Baysril bebes || VK baby's POV

87 2 0
                                    

2030




Good Morning! Kakagising ko lang kailangan ko pa kasi maghanda ng breakfast tsaka baon ng mga anak ko. Pagpunta ko sa kusina binuksan ko muna yung T.V para habang nagluluto ako may pinapanood ako.




"Mommy!"




"Oh anak gising ka na pala. Maluluto na tong breakfast mo intay lang."




"Sige po mommy. Manonood po muna ako."




Pero habang hinahanda ko na yung kakainin ng anak ko, may isang pangalan akong narinig galling sa T.V ang nakapukaw ng atensyon ko.




Matagal-tagal ko rin na hindi narinig ang mga pangalan na yun. ang mga pangalan na sobra kong hinangaan at minahal. Ang dalawang tao na inaabangan ko sa T.V tuwing tanghali. yung litrato ng dalawang taong yun, makikita mo sa bawat sulok ng kwarto ko. kahit nga siguro sa mga gamit eh, sa cellphone na halos ma full memory na kasi puro picture o kaya video nila, mga album na pinag-ipunan kong bilhin, libro, Personalized T-shirts, etc.




Matagal na rin akong walang balita sa kanilang dalawa pero simula nung narinig ko yung balita parang it brings everything back. Yung mag-aantay ka tuwing tanghali ng Showtime tas kapag absent yung isa parang nakakababa ng energy pero manonood ka parin. Yung kapag may biglaang moment na halos magwala ka na sa sobrang kilig kaso hindi mo magawa kase may katabing kang natutulog. Yung kapag nabanggit lang yung pangalan nila sa classroom o kahit saan eh tuwang-tuwa ka na.






Meron nga yung hoping-hopia kami na kasama siya sa movie niya. Nakakatawa kasi yung iba grabe talaga makapag-imbestiga hahaha. Tas may kumalat na picture na may selfie siya tas may dumaan sa likod niya. Sobrang nagwala yung babies nung kumalat ang picture na yun. Kasi alam na naming kung kaninong ulo yun. (picture in the link) sobrang saya/kilig na kami nung dulong part ng movie kahit taga-hawi siya ng kurtina at makipag titigan lang sapat na.




Yung year 2014 sabi namin Its our year kaso parang kabaligtaran yung nangyari. Nagkatampuhan silang dalawa. Dumating sa time na ilang weeks na silang hindi na uusap or nagtitinginan. #Frozendays. Hanggang sa dumating na yung punto na nag-aanounce siya na ikakasal na siya so nobyo niya. Pagkabukas ko ng twitter parang pinagsaluban ng langit at lupa yung mga babies. Yung iba di na napigilang hindi umiyak, at yung iba masakit mang sabihin sumuko na o nawalan na ng pag-asa. pagkatapos nun may lumabas na balita kung ano yung dahilan nung pag-aaway nila.May time na kahit magtitigan o kaya magkatabi lang sila ok na. Ilang days rin yung lumipas, nangyari na ang araw na pinakahihintay namin. Nagkabati na sila. Walang hint, hindi plinano. Walang mapaglagyan yung saya namin kasi sa wakas bati na sila.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jun 09, 2015 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

One Shot Collections || VicerylleDove le storie prendono vita. Scoprilo ora