{Sa corridor ng isang local high school...
"Ano ba problema mo?" sabi ni Maehara kay Keita. Napansin niya kasi itong sumusunod sa kanya. At sobrang naiilang siya sa presensya nito.
"Resistance is futile... Kaya wag mo na ako iwasan." Seryosong pagkasabi ni Keita sa dalaga.
"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo jan?! Stalker!" Naiiritang sabi ni Maehara. At sabay talikod at nagpatuloy na sa paglakad.
"Alam ko na may gusto ka sa akin... And honestly, gusto rin kita... Won't you give me a chance? Para sana mapatunayan ko sa'yo na hindi ako nagbibiro." Mahinang sambit ni Keita... Ngunit sapat na ito para marinig ni Meahara...
"Huh!? Ewan ko sa'yo bahala ka jan. Keita, you're such an idiot!" Namumulang sinabi ni Maehara at bigla na siyang kumaripas ng takbo...
"Meahara wait!" dali-dali namang hinabol ni Keita si Maehara.
Magkababata si Maehara at si Keita. Simulat-simula pa man ay lagi na silang magkaklase. From their early days in preschool, to their elementary days, and up until now na third year high school na sila.
Lagi man sila magkaklase, hindi rin naman sila lagi nakakapag-usap. Boys will be boys at girls will be girls nga naman sabi nila. And with that simple saying understood na, na minsan may mga bagay na mahilig yung isa pero ayaw naman nung isa. So, Keita is into basketball and Meahara is into music. Still, hindi man kadalasan magkatugma ang schedule ng mga practice nila; hindi pa rin maiwasan ni Meahara na muhulog ang damdamin niya para sa kanya childhood friend.
○○○ ○○○ ○○○
Sa Music Clubroom...
"Meahara..." tawag ni Keita nang binuksan niya ang pinto. "Alam ko anjan ka na naman sa likod ng kurtina. Lumabas ka jan maalikabok jan. Bakit mo ba kasi ako iniiwasan?"seryosong tanong ni Keita sa kababata.
"P-pa-paano mo nalaman na andito ako sa Music Clubroom?!" pasigaw at parang natataranta na tanong ni Maehara, ngunit hindi pa rin siya lumalabas sa likod ng kurtina.
"Kilala na kita... Ugali mo na yan ever since our childhood days. Hindi talaga nagbago, ano? Napaka-inosente mo pa rin sa ganitong mga bagay... Palibhasa 'No Boyfriend Since Birth' ka eh... Tsk! Nag-confess lang naman ako sa'yo na gusto kita. Anong mali dun? Hindi naman ako nagde-demand sa'yo na sagutin mo ako agad. So, bakit kailangan mo pa ako iwasan? Haiii... Kung iti-turndown mo yun confession ko, I think it's better if you would tell me sooner. Hindi naman pwede na iiwasan mo na lang ako bigla. Ano ka elementary? Ehehehe... Imagine sayang naman yung pinagsamahan natin kung mag iiwasan tayo. Di'ba?" May pagka-sarkastikong tono sa pagka-sabi ni Keita.
"P-paano mo nalaman na andito ako sa likod ng kurtina?" hindi pa rin lumalabas mula sa pagkakatago si Maehara. At bigla niya na lang ibinaling sa iba ang usapan.
"Nagpapatawa ka ba? Anong oras na ba sa tingin mo? Against the light ka talaga... Kitang kita ko na nakalapat ang anino mo sa kurtina... Sheeshhh..." Mapangasar na pagkakasabi ni Keita.

BINABASA MO ANG
My Memories Of My First Love
Short StoryIt follows the life of Ethan Claire Belmonte -- He is a second year student in a local high school. He's known in class as 'KenDoll-kun' due to his second name 'Claire'. He's silent and has this extremely carefree and happy-go-lucky behavior. Ethan...