The Coke Love Story

156 30 17
                                    

Kalalabas pa lang namin ng best friend ko galing ng school. At ang sabi n'ya lilibre n'ya daw ako. Kaya naman tuwang-tuwa talaga ako ngayon.

"Hoy, Kate. Sa'n mo ba ako ili-libre?" tanong ko habang naka-ngiti ng sobra-sobra. Tumingin s'ya sa'kin, at ngumiti s'ya.

"Do'n sa tindahan ni Aling Lyka." Sabi n'ya na dahilan upang mawala ang ngiti ko sa mukha ko. Nebeyen?!

"Ba't naman do'n, ha?" tanong ko habang nakasimangot.

Tumigil s'ya sa paglalakad at nilagay ang dalawang kamay n'ya sa bewang n'ya. Napatigil din ako. "H'wag ka nang umarte, Monic. Buti nga lilibre ka pa eh. Ikaw nga, hindi nang lilibre. Dapat nga mag-thank you ka pa, eh."

"Eh, ba't ka-" pinutol n'ya ang sasabihin ko.

"Shut up. Gusto mo bang malibre, o h'wag na lang, ha? Choose." Sabi n'ya.

"Sige na nga. Libre mo na ako do'n sa cheap na sari-sari store ni Aling Lyka." Sabi ko nang naka-busangot ang kilay ko.

"Good." Sabi ni Kate. Ngumiti s'ya, at naglakad na kami papunta sa cheap na sari-sari store ni Aling Lyka.

Hindi naman ako sosyalin, sakto lang. Pero kasi, alam n'yo 'yon? Sari-sari store kasi eh. Ine-expect ko pa naman sa Jollibee, ministop, 7eleven, at kung saan pa man, h'wag lang do'n sa cheap na sari-sari store ni Aling Lyka.

Nakarating na kami sa cheap na sari-sari store ni Aling Lyka. Umupo ako sa batong upuan. Alam n'yo naman siguro 'yong 'Batong Upuan' sa sari-sari store, 'di ba?

"Aling Lyka, dalawa nga pong coke at apat na hopia." Narinig kong sabi ni Kate na dahilan upang manlaki ang mata ko.

"Langya, coke at hopia, seriously?" bulong ko sa sarili ko.

"Hoy, rinig kita." Sabi ni Kate nang nakataas ang kilay.

"Sabi ko, coke at hopia, favourite ko 'yon!" sabi ko nang nakangti.

"Tss." Sabi n'ya.

Inabot na n'ya sa'kin 'yong coke at dalawang hopia. Uminom muna ako ng coke.

"So, alam mo na ba?" sabi ni Kate.

"Hindi." Automatic kong sabi. Gano'n kasi talaga ako. Automatic sumagot sa mga walang kwentang tanong. Sinubo ko 'yong isang buong hopia.

"Tss. Umayos ka nga. Kung ayaw mong hindi kita kwentuhan tungkol kay Lloyd." Sabi n'ya.

Bigla akong naalarma, at bigla kong s'yang inakbayan. "'No ba 'yon?" sabi ko. Puno pa din 'yong bibig ko.

Classmate n'ya kasi 'yong crush ko. Sa kasamaang palad, hindi ko s'ya classmate, kaya hindi ko classmate si crush. Si Lloyd Narzaval 'yong nag-iisang napaka-gwapo kong crush. Alam mo 'yon? (hindi)

Umayos ka.

Ang gwapo n'ya. 'Yong buhok n'ya, pang K-Pop, 'yong mata n'ya, singkit. Sa totoo lang, kamukha n'ya si Kai ng EXO. (Pa'no na lang 'yong mga hindi fan ng EXO, Ha? 'Tong author na 'to!)

"Si Lloyd kasi eh, may pinopormahan sa classmate namin." Sabi n'ya.

Napatayo ako. "WHAT?!" malakas kong sabi. Muntik na akong mabulunan kaya uminom ako ng coke.

"Hey, calm down." Sabi ni Kate habang pinapa-upo ako.

"PUTCHA! HOW CAN I CALM DOWN?! I KNOW I DON'T HAVE THE RIGHT TO BE JEALOUS , BUT T-THIS I-IS TOO MUCH! I FELT SO HOPELESS! I'M ALREADY IN A HOPELESS CASE! ARGGHH! I WANNA DIE!" sabi ko. Sigaw ko pala. Naiiyak na ako.

"Hija, okay ka lang ba? Bakit ka ba nag-iingay?" narinig kong sabi ni Aling Lyka na nagmamay-ari ng cheap na tindahan ni Aling Lyka.

Obvious namang hindi, 'di ba?

The Coke Love Story [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon