Simula
Be my slave then...
Life is not that easy. Iyan ang naka pako sa utak ‘ko. Dahil maraming problema ang dumarating sa’tin mga pagsubok na minsan ay minsan malulugmok ka na lang sa lupa at hindi ka na makakatayo. Naging ganyan ang buhay ‘ko. Simula ng isang aksidente na sa tingin ‘ko ay pinagsisihan ‘ko no’ng una. Nakabuntis ako sa edad ‘kong labing limang taon. Hindi ‘ko alam ang gagawin sa mga oras na iyon dahil natatakot ako na madisappoint sa’kin ang mga magulang ‘ko. Ewan ‘ko ba kung matatawag ‘kong nakabuntis ako. Dahil ang nabuntis ‘ko ay ginusto nito pero ayaw ‘ko.
She’s 18 and I’m 15. Nangyari iyon dahil sa isang party ng kaklase ‘ko. Hindi sana ako mag-a-attend kaso dahil kaarawan iyon ng bestfriend ‘ko napapunta ako.
Common friend iyon ng bestfriend ‘kong si Jairon. Nakakairita ang presensya ng babaeng iyon dahil panay ang hapit ang kausap sa’kin. Hanggang sa nagkaroon ng inuman sobrang lasing ‘ko no’n dahil first time ‘ko iyon natikman at nang naghating gabi ay hindi na ako nakauwi dahil sa gabi na nga at delikado na uuwi ka pa ng gabi.
Natulog ako sa bahay ng bestfriend. Pag-gising ‘ko ay nakakumot ako at may katabi ako. Nagulat ako ng makita ‘ko ang sarili ‘kong nakahubad at maging ang babaeng katabi ‘ko si Erica.
Nabuntis siya at inako ‘ko ang responsibilidad ‘ko no’n nadisappoint ang mga magulang ‘ko no’n na matalino naman daw ako… na bakit daw iyon nangyari.
Buti hindi naka apekto iyon sa pag-aaral ‘ko. Ngunit kay Erica ay nasira talaga siya.
Hanggang nanganak ito. Isang lalaki. Ewan ‘ko pero nakaramdaman ako no’n ng ligaya. Masaya dahil isang biyaya ang bigay ng diyos sa’kin. Kaso ng nanganak si Erica ay bigla ako nitong iniwanan.
“Hope you understand me, Jacob.” Naluluhang sinabi nito sa’kin. “Ayaw ‘ko kasi na mahirapan ako.”
Mabilis siyang naglaho sa harapan ‘ko at iniwan akong mag-isa sa ere. Masakit dahil natutunan ‘ko na siyang mahalin.
Nilagay sa birth certificate ng magulang ‘ko na sila ang magulang ng anak ‘ko na si Jerico. Pero maliit pa lang ay sinabi ‘ko na na anak ‘ko siya at maaga ‘ko na explain sa kanya ang sitwasyon namin mag ama.
Nandito kami ngayon ng anak ‘ko sa mall para mamasyal ng anak ‘ko. He’s two years old. Marunong na siyang masalita kaso bulol pa. Nagagawa na rin niyang tumakbo. Ang hirap nga niyang habulin dahil sa kaharutan ng anak ‘ko.
Maituturing ‘kong blessing ang anak ‘ko dahil kahit ano mang trahedya ang dumating ay nakayanan namin. At sa tingin ‘ko ang anak ‘ko ang may gawa dahil sa pagpapalakas nito sa’kin araw-araw. Makita lang na masaya at walang iniindang sa’kit ay nagpapasaya na sa’kin.
“Daddy, there!” Nadaan naming kasi ang isang toy store.
“We can’t buy pa, Rico. Walang pera si daddy.”
Naawa ako dahil napasimangot ang anak ‘ko. Hawak ‘ko siya sa kamay habang naglalakad siya. Ang galing nga ng batang ito dahil ayaw niya dawn a nagpapabuhat dahil big boy na daw siya.
“Aren’t you tired na, Rico?” Tanong ‘ko dito.
“No, daddy. Sad lang ako.” Nakasimangot na sambit nito habang panay ang tingin sa likod kung saan nawawawala sa paningin naming ang tindahan ng mga laruan. Ang cute talaga ng baby ‘ko. Obvious, e.
BINABASA MO ANG
Insolent
General FictionHe's insolent. Iyan ang laging nabubulalas ng labi 'ko. Nakakainis kasi. Bawat galaw niya at kung paano siya magsalita. Maiinis ka. He's insolent that... he ignores all the girls surrounds him. Opporunidad na dapat ay yinakap niya. Na-iingit ako dap...