CHAPTER 12

12 5 0
                                    


XII

CHOCOLATE SOUP?

"Nakakaintense ka talaga, bakit hindi mo na lang kaya sabihin?" mukhang naiirita na ang cute na detective haha!

"Oo na, oo na.—Paano kung sabihin kong, siya mismo ang kumitil sa sarili niyang buhay? Mapapawalang sala ba ang mga taong nag-udyok sa kaniyang gawin yun?"

Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "A-ano? N-nagpakamatay ba talaga siya? Pero grabe ang sinapit niya! Parang imposible naman ata yun! "

Tama, grabe talaga.

"Paanong nangyari yun?"

"Sa bahay ni Mr. Tross talaga nanggaling ang bangkay. Tatlong linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang pagpapatiwakal niya. Pero ang sinabi ng manager niya nang pumunta ito sa presinto at inireport ang pagkawala ni Yuki, apat na oras pa lang daw itong nawawala at one week ago yun. Paano mo naman kaya makakasama ang patay na?"

Naliwanagan naman ng bahagya ang kasama ko. "So nagsuicide nga si Ms. Maldrid?"

Napatango na lang ako. Hindi tatanggapin sa korte ang konklusyon ko dahil hindi iyon sapat. Kaya may kailangan pa ako.

"Yung mga litrato... May litratong magpapatunay ng lahat." saad ko. Napatingin ako kay Dunkin na malalim ang iniisip.

"Ang litrato bang sinasabi mo ang makakapagpatunay ng konklusyon mo?"
Tanong na nagtaas sa gilid ng aking mga labi.

"Sigurado..." munti kong tugon bago nakuha ng madilim na langit ang atensyon ko. Gabi na pala, baka naghihintay na ang mga bata sa bahay.

"Magtitiwala ako sayo, ako ng bahalang kumuha nung mga litrato. Sa ngayon, umuwi na muna siguro tayo."

Ihinatid naman ako ni Dunkin sa mansyon. Alas syete na rin kasi ng gabi. Gutom na ko...

Nagpasalamat ako pagkababa nang sasakyan niya tsaka nagpaalam. Ang laki talaga ng tulong ni Dunkin sa akin. Mula nung nakilala ko siya ay medyo gumaan ang lahat ng pasanin ko.

Ipinagsawalang bahala ko na muna ang pagiisip sa kaso at pumasok na sa mansyon.

Sinalubong naman ako ng mga masasarap na pagkain sa lamesa kaya't natakam kaagad ako. Umupo ako at agad na naglagay sa aking pinggan.

Ang sarap talaga ng dinuguan...

Napansin ko namang nakatitig na naman ang lahat sa akin. Ganito rin ang ginawa nila noong una akong kumain sa bahay na 'to! Ano na naman bang problema?!

"M-madam? Nagbago na po ba ang taste niyo?"

Ahhhh!!

Halos maubos ang dugo ng dinuguan nang maalala ko ang nakasulat sa notebook! Hindi nga pala kumakain nito si Axi! Ang clone ko!

Bistado!

Napasuka naman ako ng kunwari at inilabas ang laman ng bibig ko. Buwesit na dinuguan naman kasi!

"Are you okay?!" nagaalalang tanong ni Amigo. Napairap na lang ako sa kaniya. Kanina ko pa kaya siya hindi pinapansin. Kahit pa ikamatay ko ang pagkukunwaring naduduwal ay hindi ko pa rin siya papansinin!

"D-dinuguan pala t-to?! Haha... Kala ko chocolate soup..." nakakahiya talaga! Tanga tanga kasi eh!

"Chocolate soup nga po 'yan...sa english." MANANG!!

Jusko! Ano bang alam ko sa english ng dinuguan?

Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Sila Xia at Xie na pirming kumakain lang kanina ay tumigil sa pagkain. Si Manang na halos malaglag na ang panga dahil sa hindi makapaniwala sa nakita. At si Amigo na hinahagod ang likod ko.

Let's Play PretendWhere stories live. Discover now