Chapter 5 History of the Making

3 0 0
                                    

Habang hinihintay si Azi ineenjoy ko muna yung binili kong pagkain dito sa cafe. Ang sarap talaga!!!! Maya-maya dumating na si Azi.

"Wow. Ang sarap naman ng kinakain mo. Pahingi!" sabi ni Azi habang nakatingin sa kinakain ko na parang natatakam.

"Bumili ka ng iyo. Tutal naman kayo ang mayari nitong cafe." sabi ko naman kay Azi.

"Damot. Hindi naman akin tong cafe, sa pinsan ko ito." sagot ni Azi

"To naman binibiro ka lang nagtatampo agad. O." sabay abot sa kanya ng kutchara. Agad naman nya itong kinuha at sinubo. Yung mata nya parang nagkaroon ng heart-shape. "Huy. Ok ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Ang. Sa. Rap!!!!!!!!!!!!!!!!" pabulong na tili nya. Anudaw? Gulo no? Pigil na pigil ang pagtili nya eh. Kaya ganun.

"OA. Naman ang reaksyon mo. First time mo lang ba kumain dito?" tanong ko kay Azi. Kasi naman parang ngayon lang nakakain nun -_-!

"Hindi naman. Ang sarap lang talaga. It's so yummy!!!!!" sagot naman sakin ni Azi.

"Nga pala may tanong ako bakit heaven's cafe pangalan nito?" tanong ko kay Azi. Kanina ko pa yan gustong tanungin sa kanya.

"Kaya heaven's caafe ang ipinangalan dito kasi dahil sa pangalan naming magpipinsan. Diba napansin mo na puro angel names namin. Yung lolo't lola ko kasi gusto nila na ipamana samin tong magpipinsan. Tsaka gusto din nilang anagel names ang ipangalan samin at sa magiging anak daw namin." sagot ni Azi.

"Yung lolo't lola mo ang nagpatayo ng cafe na to?" tanong ko ulit. Curious ako eh.

"Oo. Si lola yung nagluluto ng kakanin, si lolo naman sa mga tinapay. Yung mga magulang naman namin yung naglalako dati. Nung nakapag ipon ipon daw sila tsaka daw sila gumawa ng stall. Maliit lang to dati. Ngayon lumago na at patuloy na lumalaki sa tulong ni KJ." sagot ni Azi. Sino naman si KJ?

"Uhm.. Sino si KJ?" tanong ko ulit kay Azi habang umiinom ng frap. Ang sarap talaga! Mukang magugustuhan ko dito ha. Magaling talagang pumili si Azi.

"Si KJ? Sya yung boss mo. Yung kinausap natin kanina. Kung tatanungin mo kung bakit KJ tawag namin sa kanya. KJ kasi initials nya at kj sya talaga. Kunwari mag a-outing kaming lahat, di sya sasama hanggat hindi mo pipilitin. Tapos pag inaya mo magswimming ayaw din. Dati naglalaro kami ng spin the bottle tapos inaya namin sya ayaw nya. Ayun ininggit namin hanggang sumali. Nakakatawa nga yung muka nya nun eh." mahabang salaysay ni Azi. Sya pala yung boss ko. "Nga pala maiba ako. Bakit ka ba kasi ipapakasal ng tatay mo?" tanong ni Azi sakin. Eto kasi nangyari nun

*Flashback*

Bakit kaya ako pinapatawag ni Daddy? May nagawa kaya akong mali o kaya naman kasalanan? Parag wala naman akong ginawang ganun. Maayos naman ako.

"Uhm.. Daddy bakit mo po ako pinatawag?" tanong ko sa kanya ng makapasok ako sa opisina nya.

"May gusto akog sabihin sayo kaya kita pinapunta dito." sagot nya sakin habang nakatingiin sa mga papel na hawak nya.

"A-ano po y-yun?" mangatog-ngatog kong tanong sa kanya. Sobrang seryoso ng muka nya at parang may problema sya.

"Anak, kailangan mong magpakasal sa anak ng kaibigan ko. Naipagkasundo nna namin kayo simula pa lang nung bata pa kayo kahiit hindi pa ninyo nakikita ang isa't isa." sabi sakin ni Daddy. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang gumuho ang mundo ko nung sinabi yun ni Daddy.

"P-pero bakit? May nagawa ba akong kasalanan kaya mo po ito ginawa? Ano po ba yun? Sabihin mo po sakin aayusin ko po iyon." maluha-luha kong sabi.

"Wala naman anak. Nasa tamang edad ka na para mag asawa. Disente naman yung mapangasawa mo. Nakita ko na sya nung nag-usap kami ng magulang nya." seryosong sabi ni Daddy.

"Daddy naman. Ayoko pang mag asawa. Masyado pang maaga! Wala pa akong nararating sa buhay!" sabi ko habang umiiyak. Hind ko na mapigilan ang luha ko. Kusa syang umagos sa mata ko. "Kung nandito lang sana si Mommy hindi nya to mapapayagan." namatay ang mommy ko nung bata pa ako dahil may puumatay sa kanya. Hindi parin nakuukulong yung my gawa sa kanya ng karimarimarim na pangyayari na yun.

"Wag mong dinadamay dito ang Mommy mo. Kung nandito man sya tiyak na papayag din yun na mag asawa ka na. Mabait ang mapapangaasawa mo at gaganda pa lalo ang buhay mo. Tiyak na magiging masaya kang kasama sya." sabi ni daddy na medyo mataas ang boses.

"Hinding hindi mo ako mapipilit sa isang bagay na ayoko! Kung kinakailangan kong maglayas, maglalayas ako para hindi makasal dun sa pontio pilatong yun!" pagkasabi ko nun lumabas ako sa opisina nya at dali-daling nag impake ng damit. Dumiretso ako sa bahay ni Azi. *palibhasa kasi ako yung sinisisi mo sa nangyari* bulong ko sa sarili ko.

*End of flashback*

"Ayun yung nangyari." kwento ko kay Azi.

"Sakin ka talaga unang dumiretso no?" tanong sakin ni Azi. Talagang sa kanya ako pupunta no.

"Syempre! Alam mo namang ikaw lang ang bff ko. Kung nandito lang sana si ate syempre sa kanya ako, pero alam mo naman nasa abroad sya kaya sayo ako dumiretso." sagot ko sa kanya.

"Aww. Ang shweet naman ng bff ko! Dahil dyan ililibot kita sa buong bahay na tutuluyan mo." sabi ni Azi habang hatak-hatak ako. Nilibot nya ako sa buong bahay. Rest house pala nila yun at pinagawa pa ng lolo't lola nila. Ang ganda dito. Ang sarap mamuhay dito. Mageenjoy nga ako dito.

Author's note:

Author: Maikli ba?

Maia: Parang hindi naman

Author: Sigurado ka?

Azi: Oo namern. Keribells lang yan Author

Author: Sige sabi nyo ei. Comment nga kayo kung maikli lang. Di ko naman babaguhin kahit sabihin nyong maikli eh :)

KJ: Tss. Nagtanong ka pa sa kanila. At ikaw Mairo anong tinutunga-tunganga mo dyan? Magtrabaho ka na! Nasasayang lang yung pinapa sweldo ko sayo! Tumulong ka na din Azi.

Maia: Tss. Ang sungit! *pout*

Azi: Oo nga.

Author: Bago kayo umalis mag paalam na muna kayo. *Linga* *linga* Nasan na sila?

KJ: Pumunta na dun.

Author: Ikaw nalang mag paalam.

KJ: Bye! Don't forget to vote! *monotone*

Author: NApilitan lang? May PMS tong lalaking to.

KJ: Mmay sinasabi ka ba dyan? *scary tone*

Author: *iling*

Disguise in love with you PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon