CHAPTER 01

7 2 17
                                        

"Tangina, Tiana ang bagal bagal mong kumilos. Pinapakuha ka lang ng bag bakit antagal mo!" Galit na galit si mama dahil nga antagal kong nakabalik, binabantayan ko kasi si Cielo. Napakakulit kasi talaga ng batang ito.


"Wait lang po ma, inaasikaso ko pa po si Cielo" sigaw ko kay mama dahil nasa cr ako para magpaligo sa anim na taong gulang na kapatid ko.


"Tangina puro ka palusot, ibigay mo nga 'yan sa ate mo. Putangina kanina ka pa ha" sigaw rin sa akin ni mama.


Sabado kasi ngayon kaya nandito ako sa bahay, kabisado ko na lahat ng linyahan ni mama. HAHAHAHA


Buti lumapit na rin si ate para kuhain yung bunso naming kapatid, naglaba nalang ako ng mga damit namin dahil ayoko nang makarinig ng sermon. Ang kaso birthday ata ni satanas, eto na naman ang kamalasan.


"Tiana! Ikaw ba ang kumuha ng pera ko rito? Tangina ikaw lang ang humawak ng bag ko ha!" sermon sa akin ni mama.


Lord, bakit nung inulan ng kamalasan andun ako nagsuswimming? HAHAHA


Pumasok ako sa maliit naming bahay para pumunta kay mama at magpaliwanag.


"Ma, wala po akong ginagalaw diyan. Pinakuha n'yo lang po yung bag pero wala akong kinuha diyan" pagpapaliwanag ko kay mama. Pero alam ko namang hindi siya makikinig sa akin. Alam ko na 'to!


"Ibalik mo yung kinuha mo, kukunin ko ang cellphone mo kapag hindi mo binalik" sabi ko na nga ba hindi talaga makikinig sa akin 'to eh. Sige lang ma, mahal pa rin naman kita kahit ganiyan ka.


"Ma, wala nga po akong kinukuha diyan. May sarili po akong pera" magalang na pagpapaliwanag ko ulit.


"At saan ka naman kukuha ng sarili mong pera ha? Sa bag ko?! " Sigaw sa akin ni mama.


Hindi nalang ako nagpaliwanag pa, alam ko namang hindi rin talaga siya makikinig sa akin. Ano pang silbi ng pagpapaliwanag sa taong sarado ang utak. Papalipasin ko nalang siguro.


Nakatapos na akong maglaba at magluto, inabot na ako ng gabi kakalaba. Hinanda ko na rin yung pagkain sa hapag kainan. Nagluto lang ako ng pinakbet tsaka pritong isda. Pagtapos ko maghanda ay pumasok na rin ako sa kwarto para gumawa ng assignment. Mamaya nalang ako kakain mag isa.


Nakalimutan na rin ni mama kunin yung cellphone ko, buti nalang talaga nakalimutan niya. Nasa cellphone ko kasi yung assignment na dapat gawin.


Alas diyes na pala ng gabi bago ako nagising, natulugan ko yung assignment ko. Punyeta talaga oh! Wala manlang nag abalang gisingin ako para kumain. Napatawa nalang ako sa sarili ko, sabagay ganiyan naman talaga sila dati pa.


Lumabas nalang ako sa kwarto ko para kumain mag isa. Ginusto ko 'to eh. Masaya naman kumain.


Naghugas nalang rin ako ng mga plato para kinabukasan madali nalang makakilos sa lababo.


Balik tulog na naman ako dahil binisita na naman ako ng antok ko kahit kagigising lang. Eto lang talaga yung kaagaw ng boyfriend ko kapag ganitong oras, yung antok ko.


Ala sais ng umaga na ako gumising, dahil linggo ay magsisimba nalang ako.Pasasalamat na rin sa kaniya sa araw araw. Hindi naman talaga ako pala simba. Ewan ko ba, demonyita na siguro ako.


Naligo lang ako, kumain lang rin ako ng pandesal dahil masyadong maaga ang simba rito sa amin. Nagsuot lang ako ng brown na dress at brown na flat sandals. Mahirap mag heels dahil lalakarin ko lang yung simbahan, masyadong lubak kasi.


Desire of Destiny Where stories live. Discover now