Gabi na naman ako umuwi pati si Faye, inantay pa kasi naming umuwi si Tito para may kasama sila Shaira. Nag ayos lang ako ng mukha pagkapasok sa loob ng bahay. Ineexpect ko na rin kaagad yung sigaw ni mama, wala namang bago eh.
"Putang Ina Tiana!, Asan ka na naman ba galing?"Galit na sigaw sa akin ni mama.
"Ma, kila Shaira lang po ulit. Nag text naman po ako sa inyo kanina ah" pagpapaliwanag ko ng mahinahon kay mama.
"Wala akong pake! Gabi gabi ka nalang ganitong oras umuwi, tangina pagod akong mag alaga sa papa mo! Tapos ganitong oras ka pa uuwi, asikasuhin mo yung mga hugasan do'n pati si Cielo! "
"Opo, eto na" sagot ko naman pabalik kay mama.
Iniisip ko nalang na pagod si mama kaya gano'n nalang siya umasta. Kumain lang ako ulit dahil nagugutom na naman ako. May nakita kasi akong adobo dito na naka takip, para sa'kin ata 'to.
Sarap na sarap ako kumain nang biglang lumabas ng kwarto si Ate para kumain.Kagagaling niya lang sa trabaho niya dahil pansin kong naka uniform pa siya na pang nurse.
"Ma, saan po yung ulam dito?" Tanong ni ate kay mama.
"Andiyan anak sa mesa, tinakpan ko kanina" sagot naman ni mama pabalik kay ate.
"Wala man po dito, ma"
Naglakad si mama patungo sa hapag para ituro kay ate yung ulam niya.Kaso naabutan niya akong kinakain iyon.
"Tangina, kinakain na pala ng magaling mong kapatid!" Galit na saad ni mama.
Buti pa rito nasabihan ako ng 'magaling'.
"Sorry ate, nagutom kasi ako bigla" paghingi ko ng tawad kay ate.
"Ayos lang, magluluto nalang ako" nakangiting saad niya sa akin.
Si mama naman hindi ko maipinta yung mukha, akala mo'y mangangain ng tao. Nakakatakot, shet! Sana manlang kasi ininform ako na hindi pala para sa'kin yung pagkain na yun. At bakit nga rin ako nag assume na tinabi nila yung ulam para sa akin? Assumera talaga.
Nang matapos ako kumain ay naghugas na rin ako ng plato. Pinatulog ko na rin pala si Cielo para makatulog na rin ako. Palagi nalang anong oras yung tulog ko, sirang sira na yung body clock ko. Kainis!
Papasok na ako sa kwarto ko kaso may narinig akong usapan. Hindi ko naman intensyon na makinig sa usapan nila Mama pati ate. Napadaan lang talaga ako, nadala rin ng kuryosidad.
"Ano ka ba ma, bakit gano'n mo nalang itrato si Tiana?" Napansin ko kaagad na galit si ate dahil sa tono ng boses niya.
"Wag mo akong tataasan ng boses Raya ha! Baka masampal kita, at wag mong kukwestyunin kung bakit gano'n na lamang ang trato ko sa kaniya! Wag kang makialam" galit pero mahinang pagbigkas ni mama.
Ngayon ko lang narinig si ate na ganiyan, bakit nga ba gano'n nalang ako kung tratuhin ni mama. Akala mo hindi niya ako anak, minsan napapaisip ako kung anak ba talaga ako o kasambahay lang.
"Sige, Ma.Sampalin n'yo ako!Anong wag ako makialam, Ma? Kapatid ko si Tiana! At naririnig n'yo po ba yung sarili n'yo ma? Hindi ko kayo maintindihan kung bakit ganiyan na lamang yung turing niyo sa kaniya"
"Wag mo akong pangunahan Raya, Alam ko ang makabubuti para sa kaniya" may narinig akong isang malakas na sampal.
"Anong makabubuti ma? Para mo na ngang pinapatay si Tiana dahil sa mga pinanggagawa mo! " Pagkatapos sabihin ni Ate kay Mama yung mga salitang iyon ay lumabas na rin siya sa kwarto nila Mama. Buti nga tulog si papa at sana hindi niya narinig yung pagtatalo nila ate.