Grabe bat kaya ako kinakabahan? Yung tipong pakiramdam mo may hindi magandang mangyayari. Maia... ay este Mario kalma lang kaya mo yan. Mabait naman daw yung magiging boss ko kaya wala naman sigurong mangyayaring masama diba?
*riiiinnnggg* nagtext si ate vine.
[ate vine]
Balita ko may nahanap na daw kayong pwede mong pasukang trabaho. I just wanted to say ingat and God bless baby girl! Ay baby boy na pala dapat. Hehehe.
[maia]
Salamat ate vine. Don't worry i know naman na lagi mo akong ipinagdadasal kay God.
[ate vine]
Oo naman. Dala mo lagi ang mga dasal ko. Haaayyy... Kung hindi lang talaga ako busy sana sinamahan kita. O sige na kailangan na ako dito. Ingat ka at I love you bunso.
[maia]
Ingat din. I love you too ate. :*
Grabe ang sweet talaga ng ate ko. Sya si ate Vernnice Mickaelle Rodriguez. 26 years old at may ari ng isang kilalang botique. Kayaa medyo busy kasi talagang mabenta ang mga tinitinda nya. Isa din syang model. Single sya at galit sa lalaki. Kasi naman ikaw kayang lokohin at itwo-time ng boyfriend na akala mo kung sinong gwapo. Mabait, masayahin, mapagmahal, yan ang ate ko.
"Nandito na tayo." sabi ni Azi. Tumingin naman ako sa labas at nakakita ako ng parang mansyon pero mas maliit dun.
"Sigurado ka bang tama tong pinuntahan natin? Akala ko ba cafe yun? Bat parang walang tao?" sunud-sunod na tanong ko kay Azi.
"Tama to. Nakalimutan kong sabihin sayo na stay-in ka dito. Gusto kasi nya 7:00 am in the morning nagbubukas cafe nya eh. Kaya lahat ng empleyado nya dito natutulog. Yung cafe naman katapat lang nito." sabay turo dun sa mukang mamahaling cafe. Huwaw! Buti nalang marunong akong magbrew ng kape. Salamat daddy at tinuruan mo ko kahit nakakiinis ka. "Tara pasok na tayo. Mag boses lalaki ka ah. Baka kasi mapagkamalan kanilang bakla. Mahirap na baka may makakilala sa boses mo." hila sakin ni Azi papasok sa bahay.
May nakasalubong kaming isang matangkad na lalaki at nginitian si Azi.
"Hi." bati samin nung matangkad na lalaki. Shemay ang pogi mo kuya kung sino ka man. Kung hindi lang ako lalaki ngayon baka sinunggaban na kita. Hihihi :")
"Hello :)" sagot ko naman. Ow my gash naaakit ako sa ngiti nya.
"Mario, sya nga pala si Jophiel kapatid ng magiging boss mo. DJ sya si Mario kaibigan ko" pagpapakilala samin ni Azi. So kapatid pala sya ng boss ko.
"Nice to meet you Mario." bati nya sakin sabay lahad ng kamay. Kinikilig ako kaya lang baka mahalata nila na babae ako. Nakipag hand shake ako sa kanya. Konti nalang matutunaw na ako promise!
"Nice to meet you din. Bossing :)" sabiko nalang sa kanya.
"Ay wag mo akong tawaging bossing kasi hindi naman ako boss mo. :)" sabi naman nya sakin.
"Kapatid ka ng magiging boss ko kaya bossing tawag ko sayo. kung pwede lang naman :)" sagot ko naman sa kanya. "Tama na muna yang landi. Tsaka na pag tapos na problema mo." bulong sakin ni Azi.
"Nga pala Mario magiingat ka sa kapatid ko ah. At isa pa DJ nalang itawag mo sakin." sabi yun ni bossing DJ tapos umalis na sya.
Habang naglalakad kami ni Azi di ko mapigilang maintriga sa boss ko. Sino naman kasing hindi kung balaan ka ng kapatid nya. Ano kayang itsura nya? Baka naman pangit kaya ako binalaan. Pero muka naman imposibleng mangyari yun gwapo si bossing DJ ei.
"Azi matanong ko lang bat ganun yung sinabi ng kapatid ng magiging boss ko?" di ko na napigilan. Kating kati na akong tanungin yun kay Azi.
"Ah yun ba? Wag mo syang pansinin lagi nyang sinasabi yun sa lahat ng bagong empleyado dito." sagot naman ni Azi. Teka bat parang ang macho ng boses ngayon ni Azi?
"Azi yung totoo anong nangyari sayo bat ganyan ka umarte? Di na kita kilala sa inaakto mo ngayon." may halong pag-aalala ang birong sinabi ko. Naninibago ako sa kanya pag kumikilos syang straight na lalaki. Dati talo pa ako nito sa pagrampa ah. Ngayon mas mukang maskulado pa sya sakin.
"Hay naku teh sa totoo lang hirap na hirap na ang balakang ko na wag mag sway. Pero kailangan kong gawin to baka makahalata sila na you know ako." paliwanag nya. Ngayon ko lang napansin na naginginig na bewang nya. Hirap sigurong pigilan yun? Hahaha. Baklang bakla na ulit sya magsalita.
"Hindi ba nila alam?" tanong ko. Mukang hindi. Nakita ko syang umiling. At may konting lungkot sa muka nya.
"Tama na nga ang drama. Tara na at kanina pa tayo hinihintay ni KJ." sabi nya at hinila ako papunta sa isang opisina.
Author's note:
Author: Akala nyo kung sinong bossing no?
Maia: Hahaha pati ako natakot ah :)
Azi: Sabi na nga ba sya yung tinutukoy ni Author ei.
Author: Wala ka kayang sinabi. Bleh :P
Azi: OO na lagi naman akong talo sayo eh. Pero talo ka sakin kasi mas maganda ako sayo.
Author: Mas maganda kaya si Maia sayo
Maia: Talaga Author? Maganda ako sa paningin mo?
Author: Syempre joke lang yun. Bwahahahahahaha!!!!
Maia & Azi: Napaka sama mo talaga Author.
Author: Tss... Magpaalam na kayo dali!
Maia: Bye! Wag nyong kalimutang basahin to!
Azi: AND!!!!! Don't forget to vote! Kahit vote lang wag na comment :*
DJ: Ang ingay nyo pala dito
Autor: Ay may singit! Mag goodbye ka na din. Dun ka nalang sa susunod magingay.
DJ: Bye. Mahal ko kung sino mang nagbabasa nito :* muah
BINABASA MO ANG
Disguise in love with you Pare
Humorslow update po ang mangyayari sa story na to. Lintek na buhay to oh! Sana sumabog ako kasama ng bombang pinasabog ng Daddy ko kanina. Sana nilamon na ako ng lupa o kaya naman kinuha na ako ni Lord! Bakit pa kasi ako? Nandyan naman ang kapatid ko ah...