"Stelle!" tawag saakin ng aking kaibigan na si Tine.
"Bakit?" tanong ko rito.
"Tara punta sa aroma" anyaya nito.
"Libre mo ba?" tanong ko.
"Geh!" dala ang aking libro at laptop ay sumama ako rito.
"Alam mo ba ang pogi nung bagong barista doon" kinikilig na saad saakin ni Tine habang naglalakad kami papunta roon.
"Tse! Kaya siguro yinaya moa ko pumunta doon noh" paratang ko rito.
"Hindi noh, andon si Drich kaya gusto ko pumunta" saad nito. Sisilay nanaman siya sa crush niya.
"Masisilayan mo den naman don yung crush mong tropa ni Drich na si Patriel" ngingisi ngising saad nito.
"Yikes hindi ko na crush yon noh" saad ko.
Napogiaan kasi ako doon nung nakita pero nawala ren pagkacrush ko nung nalaman kong may ka-fling pala yon. Yoko ngang maging kabet noh!
Nakarating na kami ng coffee shop at tama nga si Tine na nandoon nga ang 4th year college na crush niya kasama nito ang barkada. Humanap kami ng pwesto at sakto naman malapit ito doon sa table ng crush ni gaga kaya kilig na kilig.
Hinayaan ko siyang umorder para saamin dahil gusto ko ng mag-aral. Masyado akong naiingayan sa tropahan nung crush ni Tine kaya hindi ako makapag-concentrate. Nakabalik na si Tine sa pag-oorder ng tawagin ito bigla ng kakilala niyang 4th year sa tropahan ng crush niya kaya naiwan nanaman ako.
"Stelle!" tawag saakin pangalan.
Tinignan ko kung sino ang tumawag at nakita ako ang isang lalaking sa counter. Tinignan ko si Tine at baka naman hindi ako yun pero sinenyasan niya akong order naming yun.
"Stelle!" tawag pa ulit ng lalaki. Tumayo ako at kinuha ang order sa counter.
Nang makarating ako sa counter ay napatitig ako sa lalaki. Siguro ito yung sinasabi ni Tine na poging barista. Matangos ang ilong nito, tan skin, maayos ang buhok, maganda at sakto lang ang laki ng labi at higit sa lahat ay maganda ang hugis ng mata nito may pagkawolf yung mata niya! Napatigil ako sa pag-titig ng bigla itong umalis.
"Ay suplado" bulong ko bago kuhanin ang aming order.
Linapag ko sa table naming ang order. Bumalik naman sa table namin si Tine ngunit panay sulyap parin sa kabila. Patay na patay si gaga. Hindi din naman niya masisisi ito dahil pogi ito at matalino pa.
Sinubukan ko muli mag-aral ngunit hindi ko ito matuloy dahil sa ingay ng mga tropa ng crush ni Tine. Nakakaasar! Kaya naman nagpaalam ako kay Tine na lilipat ako table sa labas upang mag-aral. Pumayag namna ito dahil lalapit din daw siya sa crush niya. Landi talaga kaya bagsak eh! Joke!
I am studying Interior Designing. For fun lamang iyon dahil wala talaga ako maisip na aralin. Well masaya naman siya pero need mo rin aralin ang mga measurements dahil nga kailangan rin iyon sa pagde-design ng isang bahay.
Dumeretyo ako sa alfresco ng café. Mabuti nalang at mahangin at hindi masakit sa balat ang init. Siguro kasi ay mag-gagabi na kaya hindi na masakit sa balat ang init.
Nag aaral lang ako ng makita ko na lumabas si Patriel. Umupo ito malapit saakin. Siguro ay magsisigarilyo ito. Well nakita ko kasi ito noong isang beses na nagyoyosi don sa kanto. Wala naman akong pake kasi baga naman niya yon.
Nag-aral ako ng payapa at napansin kong naiwan na pala ako mag-isa rito sa labas. Nauna na kasi umuwi si Tine dahil sumabay ito doon sa crush niya. Samantalang ako ay naiwan dahil napasarap ako sa pag-aaral.
BINABASA MO ANG
The Serendipity Paths
Fiksi RemajaStarted: 08/01/23 Ended: Serendipity. A simple word but has a beautiful meaning between us. Crystelle Yvie Perez, a simple girl who is happy go lucky. A girl who takes her life chill as possible. She spends her time with her friends, making conte...