Kabanata 2

750 33 16
                                    

Kabanata 2

The justice is blind...

Maaga akong pumasok para mapuntahan si Tristan. Well, this is too much. Pero hinayaan ko na lang kasi mukhang magkakapera naman ako sa kanya. Naghintay ako sa tapat Building ng mga Grade 9 na kung saan ay isa itong garden na kinatatayuan ko. May malaking fountain dito na kung saan ay maraming barya ang makikita. Umupo ako sa isang kahoy na upuan na makikita sa mga parke. Maganda talaga ang eskwelahan na ito. Well, pagmamay-ari ba naman nila Tristan, e.

Umihip ang hangin at nagulo ang takas kong mga buhok. Inayos ko iyon gamit ang mga kamay ko. Bagsak na ang kulay dark brown kong buhok. Kagaya ng mga K-pop ang buhok na may bangs at gulo gulo na kaunti. Ayaw ko kasi ng tinataas o ginagawang spiky ang buhok masyadong hayop ang dating, ang lakas maka pato at manok. Okay. Mukhang tumatagal ata ang paghihintay ko dito. Sabi niya sa'kin na alas otso ay nandirito na ako. Pero na saan na siya?

Nagkagulo ang mga babaeng dumadaan dito sa Garden ng makitang pumasok si Tristan. Bakas na bakas ang kakisigan nito sa suot niyang uniporme. Nasisinagan siya ng araw na animo'y nasa kanya ang spotlight. Bakas din ang gulo nitong itim na buhok at ang mga singkit na may pagbilugan nitong mata na mukhang may tinatago palagi.

"Ugh! Ang gwapo talaga ni Tristan." Sabi ng isang Grade 10 na estudyante.

"Wait! Belle, lapitan natin." Sabi ng kaibigan niya

Tumango ang Belle at agad nila itong nilapitan. Hindi ko narinig pag-uusap nila pero kita sa mga mukha ng mga babae ang kabiguan mas lalo na si Belle na nangilid ang luha. Okay. The Heart Breaker.

Mabilis na umikot ang leeg nito at sa'kin tumingin, dumiretso ang lakad nito papunta sa direksyon ko. Bakit ganyan siya? Nabigyan na nga siya ng Diyos ng mukha pero hindi niya man lang ginagamit. Lahat ng babae ay iniiyakan siya sa ginagawa niya. Nakakaawang Belle.

Kumunot ang nuo ko sa titig niya sa'kin na nakakapanindig balahibo. Ganito ba siya kung tumingin sa mga tao? Kaya siguro ang daming naiinlove sa kanya. Masyadong matalim ang titig at nakaka-ewan sa pakiramdam.

"Hey! Do my assignment." Bungad nito sa'kin.

"WHAT? Ito lang ba ang pagpapapunta mo sa'kin dito?"

What the fish fillet? Iyon pala ang tinext niya lang sa'kin kagabi? Para maigawa ko siya ng assignment niya? Wala ba siyang kamay at utak para gamitin niya? Ano 'to? O sadyang tamad lang ang potanginang 'to?

Bumuntong hininga ito,"Yeah, just do it. Mamaya na ipapasa iyan. Kita tayo cafeteria this lunch. I'll pay you." Sabi niya sa walang ka gana gana at kabuhay buhay.

Ang tamad na tao. Ganito siguro siya katamad na halos pati pagngiti ay kinatatamaran niya.

"Osige, basta ba babayaran mo ako," Sabi ko "Akin na notebook mo."

Kinuha niya ang notebook niya at binigay sa'kin. "Okay, see you." Aniya.

Sumugod agad ako sa library at mabilis na ginawa ang assignment niya na walang kahirap-hirap. Sa tingin ko tamad lang talaga siyang tao. Grabe, ang dali dali lang ng assignment niya hindi niya pa magawa.

Nagulat ako ng tumunog na ang bell. Magsisimula na panigurado ang klase. Tumakbo na ako sa Grade 11 at 12 na building. Tumulo ang mga pawis sa mukha ko. Dahil sa pagmamadali at takot na malate.

Mabilis ang lakad ko sa papasok sa room namin. Mabilis ang lakad ko papunta sa upuan ko. Wala akong kaibigan ni isa. Siguro noong nakaraan taon meron dahil dati ay Section A ako at dahil nalate ako magpa enroll noong enrollment day ay napunta ako sa Section B. Wala ni isang tahasang lumalapit sa'kin at makikipagkaibigan, siguro lalapit lang sila kapag magtatanong ng assignment at kung may quizzes ba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InsolentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon