HEA03

305 8 4
                                    

TRI

One moment, you have everything you want in your hands. And then the next thing you know, everything is gone. That's how fast the time passes by. Sa sobrang bilis ng takbo ng oras, hindi natin namamalayan na ang pinaka-importanteng bagay na hinahanap natin ay nasa harap lang pala natin. Nasa harap natin pero hindi natin binibigyan ng pansin dahil akala natin ay naroon lang sila habang buhay at hindi aalis. Not until it's finally too late and we realized they are already gone.

Kasabay ng paggupit sa kulay pulang ribbon at ang masigabong palakpakan mula sa mga tao ng San Fernando, bumagsak ang tingin ko sa singsing na nasa kamay ko.

I'm 33 and I should've already known things I didn't know back then but until now I'm still trying to learn the things I can't understand. Katulad na lamang ng... gaano ba ka-importante ang oras?

Umangat ang tingin ko sa langit at napansing maganda ang panahon ngayon. Hindi nagtatago ang araw sa mga ulap at maaliwalas ang hanging dala ng mga puno. Tamang-tama ang araw na ito para sa opening ng Clinic na pinatayo ng aking mga magulang.

It's been already two months and three weeks since Dax came here. Dalawang buwan at tatlong linggo na hindi naalis sa isip ko kung may pagkakataon pa bang magtagpo muli ang landas namin. What if that was already the last chance universe gave to us?

Bakit ko sinayang ang pagkakataon?

I smiled bitterly.

"Tri, honey, let's go inside." Bulong sa'kin ni Mommy at sumunod ako sa kaniya sa loob ng clinic.

Hindi kalakihan ang clinic na pinatayo nila ngunit sapat na ito para sa mga tao ng San Fernando; maliit lang din naman ang lugar na ito.

"May iilan pang mga gamit na kulang pero ipapadala ko agad sa oras na makabili na." She informed me.

I suddenly got curious, she never talked to me about the staffs.

"May nakuha ka na po bang volunteer doctor, Mom?" I asked while checking the portraits my Mom decided to place here.

Hindi sumagot si Mommy kaya naman binalingan ko ulit siya. She's now busy talking to our Barangay Captain.

Hinanap ko si Daddy pero wala siya sa loob kaya naman lumabas ako. I saw him standing near our van talking to someone. Kumunot ang aking noo dahil sa pamilyar na tindig at boses ng kausap ni Daddy.

"Willing akong maging photographer at nurse at the same time, Tito. Basic lang sa'kin 'yon." Pagyayabang ni Helia.

Ngumiwi ako dahil sa kayabangan ng isang 'to pero agad kumunot ang aking noo sa pagtataka kung bakit siya nandito. Nandito rin ba si Allison? Pero sabi niya hindi siya makakapunta.

Humakbang ako para lapitan silang dalawa nang may umikot mula sa likod ng van at lumapit kay Daddy upang makipagkamay. I froze on my place and like how I first met him again almost three months ago, everything stops around me.

The voices of people faded, my surroundings suddenly didn't exist, and the wind played the role of music for the first time in three years. At that moment, there was no one but me and Dax.

He smiled and I got a perfect view of the rising sun because of that. Sinundan ko ang galaw ng kaniyang mga mata at pinanood kung paano gumalaw ang kaniyang labi habang nagsasalita. Like an idiot I never wished to become because of love, I found myself smiling and on the verge of crying. Sumabay ang puso ko sa pagkanta kasabay ng hangin dahilan para sila lamang ang aking marinig.

When his eyes finally moved from Dad to me, my smile slowly faded—not because I wasn't happy, but because at that moment, what mattered most was how my heart beat so fast for him. And I know he knows it. I know he can hear it no matter the distance. I just know it.

TBW Novella: Happy Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon