Chapter 6 :)
Wala akong ginawa sa bahay kundi ang maglaro ng billiards hanggang sa mag-monday.
"Laugh trip ng topic sa GC." si Gio. Inirapan ko siya habang naghuhugas ng kamay.
"Nabasa mo ba yung post ng school page natin?" tanong ni Gio. Kumunot ang noo ko at sinagot siya ng hindi.
"Tungkol ba saan 'yang post?" tanong ko.
"Buwan ng wika. May intersection na magaganap, grade seven to ten. Meron din sa Senior Highschool, iba nga lang yung mga events." sagot niya. "Mga poster making, sayaw, kanta at kung ano-ano pa." dagdag niya pa.
Hindi naman bago sa amin ni Gio ang intersection. Sa old achool namin ay marami ring events at programs. Hindi ko lang alam kung ano'ng plano ni Virales sa mga ganitong program. Sa simula't umpisa palang ay hindi na maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa. Hindi ko nagustuhan ang pakikitungo niya sa lahat. Ewan ko ba, naiirita ako kapag nariyan siya sa paligid.
"Ano'ng balak niyo ni Virales, Dace? Ano'ng program ang sasalihan ng section natin?" mga tanong ni Gio. "Mag c-chat na 'ko sa GC ng officers, wala ata silang balak na mag-plano tungkol dito." aniya.
Ayoko munang problemahin ang program ng school dahil may aasikasuhin pa kaming debate sa friday. Kung pwede lang hindi sumali ay kukumbinsihin ko talaga si Virales at ang section namin.
"Pag-uusapan n'yo pa raw ni Virales, Dace." sabi ni Gio na ikinataas ng kilay ko.
Ano'ng pag-uusapan?
"Tss, sa school nalang natin pag-usapan." sabi ko.
Maaga kaming pumasok ni Gio pero nag-hintay parin sa labas ng gate para bumukas. Araw-araw nalang may pila sa labas ng school! Parang mag a-apply kami ng trabaho.
"Ang aga-aga n'yo ah? Mga mag p-practice ba kayo para sa program?" tanong ng guard sa amin.
"Palang, guard. Mag p-practice palang." si Gio ang sumagot. Napatango naman ang guard at iniwan kami rito. Ang init sa labas! Mahihimatay na ako.
Dapat pala nandito si Virales para maging malamig ang paligid.
"Aga nang mag-pinsan na 'to ah?" sulpot ni Darren at Ivan. Kasunod rin si Psyche na umiinom ng palamig.
"Hoy! Kayo representative ng section natin sa sayaw ah!" kunwaring masungit na sabi ko sa kanila, nagbibiro.
Nagugulat naman nila akong tiningnan na para bang may sinabi akong masama at hindi nila ikakatuwa.
"Mukha ba kaming dancer?" kunot noong tanong ni Ivan.
"Gusto mo bang sayawan namin sila ng budots?" sarkastikong sabi ni Darren at sumayaw sa harap namin ng budots. Tawang tawa kami sa mga steps niya. Nag-twerk pa siya. Para siyang bulateng binudburan ng asin at ang lambot ng mga galaw.
Tumatawang hinampas-hampas ko si Gio sa braso dahil sinabayan siya ni Ivan mag-twerk.
"Mga bading 'to!" si Psyche na natatawa. Muntik nang mabulunan sa palamig.
"Oh 'diba, wala silang panama sa mga steps namin!" si Darren na nakapameywang sa amin. Bigla naman akong nakaramdam ng lamig sa gilid ko.
"Did y'all practice without my permission?" sulpot ni Virales.
Kaya pala biglang lumamig.
BINABASA MO ANG
Two little Things
Teen FictionTwo little things, what is it? Razner Zadrin Virales, an academic achiever and a chess player. He's famous in his school, CNHS. A grade 10 student who's goal is to be on top of the honor list, he's always on top since kindergarten but in Junior Hig...