He's Fall

33 7 0
                                    


(Winter's POV)

 

Hanggang ngayon di pa din ako makaget-over sa "don't you ever touch my woman! Get off"thingy na yun. Ngayon ko nga lang napagtanto na dito pala sa school namin nag-aaral itong si Paul. :3 Tsaka yung mukhang manika na si Ke? Keigla ba yun?

"Sha? Kilala mo ba yung lalaki na nasukahan ko nun sa bus at yung humila sa akin?" – Tanong ko kay Sharlene na busy-ing busy sa pgatetext.

"Oo naman. Balasubas yun!"

"Bat di ko kilala?"

 

"Paano mo makikilala e sa clinic ka naman lagi nakatambay. Di ka naman lagi sumasali sa school activities. Tanging yung inhaler lang lagi ang kasama mo. Hahahaha" –Grabe naman 'to! Para naming ang anti-social kong tao.

"Anong year na nya?"

"Bakit ka ba curious? Crush mo sya no?! Naku, wag na sya ang gustuhin mo. Masama ugali." – Maka-react naman sya. Parang close sila nung tao.

"Pag curious crush agad? Di pa pwedeng ahm- curious lang talaga?"

 

"Naku! Smile ha? 3rd year na din sya. Anong section? Syempre MATALINO. As in M-A-T-A-L-I-N-O. In short di kayo bagay. A+ section sya tapos ikaw? Pfff. Hahahaha" – Di na nya natuloy yung sasabihin nya kasi tawa na sya ng tawa. Makatawa parang di section E :3

"Te! Parang dinown mo na din ang self mo. E ka din kaya. Uhm, by the way, so matalino pala talaga yung Paul na yun. Hmm" – Matalino tapos ganun ang ugali. Harujusko! =_= Di naman halata.

"Sinong Paul?" – Sabay taas nya ng kilay.

"Yung humila sa akin?"

 

"Whahaha. Kdot na lang!" – Ang arte naman nito. Tuloy-tuloy pa din sya pagtetext kahit kausap nya ako. Bat kaya natawa sya? Paul naman talaga ang pangalan ng huklobang yun.

"San ko kaya sya makikita?" – This time napatingin na talaga sya sa akin.

"What?" – Sabi ko.

"Lumayo ka sa kanya ha." – Sabay labas nya ng room. Anong nangyari dun? Parang ang bitter naman. May mood swing na naman ang loka. Bat ganun? Di ko talaga kilala yun.

"By the way Smile! Nasa likod ng gymnasium yung hiahanap mo." – Poker face na sabi ni Sharlene. So nasa gymnasium pala yun? So bat ko nga ba sya hinahanap? Syempre, dahil sa one condition thingy nya na di na nya nasabi sa akin.

Pumunta na agad ako sa likod ng gymnasium. Magkasama sila nung Keigla. :3 Infairness! DI SILA BAGAY =_= Pinagmasdan ko ang gagawin nila. Nag-uusap lang sila tapos yung babae naiyak. Poor! Nagulat na lang ako ng biglang tumakbo si Keighla. Pero sa pwesto ko. Hindi nya siguro ako napansin kaya dere-deretso lang sya sa pagtakbo. Samantalang si ungas naman, ayun nakapamulsa pa at paalis na.

"Paul!" – Tawag ko sa kanya. Pero di sya lumilingon. Wala naman syang headset.

"Paul!"

 

"PAULLLLLLLLLL!"

"Aray! Bat mo ko binato ng sapatos mo? Bobo ka talaga no?" – Galit na galit nyang lingon sa akin habang hawak ang natamaan nyang ulo.

"E ang bingi bingi mo ee. Tinatawag kaya kita!"

"Hindi mo ako tinatawag." – Sabay talikod nya sa akin. ABA! Ang bastos talaga nito.

"Kinakausap pa kita, Paul." – Habol ko sa kanya. Pero di nya uli ako pinansin =_= Sa sobrang asar ko!!

"NYAAAAAAAAAAAH!" – Sipa ko sa tuhod nya.

"Lintik na! Nakaka-dalawa ka ng babae ka aa." – Akmang sasampalin naman nya ako.

"Sige! Sige! Ituloy mo."

 

"Tss. Ano bang kelangan mo?" – Asar na sabi nya.

"TInatawag kita."

"Hindi mo nga ako tinatawag."

 

"Tinatawag nga kita Paul." – Pinaningkitan ko sya ng mata para matakot.

"Paul? E di hindi mo nga ako tawag." – Sabay alis nya uli.

"HA?" – Maang ko. Hindi nya name yung Paul? Pero yun yung tawag ni Keighla sa kanya.

"Pero yun yung tawag sayo nung Keighla." – Napahinto sya sa sinabi ko. Magagalit ba 'to kasi binanggit ko yung name ng Ex nya? >.<

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Ang bobo mo talaga!" - =___= Grabe! Ang lakas ng tawa nito. Tawang demonyo.

"Magka-iba ang Paul sa Fall, okay? HAHAHAHAHA. Bird brain!"  - Sabay alis nya nang tumatawa pa din.

Fall? Fall ang pangalan nya? Kaya pala ako tinatawanan ni Sharlene. 

Fall & Winter (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon