The Bitterness

31 9 0
                                    


(Winter POV)

"Anak look oh! Ang ganda ganda mo oh." - Sabi ni mama habang inaayusan ako ng bakla.

Be my girl then it quits. Hilo ba sya? Ayt. Kaso, bakit andito ako ngayon sa harap ng salamin namin at todo ayos sa sarili. Tumatalandi na ba ako? Oh nosss! >.<

"Anak! Bagay sayo yung gown na bumili naman sa Divisoria." - Sige mama! Ipagkalandakan mo pa na sa Divi mo 'to binili. Kaloka! Dapat ang gagawin ko lang mamaya is tutugtog sa harapan ng mga Junior at Senior tapos aalis na since wala naman akong kapartner, pero dahil sa pesteng ¼ na yun. ARGHH!

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon. Nakakahiya!

*FLASHBACK*

Andito na ako ngayon sa bahay. Pero feeling ko mapula pa din yung mukha ko. Ayy! Nababaliw na ba yung Fall na yun? He will used me? Or pwede din naman na may hidden feelings sya sa akin. XD Go! Dream on.

"Anak, kanina ka pang namumula." - Napatingin ako kay mama. Todo ngisi.

"Ma naman!" - Kasi naman alam nya kapag namumula ako. It's either kinilig ako or kinilig ako. Well, I admit paano naman ako hindi kikiligin. Ang pogi naman kasi tapos yung scent nya. NAKU! Na-LSS din ako. Last Scent Syndrome

"Tell me anak! May nagyaya sayo ano? Yiie. Buti bumuli ako ng gown mo nung last week pa." - Sabay hagikhik ni mama. Nababaliw na naman! Natawa kasi atleast sure na daw sya na hindi ako tomboy.

"Ma, may boyfriend na ata ako." - Napatapal ako sa bibig ko. HALA! O_O Parang pumayag na din ako sa kupal nay un a. Naku naman! Nagayuma ata ako nun.

Napatingin ako kay mama. Nawala sya sa upuan.

"Kuya asan si mama?" - Tanong ko kay kuya. Pero tinuro nya lang yung sahig.

Fishtea! Nahimatay si mama. =_=

Hanggang sa magpractice ako ng piece ko para bukas. Todo ngiti si mama at inaasar ako. Kesyo kasi daw di na ako maputla yun daw pala blooming ako. Naku naman! Ma, kung alam mo lang! :3

Beep! Beep!

Huminto muna ako sa pagtugtog ng tumunog ang phone ko.

0910*******

Unknown number. May stalker na ako?

Huy panget! Payag ka ba? Pag di ka nagreply, means oo at pag nagreply ka naman means gusto mo. K!

Asan dun yung pagpipilian ko? Makapanget naman sya. Porke gwapo! HMP. Tss. KAhit di 'to magpakilala halata naman si Fall 'to

To: 0910******

Kulokoy ka! Halimaw. Balasubas.

SENT!

Ayan.

"Ayei. Yan ba yung boyfriend mo anak? Tamo tamo! Manalamin ka dali." - Sabay hila nya sa akin sa harap ng salamin. "Ang pula-pula ng mukha mo anak. Ayy, inlove ka na talaga. Ano bang pangalan ng jowa mo anak?"

"Fall po-oo" - Peste! Anong Fall ang pinagsasabi mo Winter? "Ah mama. Haha Joke lang!" - Sabay tulak ko kay mama palabas ng kwarto ko. Napahawak ako sa puso ko. Hala, di ako makahinga. :3

BEEP! BEEP!

0910******

K.

Wow. Nag-abala pa sya mag-reply. Grabe sa sobrang appreciate ko ng reply nya, nakikita ko ang mukha nya. Ang sarap jumbagin.

BEEP! BEEP!

0910*******

Bae.

Ano yun? Bae? Babae?

BEEP! BEEP!

0910******

Goodnight. Magpaganda ka para di ka gusgusin. Wag puro pacute.

Napahawak ako sa pisngi ko. Cute ako?

*END OF FLASHBACK*

"Okay. Tapos na ang totally make over. Ikot ka nga girl. WOW! Parrfact." - Sabay palakpak ng bakla. Tumingin ako sa salamin at halos manglaki ang mata ko. O-M-G! ANG GANDA KO!!

"Baklaaaa! Ang ganda ko. OMG! Ang ganda ko." - Sabay lundag-lundag ko.

"So pwede na tayong umalis?" - Napatingin ako sa nagsalita.

SCHOOL's GROUND

"Fall, hintayin mo naman ako." - Tawag ko sa kanya. Ang bilis nyang maglakad akala ba nya e madali magsuot ng heels? Humarap lang sya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Tss! Ang sungit talaga ng kulupong na 'to. Porke gwapo sya sa suot nyang suit.

"Smile?" - Napatingin ako sa tumawag sa akin. Ee .>.< Si Denji Santos.

"Ang ganda mo naman ngayon. Ayy mali! Mas maganda ka ngayon." - Sabay smile nya. Jusko! Kelangan pala lagi ako naka-ayos para mapansin nya ako. "Goodluck mamaya ha!" ­Nag-nod lang ako.

"Good evening everyone. This is time where all of us are waiting. Let's start the prom. Let's give a round of applause the representative of Music Club, Miss Winter Smile Smith." -Ang bilis naman? Kadadating ko lang ah. Nilingon ko si Sharlene, nag-aja lang sya. Asan ba si Fall? Umakyat na ako sa stage. Hala! Ang daming ilaw. :3 I can do it.

Napangiti ako sa unang pagtipa ko ng key. Pumikit ako. Ayaw kong magkamali. Ngayon ko lang ito natugtog. Hanggang sa matapos ang piece ko nakapikit lang ang mga mata ko. Yes! I can play a piano na nakapikit lang ako para mawala ang kaba ko. Tumingin uli ako sa unahan, there-I see him Denji smiling at me.

Bumaba na ako ng stage at hinanap ang partner ko. Kaso di ko sya makita. Bad boyfriend! Tsk. Tsk.

"Dance?" - Napatingin ako sa kamay nya. Si Denji.

Pumunta kami sa center at sumayaw. He wrapped me. Napangiti ako. Ang taong mahal ko, yakap ako ngayon. Ang swerte ko nga naman ngayong gabi.

"Winter." - Napapikit ako. Ang lambing boses nya. Animo'y musika. "May sasabihi---"

"Aray!" - Napatingin ako sa humila ng kamay ko. At bigla na lang akong sinayaw at niyakap.

"You're mine." - Ang lungkot ng boses nya. "She left me because she's pregnant." - Sino? Si Keighla? Kesa magalit ako sa kanya dahil sa pag-sira nya ng moment namin ni Denji, di ko magawa dahil parang- - parang iba ang yakap nya.

May pumapatak ng luha sa mata nya. Mainit.

"Pre, ako kasi ang kasayaw ni Winter e." - Denji.

"Denji."

"Back-off." - Sabay titig nya ng masama kay Denji. Masama 'to! Hinila ko na lang sya palayo kay Denji.

"Mahal mo sya? Mahal ka nya." - Napabitaw ako kay Fall. ANo bang pinagsasabi nya?

"Paano mo nasasabi yan?" - Napakunot ako ng noo.

"And I'll assure you can't have a happy ending with him." - Nagulat ako sa sinabi nya. Yung mata nya, puno ng galit at hinanakit.



Fall & Winter (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon