CHAPTER 19

6 4 0
                                    


XIX

WHERE IS XIE?

Nalilito pa rin ako sa mga sinabi ni Xia. Pero mas napangunahan ako ng pagiging nanay. Kung mahirap na sa akin na marinig ang paliwanag pa lang ni Xia, edi sure ako na mas mahirap para sa kaniya ang ipaliwanag 'yun sa akin.

Kaya inaliw aliw ko na lang siya dito sa mall. Mukhang natutuwa naman ito sa mga nakikita niya kaya sa tingin ko ay successful ang nagawa ko!

"Mommy! Look oh!" natutuwa nitong ani sabay turo sa isang magandang gown na binibenta sa gilid ng mall. "Ang pretty!"

Mahilig pala sa mga magagarbong damit ang batang 'to...

"Oo nga... Pero ang laki naman ata niyan para sayo?" saad ko. Ang size kasi ng gown ay para sa mga babaeng katulad ko.

Napanguso ito at mukhang may iniisip. "No, It's not for me naman po..."

"Para kanino?"

Tinuro niya ang hintuturo sa direksyon ko at napahagikgik. "For you! That dress would definitely suit you!"

Pero ang gown na 'yun ay para sa mga ikakasal? Tsaka hindi naman ako kailanman ikakasal! Never!

'Pero ikinasal ka na 'di ba?'

Sa bagay? Kinasal na ang pangalan ko, pero hindi naman ako ang nakaranas nun noh?

Tinawanan ko na lang ang mga sinabi ni Xia at inilayo na siya sa gown na 'yun. Baka bigla na lang niyang sabihin sa saleslady na bibilhin niya. Kahit hindi pa man sila magkadugo ni Amigo, may pagkakapareho pa rin silang dalawa!

Nagtungo muna kami sa kainan dahil nakakagutom! Magmemeryienda muna kaming dalawa ni Xia ng masarap na leche plan ice cream nila dito. Sayang nga at hindi nakasama si Xie...

Kahit sila manang at Diane ay gusto rin sana naming isama pero sa malaking mansyon na iyon, eh kami lang ni Xia ang siyang natira... Asan nga ba kasi ang lahat?

Napalantak na lang ako sa pagkain. Ibinaling ko na lang sa cute na si Xia ang buong atensyon ko. Mukhang kasundo ko na talaga siya ng tuluyan.

"Mommy?" tanong nito.

"Hmm? Ano yun?" tanong ko pabalik tsaka lumantak ulit ng isang kutsara sa ice cream.

Pansin ko naman ang pagtigil nito sa pagkain bago muling nagsalita. "Kuya Xie...is missing."

Ano?!

"Xia, anong sinasabi mo?" tanong ko rito. Namumuo na ang kaniyang mga luha!

"I didn't  tell you earlier k-kasi I'm afraid that you're going to be sad...." saad nito sa kaniyang matinis na boses.

Napayuko na lang ito at mukhang nagiguilty sa hindi pagsabi sa akin ng mga nalalaman niya.

Kaya naman pala wala silang lahat sa bahay!

"K-kailan pa nawawala ang kuya mo?" pilit kong ikinakalma ang sarili. Baka mamaya ay masigawan ko pa ang bata kahit wala naman siyang kasalanan. Yung temper ko kasi...alam niyo na?

Let's Play PretendWhere stories live. Discover now