Ethan Claire's Point Of View:
June, ang buwan kung kelan nagbabalik eskwelahan ang mga estudyante sa Pilipinas matapos ang dalawang buwan na bakasyon. Hello quizzes at hello assignments na naman ulit para sa bawat estudyante sa kani-kanilang paaralan. May iba jan excited dahil sa allowance na matatanggap mula sa parents nila, may iba naman excited dahil namimiss na nila ang mga kaibigan nila sa klase, at yung iba sadyang namiss lang pumasok sa school at tumambay sa classroom.
Pero kadalasan sa mga estudyante, halos karamihan sa kanila kagaya ko; na tanghali na kung magising at late nang nakakapasok sa first subject nila sa umaga right of the bat on the first day ng school year.
Anyway, July na naman ngayon so it's most likely na nakapag-settle na ang mga studante sa kanikanilang schedule. Gaya ko, hindi na ako nale-late simula nung pumasok ang buwan ng July. Pero saan ka pa, buong June ata walang araw na hindi ako na late. Nasanay kasi ako sa oras ng gising ko kapag summer eh... Kadalasan kasi ten o' clock ng tanghali na ako nagigising nung summer. Tapos biglaan kailangan ko bumangon ng four o' clock ng umaga para mag-asikaso sa pagpasok.
SFX: *Footsteps Walking...*
Maingay sa corridor. Ang daming mga estudyante na on vacant period. Maraming mga nagtatakbuhan. Maraming nagsisi-tawanan at nagkakantyawan sa tabi-tabi. Masyadong crowded ang corridor kapag ganitong oras yung tipong malapit na mag nine o' clock sa umaga. 9:00 AM to 9:30 AM kasi ang recess time. Yung ibang mga teacher maaga na nagdi-dismiss. Yung ibang klase naman minsan siniswerte sa schedule na nakukuha at natatapat sa kanila na vacant ang period nila from eight o' clock to nine o' clock.
"Sheeeeshh! Bakit kelangan pa niya ako sampalin ng class record sa mukha?! Tsk! Hindi naman nakakaistorbo sa klase yung pag-gamit ko ng netbook at pagbabasa ko ng story sa wattpad sa likod ng klase ah!"
Ako nga pala ulit si Ethan Claire Belmonte. Fourteen years old, ipinanganak noong October 6, 2020... 11:35:29 ng gabi. By the way, naglalakad nga pala ako ngayon papuntang canteen habang nagbabasa ng story sa wattpad gamit ang netbook ko. Tsk! Pinalabas lang rin naman ako sa classroom ng magaling naming professor eh. Edi mauuna na lang ako mag-snack sa kanila. Bahala sila dun mabulok sa Algebra na yun! Hmpf!
SFX: *Footsteps Running...*
"KenDoll-kun!"
Hmmm? May tumatawag ba sa akin? Lumingon ako sa likod, pero sa dami ng tao sa corridor plus the fact na malabo na ang paningin ko hindi ko pa rin naman nakita kung sino yung tumatawag sa akin. Kaya nag patuloy na lang ako sa pagbasa at paglalakad.
"Heads up, 'KenDoll-Kun'! Psst! KenDoll-Kun!!!"
Hmmm!? Ano na naman ba yun? Sino na naman ba 'tong tumatawag sa akin! Tsk! Huli na ang lahat nung lumingon ako. Nabangga na ako ng nakakairitang babaeng 'to.
"Wha~!"
SFX: *BLAG!!!*
"Whaaaahh!!! Ang Netbook ko naman!!! Tsk!Tsk! Tsk!"

BINABASA MO ANG
My Memories Of My First Love
Short StoryIt follows the life of Ethan Claire Belmonte -- He is a second year student in a local high school. He's known in class as 'KenDoll-kun' due to his second name 'Claire'. He's silent and has this extremely carefree and happy-go-lucky behavior. Ethan...