CHAPTER 6

2 1 0
                                    

Reighn Point of view


Kinabukasan


Dahil sabado ngayon ay malamang rest day namin kaya lunes na naman sasabak sa gyera, andito ako sa k'warto at walang gana kumilos kahit nga pagtayo nakakatamad. Tinawag na nga ako ni mommy para mag almusal pero sadyang nakakatamad talaga kumilos.

Wala man lang mga nag aasawa na tuko sa kisame, ang tahimik kasi at wala ko ngayon naririnig na mga tuko kapag kasi umaga or hapon maiingay sila, ewan ko ba bakit andito sila sa k'warto ko dapat nasa labas 'yan sila o kaya sa mga puno.


Napatayo lang ako ng may biglang kumatok sa pintuan ng k'warto ko kaya mabilis ako napatayo para pagbuksan ito.


"Mom? Bakit po?!" Taka ko dito dahil pagkakaalam ko wala naman kaming lakad para katukin ako ng napakalakas.


"May bisita ka. Mag ayos ka na nga ng sarili mo. Look at yourself hija." Bigla sabi ni mom bago ako talikuran.


Ano daw may bisita ako baka mga bweseta. Sino naman mga 'yon napakamot pa ko ng ulo bago pumunta ng banyo para makaligo, tinatamad nga ako eh, ta's may mga bigla susulpot sa bahay.


Simple lang ang suot ko dahil andito lang naman ako sa loob ng bahay. At wala ako balak lumabas ang init kaya.


Naka pluffed balloons sleeve ako at naka knife pleated na palda. Sanay kasi ako sa mga ganto suot pang fashion ko lang kahit nasa bahay ako nagmumukha akong may lakad. 


Bumaba na ko at habang pababa sa hagdan Nakita ko ang dalawa kong classmates pala na ang sarap ng panunuod habang may nilalamon.


Wow feel at home na agad sila, at ano ginagawa nila dito? Busy sila sa pinapanuod nilang Korean drama kaya 'di nila ako napansin na nasa harapan na nila ako ngayon.

"Eherm." Pagkukunwari ko para maagaw ko ang attension nila sa panunuod kaya 'di naman ako nagkamali ng sabay sila lumingon sakin at napalaki pa ata mga mata nila, akala mo naman ngayon lang sila nakakita ng goddess. Kung makaluwa ng mga mata akala mo lalabas na sa pinanggalingan.


"Ano ba 'yan. Makakatitig kayo wagas, ano ginagawa niyo dito?" Pambabasag ko para matauhan ang dalawa.

" Bawal na ba bisitahin ka, and look ang pretty naman ata masyado. May lakad ka ba?" Einjel.


"Oo nga, pormal eh, 'di ba kami niyan kasama huh?!" Querra.


Umupo na muna ako at nakiinom ng juice nila.


"Masama na din ba ang magsuot ng ganto? Porkit ba maganda ang suot may lakad agad? Diba p'wedeng fashion ko lang." Pagtataray ko sa kanila.

Loving You In October- On Going (Series #10)Where stories live. Discover now