CHAPTER 03

3 1 10
                                        

"Shush, iiyak mo lang. Naiintindihan ka namin." pagcocomfort ko kay Shaira, sa kaibigan namin.

"Hindi ko na alam gagawin ko, naaawa ako pati sa kapatid ko. Si p-papa uuwi laging pagod 'yan, kahit nga kumain sa gabi hindi na kumakain eh dahil nakakatulog nalang sa sofa. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gano'n! Galit ako kay mama! Bakit niya kailangang gawin 'yon, hindi na naawa sa mararamdaman ng kapatid ko at ni papa!" umiiyak sa galit na saad ni Shaira.

Hindi ko na alam kung anong pagpapatigil ang gagawin namin sa kaniya. Hanggang sa nakatulog nalang siya sa sofa dahil sa sobrang iyak.

Gabi na pala kaya nagluto na lang rin kami ni Faye ng puwedeng kainin ni Shaira pati ng kapatid niya.Kami na rin muna ang nag asikaso sa kapatid niya. Hindi ko alam kung anong oras siya makakagising pero aantayin nalang namin dahil ang pangit naman siguro na iwan namin siya ng walang paalam.

Pinatulog na rin namin yung kapatid ni Shaira dahil anong oras na rin. Mga alas otso ay pumunta na rin ako sa kwarto ni Shaira para gisingin siya.

Tinapik ko lang yung braso niya para sana gisingin kaso nananaginip ata siya, naabutan kong may luhang tumutulo galing sa mga mata niya. Nalungkot tuloy ako, kapag sa kaibigan talaga ang lambot ng puso ko.

"Ma.. bakit?Bakit mo ginawa kay papa 'yon." Saad niya habang tumutulo yung luha niya.

Ginising ko pa rin siya para kumain, wala pa kasing laman yung tiyan niya.

"Shai, gising na. Kumain kana."

"Mmm?"

"Kain na, anong oras na oh." aya ko sa kaniya.

Bumangon na rin siya kaagad, sumabay na rin kami sa kaniya kumain.

"Are you feeling better now?"  Tanong ni Faye kay Shaira.

"Hmm , I guess..." Binigyan lang ni Shaira ng maliit na ngiti pagkasabi no'n.

Pagkatapos ay ako na rin ang naghugas ng pinag kainan namin. Nakipag agawan pa talaga ako sa kaibigan namin, alam ko namang pagod siya kaya nag presinta nalang ako.

"Pasensiya na sa istorbo ha, thank you sa inyo dahil medyo gumaan yung loob ko." Pagpapasalamat sa amin ni Shaira.

"No worries, girl" sabay kindat ni Faye sa kaniya.

"Isesend ko nalang sa iyo yung mga notes para kahit hindi ka makapasok ay makahabol ka pa rin sa lesson natin ha. Huwag ka rin mahihiyang magchat or tumawag sa amin ha! Ingat kayo diyan, i lock ng maigi yung mga pinto n'yo. Love you, girl! Byee."

Bilin ko sa kaniya bago umuwi. Sumabay lang ako kay Faye dahil sabi niya. Ihahatid pa nga nila ako sa bahay eh, nakakahiya tuloy! Char, grab the opportunity na 'no. Hirap kaya sumakay kapag ganitong oras na.

"Thank you sa pagsama sa'kin kila Shaira ha." Hingi ko ng pasasalamat sa kaniya, buti nga sinamahan niya ako dahil simula grade 7 ay hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila.

"Asus! Ang arte mo, bwiset ka."

Itong babae na ito ang attitude, pota! Nag papasalamat na nga eh.

"Ingat!"

Bumosena lang yung driver ni Faye bago ako pumasok sa loob ng bahay namin.

Hay! Andito na naman ako sa hell, ang final destination palagi kapag galingng school charot!

"Asan ka na naman galing? Bakit hindi ka nagtetext? Andun ka na naman sa mga tropa mo!Lumayas ka nalang kaya rito ha!" Bungad sa akin ni mama.

"Ma, binisita lang po namin si Shaira." Pagpapaliwanag ko kay mama.

Desire of Destiny Where stories live. Discover now