Chapter 4 :)
"Pusanggala talaga—" si Gio habang nakatingin sa assignment namin sa math.
Hindi ko naman maitanggi na mahirap ito. Mahirap talaga pero naintindihan ko naman. Itong pinsan ko lang ang hindi.
"Ano'ng kinalaman nito sa pagiging architect ko?" tanong nalang niya sa sarili.
Hindi ko 'yon masabi-sabi dahil mag e-engineer ako. Talagang may kinalaman ang math sa engineering.
Tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko iyon.
Fr: @razdrinvirales
how in the world do I tell to manong shoppee ang house namin? he keep asking me If I know the bakery in san fernando
Naguluhan ako sa text niya sa akin. First time lang ba niya ang mag order sa shoppee. Sa kurtina lang talaga kami nagkakasundo.
To: @razdrinvirales
Sabihin mo address mo, tangiks. Alam mo ba yung bakery sa san fernando? Kung alam mo edi puntahan mo siya.
Bahala na siya doon. Malaki na siya. Iyong kurtina siguro ang dumating. Ang bilis lang ma i-deliever.
Fr: @razdrinvirales
the curtains is here.
Ni-like react ko lang iyon dahil busy ako sa paggawa ng assignment sa math.
Abala kami ng makapasok sa classroom. Ikakabit na kasi ang kurtina. Mayroon namang tagagawa no'n kaya ipinagkatiwala ng adviser namin ang pagkakabit ng mga kurtina.
Friday ngayon at mayroon kaming activity sa P.E. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko ng Physical Education. Ayoko lang sigurong ma involve sa mga laro.
"Ginagawa mo sa gilid?" tanong ni Gio. Hinila ko siya palapit. Narito kami sa court. Busy silang maglaro.
"Shhh! Ayokong sumali sa laro." sagot ko. Umiwas naman siya sa akin.
"Lahat daw ay kailangang sumali. Batuhang bola lang naman iyan." aniya. Inirapan ko siya. Baka tamaan pa ako ng bola.
Habang nananahimik sa gilid ay may bolang gumulong sa paanan ko. Tiningnan ko kung kanino galing iyon. Sa yelong presidente namin. May hawak pa siyang bola. Tumingin sa akin at tumingin sa isang kasama niya na sa tingin ko ay kalaro niya.
Iniiwas ko ang paningin sa kanila at pinanood lang ang ibang naglalaro.
Nagulat ako ng matamaan ako ng bola sa braso.
"Aray!" daing ko at napahawak sa braso. Rinig ko ang tawanan ng mga kasamahan ni Virales. Alam kong siya ang nagbato ng bola sa akin.
Kinuha ko ang bolang ibinato sa akin at ibinato pabalik kay Virales. Natamaan siya sa gilid ng dibdib.
Deserve.
Ano'ng akala niya? Magpapatalo ako?
"What the—" napatingin siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.
Kinuha ko pa ang isang bola sa tabi ko at ibinato ulit sa kanya. Sa braso naman siya natamaan.
Mahina 'to.
BINABASA MO ANG
Two little Things
Teen FictionTwo little things, what is it? Razner Zadrin Virales, an academic achiever and a chess player. He's famous in his school, CNHS. A grade 10 student who's goal is to be on top of the honor list, he's always on top since kindergarten but in Junior Hig...