PROLOGUE

71 2 1
                                    

  (World Building)

Sa isang daan..

"Ano ang layunin bakit ba ako buhay?"

Yun ang isa sa malaki kong tanong.

Nakahiga ako sa daan na nilalakaran ng napakaraming tao. Umuulan. Pagbaling ng tingin ko ay halumpasay din sa daan ang kapatid ko. Dalawa kami ang mukang walang pagasa pang mabubuhay sa mundo.

Walang malay ang kapatid ko. Hindi ko rin magalaw ang katawan ko. Gusto kong lumapit, pero ang kaya ko lang gawin ay tumingin lang sa kanya.

Tumulo ang luha ko.

"Kahit.. kahit ang kapatid ko nalang. Kapatid ko nalang ang mabuhay. Layunin na ba yon? Pwede na ba maging layunin yon? Kaso, pa'no? Pa'no ko gagawin?"

Napaka lamig ng panahon. Pwede kaming mamatay dahil sa hypothermia. Mas maganda pa ang buhay ng mga pusang dumadaan. May damit, may pagkain, may amo.

Kami? Walang bahay. Walang pera. Walang kakilala. Walang magulang. Kahit mga authoridad ay ayaw kaming tulungan.

"Pa'no? Pa'no ba kami napunta sa posisyong 'to?"

--Flashback--

"Kuya! Kuyaa! HAHAHA tignan mo!" Masayang sigaw sakin ng aking kapatid.

"Wow! Ano yan? Flowers? Para kanino, saken o kay Mama?" Maligayang tanong ko sa kanya.

"Uhm.. Isa lang 'to eh. Kukuha pa ko ng isa. Para tig-isa kayo ni Mama. Hehe. Intayin moko Kuya!" Paalam nya para kumuha ng isa pang bulaklak.

Malaki na siya. Walang pangamba at pumasok ako ng bahay. May naamoy akong masarap na pagkain, siguro si Mama ang nagluluto. Dumeretso ako sa kusina, nakita ko si Mama na nagpe prepare ng kakainin namin.

Napatanong ako kay Mama ng,

"Ma, anong niluluto mo? Nakakagutom naman yan." Tanong ko nang nakangiti.

"Abaaa, nagugutom na ba ang anak ko? Matagal pa ito eh, meron dyan anak na ramen. Dinala nung anak ng palagi nating binibilhan. Ambait nila no?" Pabirong sabi ni Mama ng nakangiti.

"Yung paborito ko? Right on time. Kakain ako." Excited kong tanong at sobrang sarap talaga ng ramen na yon.

"Tirhan mo nalang ang kapatid mo ha?" Paalala ni Mama.

"Opo." Sagot ko ng masaya bago kumain.

Mahirap lang kami at nangungupahan. Kahit na gano'n ang sitwasyon namin, isa sa napansin ko ay palagi lang nakangiti si Mama. Bumuka ang bibig ko, at napatanong,

"Ma.. pano mo nagagawang laging nakangiti?" Malabo kong tanong sa kanya.

"Anong ibig-sabihin mo anak?" Tanong ni mama.

"Kase, mahirap lang tayo pero parang lagi kang masaya kahit ganon?" Dagdag ko pa.

"Masaya lang akong nakikita kayo araw-araw ng kapatid mong masaya, okay na ako don. Kaya ganon." Sagot nya.

Napangiti ako sa sinabi ni Mama, pero.. may isa pa kong gustong itanong sa kanya. Nagaalangan akong magtanong, bubukas at sasara ang bibig ko dahil sa hinde ako makapag desisyon kung dapat ko bang itanong.

Hell2HeavenWhere stories live. Discover now