1.1

169 10 2
                                    

KABANATA 1

*

"Pat, talo ka na." Sabi ni Gen, itinapon niya ang kanyang huling baraha para ipakita na nanalo na naman sa laro namin.

"That's it!" Sabi ko naman. Kanina pa kasi ako natatalo. It's either si Patrick or si Genlaine ang nanalo sa laro namin. "Ayoko na maglaro."

"That's not quitting. Ayaw mo na kasi kanina ka pa natatalo." Natatawang sabi sa akin ni Patrick.

Sa inis ko ay binato ko siya ng unan. I aimed at his face, pero nasalo niya! Umupo na lamang ako sa sofa at ipinatong ang ulo ko sa aking mga tuhod. Tumayo naman si Gen at lumapit sa kanyang laptop. Pinatay niya ang kanina pang maingay na music habang naglalaro kami. Nanatili muna kaming tahimik sa kwarto ko.

"Hey kids!" Tawag ni mama sa amin pagpasok niya sa kwarto, nakakunot ang noo niya habang isa-isa kaming tinititigan. "Papunta na ang Tito Bernard mo at ang asawa niya." Sabi niya sa akin. "Pwede bang ayusin mo ang mesa?" Okay.

Hindi naman ako makakatanggi e. Niyaya ni mama na magstay si Gen sa bahay para sa dinner pero tumanggi siya. Bago ko ayusin ang mesa ay inihatid ko pa siya sa may pintuan at saka nagpaalam sa kanya.

"Aria." Tawag sa akin ni mama.

"Dagdagan mo ng plato. Okay? Kasama ata nila si Tristan." Nagkibit balikat lamanamg ako bilang sagot habang tinatapos na ayusin ang mga plato sa mesa.

*

Narinig ko ang pagbukas ng front door. Mukhang nandito na sila Tito Bernard at Tita Aiko. Hindi ko sila nasalubong dahil busy ako sa pagsasandok ng pagkain na ihahain sa mesa para sa hapunan.

"Kamusta ka, Aria?" Nagulat ako sa pagbati sa akin ni Tita Aiko.

Humarap ako sa kanya. Hinalikan naman niya ako sa pisngi at saka ako ngumiti. Hindi naman niya ako hinintay pa na sumagot. Nakita ko ang sunod na pagpasok ni Tito Bernard sa kusina. May dala siyang red wine. Ipinatong niya iyon sa counter at saka ako nginitian.

Ang mga Gonzales ay malapit na kaibigan ni papa. Classmate niya noon ang Tito Bernard. Mas naging close pa sila dahil sa bakeshop na itinayo nila papa kung saan sila ang business partners. Ang Tito Bernard din daw ang dahila kung bakit nagkakilala ang mama at papa ko. Bestfriend ng nakababatang kapatid ni Tito Bernard si mama.

Ngayong gabi, masasabi kong ito ay isang masayang gabi. Mula sa likod ni Tito Bernard ay nakatayo si Tristan. Nakasuot siya ng V-neck na T-shirt at maong pants. Magulo ang kanyang itim at medyo wavy na buhok. Sa leeg niya ay may suot siyang kwintas na may pendant na bituin at maliit na buwan sa loob.

"Hey Aria." Tawag ni Tristan sa akin. Napunta lalo ang atensyon ko sa kanya. Tinanguan niya ako.

Napalunok naman ako at napayuko. "Uy." Tanging nasabi ko.

Si Tristan ay matanda sa akin ng dalawang taon. He's second year college. Although mukha siyang matanda ng kaunti---mga kaedad siguro ng kuya kong si Patrick. Palagi naman siyang ganun, sa naaalala ko, para siyang nabuhay nung sinaunang panahon pa, kumbaga parang ang dami na niyang pinagdaanan sa buhay.

Sa school nga, papasok lang siya kung kailan niya gusto. Makikinig lang kung kailan niya gusto. And take note, hindi niya ako pinapansin sa school. Para bang isa akong balita sa bulletin board na ayaw basahin kaya lalagpasan na lang.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko siyang nakatitig sa akin. Yung titig ba na parang may interes siya sa akin. Sus! Asa naman ako. Nang nilingon ko ang paligid ay wala na sila mama. Malamang ay nasa dining table na sila.

TO HER, WITH LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon