Gianna POV
4 years ago...
Nandito ako sa classroom namin ngayon, nakatanaw lang sa labas ng bintana habang pinapanuod yung ibon na pinapakain yung mga sisiw niya.
"Gianna?" Ang cute, parang gusto ko tuloy magpabili kay mommy mamaya.
"Gianna!" nawala ang atensyon ko sa panunuod sa labas ng classroom ng tawagin ako ng instructor namin sa math.
"yes, maam?" sagot ko at mabilis na tumayo, pano nakakatakot kase tong terror na teacher namin nato.
"Ano yung tinitingnan mo jan?" tanong niya sakin.
"ah, pinapanuod ko po yung inahin na ibon na pinapakain yung mga sisiw niya, pero yung dalawang sisiw ay nagtatalo kung kanino mapupunta yung pagkain" sagot ko, nagtawanan naman ang mga kaklase ko. I'm just being honest yun naman talaga ang pinapanuod ko kanina pa. hmp!
"Everyone! Quiet!" Agad naman tumahimik ang lahat sa sigaw ng terror na teacher namin.
"And you gianna! Pay attention, wala sa labas ng bintana ang blackboard kung hindi nandito sa harap!" Sabi niya at pinaupo ako.
Agad din naman akong umupo at kinuha ko yung notebook ko na walang sulat at puro drawing lang. Nagsimula na ulit mag lecture si Mrs. Guevarra. Nagpanggap nalang ako na sumasabay sa pagbabasa ng pinapabasa niya kahit sobrang nababagot talaga ako sa klase.
Nang mapansin ko na wala na samin ang focus niya at duon na sa textbook ng kapit niya ay dinukmo ko na ang ulo ko sa desk ko at nagsimula nalang i drawing yung ibon kanina na nakita ko.
Bawat pagdaan ng minuto, parang mas lalong bumabagal ang oras dahil sa lesson na pinag aaralan namin, sa totoo lang wala kase akong hilig sa numero. I hate math, kahit anong pakikinig at pagintindi ko dito ay wala talaga akong maintinhan.
"Gianna Lorraine Suarez!" tawag sakin ni Mrs. Guevarra.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na pay attention to my class! Tomorrow bring your parents to me at kakausapin ko sila tungkol jan sa attitude mo!" Sabi niya. oh no! hindi pwede, if ever na pupunta ang parents ko dito bukas ay pangatlo na nila na pupunta dito this week.
Pinaupo niya na ulit ako, nag iisip tuloy ako ng i-reason kay mommy kung bakit sila pupunta dito bukas. Ahh! I hate this class!
***
Nang matapos ang klase ay nag unahan na lumabas ang mga kaklase ko para umuwe. Lumapit naman sakin ang kaibigan ko.
"Sorry kung di kita natulungan kanina, alam mo naman kung gaano nakakatakot si Mrs. Guevarra. Pero paano yan, dalawang beses na napapatawag ang parents mo dito?" sabi niya, naalala ko nanaman tuloy kung anong sasabihin kina mommy.
"Okay lang yun, di ko nga din alam kung bakit ang init ko sa mata ni mrs. guevarra" sagot ko sakanya. Btw my friends name is Ashianna Kim Fernandez, I call her Ashi.
"Bakit ba kase lage ka niya nahuhuli, buti sakin never pa nangyare" sabi niya, so lucky samantalang ako ilang beses na. Siguro sa sunod sa pinaka dulo na talaga ako uupo para di niya na ako mapansin.
"Tara na?" pag aaya sakin ni ashi, kase hinintay niya ako ayusin ang gamit ko bago kami sabay umuwe.
***
"May lakad ka ba ngayon?" tanong ni ashi, habang naglalakad kami sa hallway palabas ng campus.
"Bakit?" Tanong ko pabalik, actually wala namang akong gagawin sa bahay pero magpapakabait muna ako dun.
"Nag aaya kase gumala si Jared, kasama yung mga kaklase niya sa section nila? Sama tayong dalawa" tanong niya, kahit gusto kong sumama pilit talaga ako kinokonsensya ng utak ko tungkol sa pagpapatawag sa parents ko.