CHAPTER 30

8 2 0
                                    


XXX

FIRST STEP

"Sino siya?" napatanong ako nang makita ang album na iniabot sa akin ni Tres. Itinuro ko ang pamilyar na mukhang nakita ko sa litrato.

Agad naman akong dinaluhan ni Tres at sinilip ang itinuro ko. "Ahh, siya ba?—Siya si Singko, mas nakatatanda siya sa akin ng mga dalawang taon, pero dahil hindi naman kami gaanong nagkasama ay madalang ko siyang tawaging kuya." saad niya habang patuloy sa pagaayos ng mga baril sa lalagyan nito.

"Ganun ba? Nasaan na siya ngayon?" patuloy ko sa pangangalap ng inpormasyon. Gusto ko lang namang malaman kung sino ba talaga ang batang ito at kung bakit hawig na hawig niya sila Arson at 21105.

"Naglayas siya, pagkatapos lang ding makuhanan ang litratong iyan. Yan ang huling pagkakataong nakita namin siya." sagot naman nito sa katanungan ko.

Gusto ko pa sanang marinig ang ibang mga detalye, pero natigilan ako nang dumating si Dunkin na may dala dalang meryienda.

"Oh! Mukhang ang seryuso niyo naman diyan?" sabat niya bago inilapag sa lamesa ang mga pinamiling meryienda. "Oh heto! Wala pa kasing laman ang tiyan ko kaya naisipan kong bumili muna sa labas ng makakain natin."

Lumapit si Tres sa mga inilapag ni Dunkin sa mesa at pinulot ang isang pack ng chichirya. Hinawakan niya iyon sa maarteng paraan at tila nandidiri niya itong tinignan.

"Ano ba yan?! Bakit puro ganito? You know naman na hindi healthy 'to sa ating body~"pagiinarte pa nito na nagpatahimik sa aming lahat ng kaunting segundo hanggang sa bigla na lamang ay sabay na natawa ang dalawang kasama ko!!

" Bwhahaha!! " tila nakakabingi ang tawa nila Tres at Dunkin, habang ako naman ay parang isang ligaw na bata at hindi ko maintindihan ang dahilan ng biglaan nilang pagtawa.

"Itigil mo nga yan! Baka mamaya sugurin ka ni Lex dito Haha!" pagsusuway ni Dunkin, hinampas pa nito ang balikat ni Tres. Mukhang mamamatay na nga ito sa katatawa.

Mukhang ang tinutukoy nila ay ang doktor na babaeng gumamot sa akin noon. Iyong kaibigan din nila Amigo. Pamilyar lang din kasi sa akin ang pangalang Lex.

"Hay naku! Ang babaitang iyon? Hindi nun magagawa sa'kin ang sinasabi mo. Sobrang busy kaya nun sa plano niyang pagnanakaw!" tugon ni Tres sa tinuran ni Dunkin.

Medyo nakakaramdam ako ng selos... Dahil kahit may pagkakapareho kami, eh hindi naman mawala sa isipan ko na sobra pa rin kaming magkakaiba. Na hindi katulad ko ay marami silang mga taong maituturin na pamilya, hindi tulad ko na lumaki sa mundong ang sarili ko lang ang matatakbuhan ko.

"Huy?" tapik sa akin ni Tres, mukhang napansin niya ata ang munting lungkot sa pagmumukha ko. "Ayos ka lang? Nagbibiro lang ako kanina, kung nakilala mo na si Lex, siguradong matatawa ka rin sa sinabi ko."

Ayun na nga... Hindi ko siya kilala ng lubusan...

Binigyan ko na lamang siya ng munting ngiti. "Wala yun, may malalim lang akong iniisip."

"Madam,huwag kang mahihiyang magsabi kay Tres. Madaldal yan pero kapag alam naman niyang hindi mo gustong ikalat ang sasabihin mo ay sumusunod naman siya."sabat naman ni Dunkin na ngayon ay may nilalantakan ng pack nang pinamili niya.

Wala naman akong masabi kaya nanahimik na lang muna ako sa gilid at nakitikim na lang din ng mga pinamili niya.

"Hmm, sino nga pala yung pinaguusapan niyo kanina?" biglang tanong ni Dunkin.

Let's Play PretendWhere stories live. Discover now