1.6

55 7 2
                                    

KABANATA 6

*

Hindi na nagtanong pa sa akin si Tristan at mabilis niyang pinaandar ang kotse. Habang nasa byahe ay patuloy pa rin ang pagtugtog ng isang kanta ng paborito naming banda ng kaibigan kong si Mira.

Man, it's been a long day
Stuck thinking 'bout it driving on the freeway
Wondering if I really tried everything I could
Not knowing if I should try a little harder
Oh, but I'm scared to death
That there may not be another one like this ---

I moved a little forward. Pinatay ko yung radyo. Ayokong makarinig muna ng kanta mula sa banda na iyon, masaya man yon o hindi.

"May masamang nangyari sa kanya, 'di ba?" Tanong ko.

Tristan shrugged. Diretso lang ang tingin niya sa daan. "Hindi ko alam."

"It's bad. Kung nasa operating room na nga siya, malamang may masama..." hindi ko kayang ituloy ang sasabihin ko. Hindi ko talaga kaya. "It must be bad. Really bad."

"Hindi ko alam, Rainaria. Hindi ko alam, okay!"

Matapos niyang sabihin iyon ay nanahimik na ako at hindi na nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa ospital. Para kaming mga bata na naliligaw habang hinahanap ang emergency room.

"This way." Wala sa sarili kong sinundan si Tristan.

Ramdam ko ang lamig at ang liwanag ng paligid dahil sa kulay puting paligid. Narating namin ang waiting area. Maliit lamang iyon pero nandoon ang pamilya ni Mira. Nandoon din ang mama ni Tristan, pati na rin ang mama at papa ko. Sa isang gilid ay kita ko si Kuya James na tahimik na umiiyak.

Hindi ko maipinta ang lungkot sa mukha ni mama. Nang mapansin nila ako agad kong nakita ang pagkalito sa mata nila, lalo na ni papa. Kanina nung magkausap kami sa cellphone ay hindi namin napag-usapan kung nasaan ako at kung sino ang kasama ko. At ngayon, nandidito ako kasama si Tristan.

Boyfriend ni Mira. Yun ang nasa isipan ko ng tignan nila ako. I'm with Mira's boyfriend.

Hindi na rin naman nakapagtanong si papa, bigla kasi akong nilapitan ng mama ni Mira. Mahigpit niya akong hinawakan sa braso. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya base sa pagkakahawak niya sa akin.

"Wala na siya." Umiiyak na sabi ni Tita Lynne, ang mama ni Mira.

Sa buong buhay ko ay ngayon ko lamg narinig na ganito ka-basag ang boses ni Tita Lynne. Na para bang sobra-sobra ang nararamdaman niyang sakit kaya ganito siya magsalita.

"Aria, wala na ang anak ko." Isang salitang ayokong marinig.

Nag-isip akong mabuti: This isn't happening. Hindi maaring mangyari ang bagay na ito. Wala sa hinagap na mangyayari ito kay Mira ng ganito kaaga. She's just fifteen, magbibirthday pa siya next month. This is not happening.

Nakatayo lang ako katabi ang si Tita Lynne na patuloy lang sa pag-iyak, at hinayaang kong mabasa ang t-shirt ko ng luha niya. I didn't cry. Halos wala nga akong ginagawa dito, nakatayo lang ako at pilit na ipinapasok sa utak ko ang nangyari.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, nananahimik, na para pang may kung anong bagay ang sumakop sa kalooban ko. Na para bang may gusto akong gawin pero hindi ko kayang gawin. I just stood there.

Inilayo sa akin ni Tito Lucas ang asawa niya at saka ako malungkot na tiningnan sa mga mata.

"Hindi pa kami nagkakabati." Sabi ko kay Tito Lucas.

"Aria." Lumapit sa akin si mama pero umatras ako.

"We didn't make up yet." Humakbang muli si mama pero muli ay umatras ako. "Seryoso ako!" Mas malakas na ang boses ko ngayon kaysa sa kanina. Nahihirapan akong ipasok sa utak ko ang mga nangyayari. "We.. weren't... hindi pa kami nagkakabati."

TO HER, WITH LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon