PROLOGUE
This is it, makikita ko na ulit yung pinaka nakaka bwesit na lalaki sa buhay ko, pero syempre love na love ko. Papunta ako sa dormitory ng kuya ko kase ibinilin ako ng mommy sa kanya ngayong araw kase may business trip sila napupuntahan ni daddy. At syempre excited na din akong makita 'siya'. Habang naglalakad papuntang dormitory ng kapatid ko, hindi ko maiwasang mamangha sa eskwelahan nila, napaka sosyal ng mga pasilyo at talagang napaka elegante ng mga estudyante.
Nang makita ko yung sasakyan ng kuya ko ay patalon talon akong pumunta dun na parang bata, ngayon na kase sila lilipat sa dorm nila kase mag sisimula na ulit ang pasok nila at kasalukuyan ng nasa 4th year college ang kuya ko at ako naman ay grade 12 palang.
Pinuntahan ko na nga yung sasakyan at tiningnan ang paligid kase baka nandun lang sila, pero wala. Ang hilig niya talagang iwan na nakabukas ang likod ng sasakyan. tiningnan ko yung mga gamit na nadun at may nakita akong stuff toy na parang aso na ewan. kinuha ko yun at winasiwas. Ang cute lang, tinignan ko ang ibang gamit na nandun sa likod may nakita akong mga gamit at libro 'isaac asimov: the end of eternity' binuklat ko yung ibang gamit na nandun hanggang makita ko yung pangalan niya na nakalabel sa ibang gamit na nasa loob ng box.
"Busted, Thief" biglang sabi ng tao sa likod ko, natigilan naman ako saglit dahil sobrang pamilyar ng boses niya at nang lingonin ko ay 'siya' nga.
Parang nag slow-mo ang paligid ko, pangatlong beses na to ng huli ko siyang makita at matitigan ng malapitan. Parang may mahika na nagpahinto ng oras nung makita ko siya, hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. Yung lalaki na gusto ko dati, at ginugusto ko hanggang ngayon.
"Jaydee" mahinang sambit ko na alam kong narinig niya.
***
Copyright © 2023 by Francheska Gale Gasmin Perez (YourWriterSioPau)
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, transmitted in any form by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, except for brief quotations in printed reviews, without prior written permissions of the publisher.
***
[Author's Note]
Please be aware that you will encounter errors such as typographical error, grammatical error, and plot holes while reading the story. If you happen to see one, please do comment so I could note it down. Please don't also forget to vote and follow me, for more updates. Thank you :)
- Gayl