kwatro

3 0 0
                                    


["hello? hello caleb" ]

"bakit po tita?" tanong ko mula sa kabilang linya ng telepono 

["nanjan ba si Clara? susunduin sana namin siya jan e"]

"hindi po ba siya umuwi sainyo? tanong ko. Kinakabahan ako dahil kung hindi siya umuwi sa kanila, saan siya pupunta?

"hindi po ba siya umuwi jan sainyo ta?"

[]

Nandito kami ngayon sa bahay namin kasama ko parents ni Clara. Ilang araw na sila nandito dahil sinasamahan nila ako hanapin si Clara.

"Hindi niya ba sinabi sayo kung saan siya pupunta?" stressed na tanong ng mama ni Clara. 

I don't know how to tell her parents kung ano nangyari kagabi. Hindi ko pa alam paano ko sasabihin kung paano siya umalis at kung paano ko siya hinayaan umalis mag isa.

"hindi kaya nakela ysa siya?" tinanong ng papa ni clara 

"tinawagan ko si ysa kahapon, wala naman daw" sagot ni tita yhan

"tinry niyo ba siya tawagan?" tanong ni papa ni Clara, tumango lang ako bilang sagot.

Pare-pareho kaming nag-aalala dahil hindi namin alam kung saan na siya nagpunta. Tinawagan na namin lahat ng pwede namin matawagan pero wala talaga. Nagsimula umiyak si Tito sejo dahil nawawalan na daw siya ng pag-asa hanapin anak niya. Mag-iisang linggo na mula ng hindi namin mahanap si Clara.

It's like she vanished into thin air and it's all my fault. kung sinundan ko siya hindi sana siya mawawala. Kung sinundan ko siya nandito pa sana siya. Kung hindi ko sana binalak na lumabas kagabi hindi sana nagkakagulo ngayon. Kung hindi ako naging makasarili nandito pa sana si Clara.

"Ikaw!" nagulat ako ng bigla akong hatakin ng papa niya sa kwelyo ng damit ko

"pinagkatiwala ko sayo ang anak ko tapos ganito gagawin mo?" galit na galit na tanong sa akin ng papa niya. Pilit naman siya pigilan ni Tita yhan dahil wala naman daw ako kasalanan. 

Binitawan ako ng Tito Sejo bago umupo sa upuan at umiyak. 

[]

It's been a month since sumuko maghanap sila Tita yhan dahil hopeless daw. Hanggang ngayon naghahanap padin ako ng paraan para hanapin siya.

Pumasok ako sa kwarto at agad sumalubong sa akin ang amoy ni Clara na lagi kong naamoy nung nandito pa siya.Bihira ako pumasok dito magsimula nung umalis dito si Clara dahil ang bigat sa pakiramdam. Hindi ako nakakatulog ng maayos dahil magdamag kong hinahanmak yung halimuyak niya, kaya napag desisyunan kong dito nalang matulog para kahit papaano maramdaman kong nandito siya.

Hindi ako titigil hanapin ka hanggang maramdaman kita ulit dito sa tabi ko.

[]

Kumatok ako sa mga kapitbahay para itanong kung hindi ba talaga nila nakita si Clara nung gabing iyon, pero laging iisa ang sagot nila. Ang huling beses daw nila nakit si Clara ay nung umaga kinabukasan nun noong nagiwan siya ng pagkain sa pinto ko. Hindi ko kaya maniwala sa kanila dahil nung binuksan ko pinto namin wala namang pagkain doon.

Hindi ko na alam saan hahanapin si Clara dahil halos lahat ng pwede niyang puntahan napuntahan.

saan pa ba kita hahanapin Clara?

Umupo ako sa bench kung saan lagi kami tumatambay kapag trip ni Clara magpark. Pinagmasdan ko ang tanawin na gustong gusto niya. 

Nandito ka din ba Clara? 

Unti-unting tumulo luha sa mata ko dahil alam kong talo na ako. Ayaw ko pa susuko hanapin siya pero hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Anong lugar ang dapat ko halungkatin para makita kita uli? 

"Panginoon, alam ko na hindi ako naging mabuting tao pero pakiusap ibalik niya na siya sa akin" pakiusap ko sa Diyos.

Tumigil na ako sa kakaiyak dahil wala naman itong magagawa para mahanap ko si Clara.

Gusto ko pumunta sa dagat na lagi namin pinupuntahan. Hindi pa sumagi sa isip ko na pumunta doon dahil baka mas lalo lang bumigat pakiramdam ko. Sa lahat ng pinuntahan namin lagi, yung dagat palang ang hindi ko pa napupuntahan. 

Parang biglang gumana utak ko sa sandaling iyon. Paano kung nandoon siya?

Napagdesisyunan ko na pumunta sa dagat sa kadahilanan na gusto ko muna huminga tsaka nagbabakasakali ako na nandoon siya

[]

"nandito ka ba?"tanong ko sa walang tao at kabuhay-buhay na paligid ng dagat. Kanina pa ako naka upo dito, inaantay ko baka may biglang lalapit sa akin para ipakita yung mga shells na napulot niya

Kanina pa ako nagaantay na babalik sa akin.

"Hindi ko na alam Clara" bulong ko.

"Mahal na mahal kita please wag mo ako iwan" I cried

"Sinisisi ko pa din sarili ko" bulong ko sa sarili

Hindi ko na kaya Clara. Kailangan kita dito sa tabi ko.

"Kasalanan ko ito. Ayaw kita masaktan pero na sasaktan kita" I let all the pain that seem to dwell dahil hindi ko na kaya itago. Hindi ko na kaya maging malakas. Kailangan ko ng pagmamahal at alaga mo Clara. I started to hit my head kasi bakit ba ganito ako. Bakit hindi ko siya pinigilan?


"Kasalanan ko bat ka nawawala ngayon" I hit my head multiple times as hard as I can para madistract ako kahit papaano sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. 

Natigilan naman ako nang biglang may humawak sa kamay ko para pigilan ako. 

"tama na Caleb" 







ikawWhere stories live. Discover now