The Condition

28 9 0
                                    


(Winter POV)

 

Bukas na ang prom namin at wala pang kasiguraduhan kung yung Fall bang yun ang magiging partner ko. May lahi atang kabuti or ninja yun, ang hirap hanapin. Pagtinatanong ko naman si Sharlene ay ayaw sabihin. Gusto ko lang naman malaman ang side nya. Yung about sa sinasabi nyang one condition :3 Wala nga akong kasama ditto sa room namin ee, busy kasi ang iba sa pag-aayos ng gymnasium namin para bukas. Public school lang kasi kami, kaya natural na nagtitipid kami. Ayaw naman akong patulungin ng mga classmate ko kasi baka mahapo daw ako. Kaso naman ang tagal naman ng practice namin para sa Piano Lesson  namin ni Sir. Nicko. Ako kasi ang naatasan para sa intermission number ng music club.

Since wala akong magawa, mantitrip na lang ako ng dadaan. Kumuha ako ng suklay sa bag ko pati na din pulbo. Kinapalan ko ang lagay ng pulbo ko sa mukha at nilagay ang mahabang buhok ko sa unahan. Pasuray-suray akong lumalakad sa room namin nung may biglang dumaan. Kaso mukhang di ko ata nakuha ang atensyon nun. Kaya dahan-dahan akong lumabas ng pin——

"Arayy! Bakit mo ako pinalo sa mukha?" – Paiyak kong hinaing. Ang sakit! ;( Ala, ang pangit naman kung prom namin bukas tapos may putok ako sa labi. Nahilo ata ako sa pagakakapalo sa akin. Napa-upo ako sa pintuan ng room namin.

"Ikaw naman kasi! Bat ka ba nananakot? Akala ko naman kasi multo talaga. Hala, sorry na. Hinahanap ko kasi si Fall."

 

Fall? Fall?

Napatunghay ako ng di oras dahil sa narinig ko.

"IKAW?" – Sabay naming turo sa isa't-isa. It's Keighla.

"Am. Sorry! Baka kasi akalain mo na ginawa ko yang kasi magseselos ako sa inyo ni Fall. Hindi ako tulad ng ibang babae. Sorry talaga." – Sabay alis nya. Di ko naman inisip yun. Napakaganda na nga nya tapos ang bait pa. Hindi muna ako umalis sa pintuan kasi umiikot pa din ang mundo ko. Feeling ko may ibon na umiikot sa ulunan ko. Jusko!

Umubob na lang ako gamit ang tuhod ko. Napapaiyak ako sa sakit ng pisngi ko. Ayan ang napapala ng mga boring ee. Nasasaktan.

"Miss Smith, are you crying?" – Si Sir. Nicko. Ang gwapong teacher sa school namin. Ang mentor ko sa pagpia-piano.

"Sirrr." – Sabay iyak ko. Alam kong namumula na ang mata ko kakaiyak. Nahihirapan na din akong huminga sa kakaiyak. Napatingin sya pisngi ko at pinunasan ang labi ko na may dugo.

"Winter naman. Mapapagalitan ako ng kuya mo ee! Tahan na, baka mahirapan ka na naman mamayang gabi nyan. Halika! Ano ba kasing nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo? Namamangyan ka na naman ba?" – Sabay akay nya sa akin. Ihahatid nya raw ako sa clinic kaya kahit akay lang ako ni Sir, ipinikit ko pa din ang mata ko.

Ganyan si Sir mag-alala kasi bestfriend sya ni Kuya Chase. Chase Spring Smith.

Pagkadala nya sa akin sa clinic ay ipatingin sa nurse ay umalis na sya at sinabing mag-pahinga muna ako at sa bahay na lang daw ako magpractice. Bago humiga sa kama, tumingin muna ako sa salamin. Ang dugyot ko. =_= May band-aid yung tabi ng labi ko. Nung ikwento ko nga kay Kuya/Sir Nicko kung bakit nagkaganto ang mukha ko ay nagalit sya sa akin. Kasalanan ko naman daw kasi. Inayos ko muna ang buhok ko bago pumunta sa kama ng clinic. Dalawa yun at mukhang may gumagamit ng isa kasi sarado ang curtain nun. Pumunta ako sa bakante at pinilit makatulog ngunit tila ayaw akong dalawin ng tulog. Naiisip ko kasi si Keighla. Baka guilty nay un? :3 Ang kontrabida naman ng dating ko sa buhay nila ni Fall. Hayy!

"Fall." – Hayy! Nasaan ka na ba? Pucha!

"Keighla?" – Napatingin ako sa kabilang kwarto. Si Fall? Di ako sumagot kasi di naman ako si Keighla. Jusko! Bat ngayon pa? Ang dugyot ko pa naman. Pero gusto ko syang makita? Kaso—ARGHHH.

Napatingin ako sa nagbukas ng kurtina ng kwarto ko.

Patay!

"Keigh-" – Pinaningkitan nya ako ng mata. Hindi nya ata inaasahan na iba ang makikita nya. "Ang panget mo talaga." – Sabay alis nya. Ano yun? =__= Pero di sya lumabas kasi wala naman akong naririnig na bagsak ng pinto. Ilang minute ang lumipas ng magsalita sya.

"Huy panget. Wag mo akong tawaging Fall, okay? Jazz or Justin is enough. Basta wag lang Fall."

"Bakit naman?"

 

"Wag ka na lang magtanong. Bobo ka naman ee! Kaya baka di mo naman maintindihan." – Ang harsh nya talaga. Di na lang ako nagsalita kasi nasaktan ako sa sinabi nya. Wala naman syang balak bawiin ang sinabi nya pati ee.

"Panget ano pangalan?" – Tanong nya.

"Winter Smile Smith." – Simple kong pahayag.

"Buti pa yung name mo maganda. Hahaha" – Compliment ba yun or lait? Nakaka-asar talaga 'tong kumag na 'to. Pwes! Fall ang tawag ko sa kanya.

"Huy Fall! Ano ba yung sinasabi mong ONE CONDITION nugn isang araw?"

"Justin."

 

"Fall."

 

"Edi Winter."

 

"Smile."

 

"Tinawag mo akong Fall ee."

 

"Wag. Di ka naman close sa akin ee." – Pertaining na di ko naman sya crush, gusto or mahal.

 

"Bobo! Same with me." – Punyeta!

"Alam mo Fall, sabihin mo na lang yung one condition mo. Okay?"

 

 

 

"Be my girl then it quits."

Fall & Winter (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon