dos

2 0 0
                                    


"Jo are you busy ba?" tanong ko kay Caleb na kakapasok lang sa kwarto namin

"yes baby sorry naglalaro pa kami e" he said before closing the door

Binuksan ko uli laptop ko para ipagpatuloy inagawa ko. Lagi na nandito yung mga friends ni Caleb. Magiisang linggo na din hindi umuuwi ng maaga si Caleb dahil lumalabas siya kasama friends niya. Hinahayaan ko na din siya gawn mga bagay na gusto niya gawin dahil wala naman ako magagawa.I understand naman na hindi sa akin umiikot mundo niya pero these past few days parang nakakalimutan niya na buong existance ko. Para kaming roommates lang nitong mga nakaraang araw. 

Minsan hindi na ako lumalabas ng kwarto pag nasa labas siya lalo na pag kasama niya friends niya. Parang ang bigat sa damdamin makita siya. Gusto ko siya kausapin about that kaso para niya akong iniiwasan.

Masyado siya naging busy sa mga laro at friends niya at hindi ko naman magawang magalit sa kanya doon dahil kaibigan niya yun.

"Hay nako Clara"bulong ko sa sarili 

[]

"Goodmorning po ma'am, parcel po para kay Caleb santiago" sabi ng delivery guy

"magkano po yan kuya?" tanong ko 

"1k po ma'am"

"saglit lang kuya ha? kuha lang po ako bayad" 

Umakyat ako sa taas para kumuha ng pambayad sa ing-order ni Caleb. Inabot ko na kay manong yung bayad tsaka kinuha yung parcel. Sinara ko na yung pinto at binato sa sofa yung parcel.

Ilang buwan na mula ng huling umuwi dito si Caleb. Hindi kami naghiwalay, wala ding away na nangyari, hindi din siya nagpaalam. It's like he vanished into thin air. kelan ba tayo mapapagod kakaantay ng pagbabago niya sebastian? paulit ulit na to e'

Bigla nalang ako naluha habang tinititigan yung sofa kung saan kami nanonood ng favorite naming movie. 

"Babalik ka pa ba?"

"Wag ka na bumalik caleb"sabi ko. Magmumukha akong tanga dito dahil sarili ko lang naman kausap ko. Nakakainis isipin na hindi ko kaya sabihin sa kanya ng diretso kung ano gusto ko mangyari. Ayaw ko na siya bumalik. Ayaw ko na siya bumalik dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kaya tanggihan pagbumalik siya.

[]

Nagising ako bigla dahil sa malakas na tunog na nanggaling ata sa baba. Tumayo agad ako para icheck kung ano yun. Napansin ko naman na wala parin si Caleb sa tabi ko.

Nagulat naman ako nang may biglang sumigaw

kinuha ko yung baseball bat na nakatambak sa likod ng pinto namin. Dahan dahan ko binuksan yung pinto bago lumabas.

Kinakabahan ako habang papalapit ako sa hagdan. Naririnig ko mga sigawat sunod sunod na tunog ng mga bagay na nababasag na mula sa kusina.

Natigilan ako ng makita kung sino yung nagbabasag

"Caleb" I called him pero hindi padin siya natigil

"Caleb stop it!"

"ano ba nangyayari sayo?"tanong ko sakanya.

umupo siya sa sahig at ginamit kamay niya para takpan mukha niya. Lumapit ako sakanya para yakapin siya.

"I'm sorry clara"

"clara I'm sorry"

Paulit ulit siyang nanghingi ng tawad sa akin habang umiiyak. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Nandito nanaman tayo Caleb.

Hindi ko alam kung kaya ko siya patawarin pero alam ko na hindi ko siya kaya iwan. Paulit ulit kami ni Caleb. Parang sa relasyon namin ako lang ang kumikilos, parang ako lang ang lumalaban. Lagi siya nanghihingi ng tawad ngunit kahit ilang beses ko siya patawarin, pagbigyan at kahit ilang beses pa siya mangako na hindi mauuit, laging nauulit. Para bang binabato niya kaming dalawa sa iisang sitwasyon na pilit namin takasan.

"Clara patawarin mo na ako"

"Clara pangako hindi na mauulit"

"Clara please, mahal na mahal kita"

"Clara hindi ko kaya"

"It's okay caleb"sabi ko habang hinahaplos likod niya

Pakiusap Caleb,wag mo na ako pahirapan.

ikawWhere stories live. Discover now