1.4

73 9 1
                                    

KABANATA 4

*

Simpleng bagay lang ang gusto ni Ms. Marquez hanggang sa graduation day.

1. Keep doing well in my classes.
2. A volunteer work at the library./A helper at the cafeteria.
3. Make a list of school I wanted to apply to.

Hindi naman mahirap gawin yung mga bagay na yun e. Yung pangatlo, ang pagpili ng college na papasukan ko. Pero baka hindi na. University na rin naman 'tong pinapasukan e. At okay rin naman dito. Depende na nga lang kung ano ang isa-suggest sa akin ni Mama at Papa.

Mas pinili ko yung volunteer worker sa library. Ipinaliwanag sa akin ni Miss Mallari yung mga dapat kong gawin. Saka hindi naman mahirap e. Mag-aayos lang ng libro. Iaarrange depende sa title, author, or kung anong year lumabas yung libro. Ginagawa ko 'to after lunch saka bago ako umuwi. Kumbaga sa OJT, mayroon akong 100 hours na tatapusin.

Hindi na nga rin kami nakakapag-usap masyado ni Angela. Tapos, alam na rin ng ibang student sa highschool department yung sa natanggap kong accelaration. They are all happy for me, maraming bumati. At siyempre, hindi mawawala yung mga insecure. Pero sa lahat ng 'to, inaantay ko pa din na icongratulate ako ni Mira.

"Hi!" Sabi ng isang pamilyar na boses.

Nilingon ko at nakita ko si Tristan sa gilid ng bookshelves na inaayos ko. Kumunot ang noo ko tapos ay lumingon ako sa paligid. Wala namang ibang tao. Kaya naman ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at itinuro ang sarili ko.

"Oo." He chuckled. "Hi sayo." Tapos ay ngumiti siya.

I rolled my eyes at him. Uh! Nagsusungit ako. Okay? Saka isa siyang malaking distraction sa ginagawa ko. Baka maghapon ko na lang siyang titigan dito sa loob ng library. Hahaha.

"H'wag ka nga dito." Ibinalik ko ang atensyon ko sa pag-aayos ng libro.

Jusko! Pinapahupa ko na nga yung feelings ko para sa kanya e. Kaso kapag nakikita so siya, bigla na lang bibilis yung tibok ng puso ko. Kahit pa ata pigilan kong magustuhan siya, hindi ko magawa. Saka ilang buwan na rin silang nagdedate ni Mira. Eight months na ata.

"Anong music pinakikinggan mo?" Napaatras ako ng bigla siyang lumapit sa akin at kinuha ang isang earphone na nakasabit lang sa tainga ko. "Si Juris ba 'tong nakanta?" Tanong niya.

"Uy! Huwag ka ngang magulo!" Pabulong pero naiinis kong sita sa kanya.

"Hindi naman kita ginugulo." Umatras siya. "Ah. Constantly title yan, 'di ba?" Nanunudyong sabi niya na sinabayan pa niya ng pagtaas-baba ng kilay. "Inlove ka?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Oo, inlove ako. Gusto kita. Noon pa! Inalis ko ang tingin sa kanya at saka lumipat sa kabilang shelf at doon naman nagsimulang mag-ayos.

"Ang sungit." Sumandal pa talaga siya sa mismong shelf na inaayos ko at hinarangan ang gingawa ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Naiinis na ako.

Gusto ko na siyang singhalan e. Kaso nasa library kami. Kaya naman hanggang ngayon, malumanay pa ang boses ko. Tsk.

"Hinahanap kita." Simpleng sagot niya.

"Whatever!" Tatalikuran ko na sana siya kaso hawakan niya ako sa braso.

"Rainaria." Parang may kung sa tono noya ng banggitin niya ang pangalan ko, yung tipong parang may sasabihin siyang isang bagay pero hindi niya itinuloy, "Bakit hindi na kita masyadong nakikita?"

Kumunot ang noo ko, baka maaga akong magkawrinkles nito e. Hawak pa rin niya ang braso ko. "Maybe, I'm better at hiding than you thought."

TO HER, WITH LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon