tres

4 0 0
                                    


Tinitigan ko mukha ni Clara na natutulog sa lap ko. 

Napatingin naman ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas tres na pala, hindi ko napansin.

Binuhat ko na si Clara para maiakyat at maihiga ko na siya sa higaan namin sa kwarto. Hinalikan ko siya sa noo at inayos kumot niya. Mukhang tulog naman na siya

"Mahal kita Clara"bulong ko 

Lumabas na ako ng kwarto at kinuha bag ko sa kabilang kwarto bago dahan dahang bumaba para hindi siya magising.

Lalabas na sana ako ng pinto kaso natigilan ako ng marinig ko boses ni Clara

"Ano Caleb?Aalis ka nanaman?"

Hinila niya damit ko at hinarap ako sakanya para sampalin ako.

"Aalis ka? para saan? para takasan nanaman yung problema?"

"Bakit hindi mo nalang ako iwan caleb?" Nagsimulang tumulo luha niya dahilan para bitawan ko bag ko at lapitan siya

"Umalis ka"

"umalis ka at huwag na huwag ka na bumalik" sabi niya before taking a step back

"Mahal, hindi mo ako naiintindihan" tinry ko siya hawakan pero iniiwasan niya ako

"ano pang iintindihin ko sayo Caleb?"

"Mahal na mahal kita, ayaw kita masaktan"sagot ko.

"Hayop ka!" sigaw niya bago ako sampalin ulit

"Mahal kita, hindi ko lang kaya harapin to ngayon" pilit kong pigilan mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

"Anong tingin mo sa akin caleb? rehab center?"

"Caleb tumigil ka na"

"Hindi ko kaya"lumuhod ako sakanya at niyakap tuhod niya.

"kaya mong hindi ako isipin at hindi magparamdam sa akin ng ilang buwan, impossible na hindi mo ako kayang iwan caleb"tinulak niya ako dahilan ng pagkatumba ko sa sahig

"Hindi pwede na basta basta mo nalang ako iiwan kapag hindi mo kaya tapos babalik ka na parang walang nangyari caleb!" sigaw niya 

She started to breakdown at kung ano ano na sinasabi niya pero hindi ko siya maintindihan. 

"itigil na natin to caleb" nabingi ako sa sinabi niya 

"hindi ko kaya itigil Clara" tears started to fall from my eyes. Clara makinig ka sa akin please.

"hindi ko talaga kaya" I started to bawl.

"Tumahimik ka na!"sigaw niya ulit 

"tigilan mo na ako caleb, utang na loob hindi ko na kaya" 

"pauulit ulit ka!"

"bitawan mo na ako"

sigaw lang siya ng sigaw pero hindi ko naiintindihan mga sinasabi niya kaya nanatili lang ako sa sahig umiiyak.

Biglang nawala yung mga sigaw ni Clara at namulat nalang ako na wala na siya.

Hindi ko siya nagawang pigilan na umalis dahil wala akong lakas para tumayo at sundan siya.


ikawWhere stories live. Discover now