siya at ngayon natulala pa saglit ngunit ng matauhan ito ay umiwas agad ng tingin at iniwan siya kung sa'n sila nagkabunggo.

Nakita ito ng isang mysteryosong binata sa gilid ng puno at napangisi na lang siya at iling - iling itong  iniwan silang dalawa, naglakad siya habang ang mga palad nito ay nasa loob ng kaniyang pants at seryosong nakatingin sa dinadaanan niya, hindi niya alinlangan ang mga bulong-bulungan sa bawat nadadaraanan niya, dahil wala itong pakealam. At nilagpasan na lang niya ang isang lalaki na nabunggo niya, dahil 'di naman siya nito gagantihan kaya walang anong-ano ay naglakad ito paalis ng kanilang university. 


*****
A/n:

Sino nga ba ang dumating? At ano ang kaniyang role?

Don't forget to vote, comments and support this! Kung may graham man pagpasensyhan niyo na hihi. Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Lovelots!

Loving You In October- On Going (Series #10)Where stories live. Discover now