Gianna POV
"What's up?" Sabi ng tao na nasa harap ko, nilapitan ko naman ito at tiningnan ko ang buong mukha.
"Kuya? Nagpa plastic surgery ka ba?" Sabi ko tapos lumapit at tiningnan ang kabuoan ng mukha niya, nagtataka at nakakunot ang noo na tumingin naman sakin yung tao na nasa harap ko. I can't believe it, di ko alam na papayag ang parents namin sa ganitong pakulo.
"Okay lang ba ang pagkakagawa ng mukha ko?" Tanong niya, tapos tinanggal ang kamay ko sa mukha niya.
Tumango naman ako at ngumiti na lang pero mas gusto ko yung mukha niya dati, di ako sanay na di siya mukhang kulogo. Nawala ako sa pagiisip, nung may bumanga sa harap ko at pag harap ko ay kuya ko ito. Kuya ko?
"Kuya?" Nanlalaki na mata na tanong ko sakanya, kung nasa likod ko yung kuya ko sino tong nasa harap ko. Pabalik balik ang tingin ko sa dalawa, nakakahiya yung ginawa ko sa mukha niya kase akala ko siya talaga si kuya.
"Why? Anong problema mo? Pogi ko ba masyado HAHAHA" Sabi niya, what the? Akala ko talaga si kuya nasa harap ko. Pero sa bagay di naman siya ganong katangkad, dapat naisip ko na kanina yun.
"Ang taas masyado ng tingin mo sa sarili mo gio, mahiya ka naman" Sabi nung lalaki at tumawa.
"Shut Up" Bulyaw naman ni kuya sakanya.
"At ikaw iya, ano nanaman ang ginawa mo ngayon?" Tanong niya, alam ko na yung favor ko yung tinutukoy niya.
"W-wala akong ginawa ah" Sabi ko tapos tiningnan yung kasama ni kuya kase nakakahiya kung marinig niya yung sasabihin ko sa kapatid ko.
"Wala pala, bakit kung pauwiin mo ako parang meron problema. Kung di mo lang sinabi na namimiss mo ako, hindi ako uuwe eh" Sabi niya, totoo naman kase namimiss ko siya pero at the same time kailangan ko talaga ng magliligtas sakin sa sermon.
Lumapit ako agad kay kuya at kinapitan siya sa braso na parang nagpapaamo, in another word nilalambing ko.
"Oo na, may nangyare kase sa school eh" Sabi ko, habang hinihinila ng marahan ang laylayan ng suot niya na shirt.
"Yan ba yung kapatid mo gio?" Biglang tanong ng kasama ni kuya, ano ba yan sayang yung bwelo ko magpa cute para pumayag sa hihilingin ko.
"Bakit sa tingin mo anak ko siya? Grabe ka naman" Sabi ni kuya at aambahan pa sana ako na pipitikin noo ko.
"Btw, kuya sino siya?" Bulong ko, nakakahiya naman magtanong dahil dun sa ginawa ko sakanya kanina, pero itong kapatid ko talaga ang walang hiya.
"Yan si Jaydee, roommate ko sa dorm" Sabi ni kuya na alam ko na narinig nung lalaki kase tumingin sa gawi namin, tumayo naman yung jaydee tapos lumapit sa gawi namin tapos nilahad niya kamay niya.
"Hi, ako si jaydee kaibigan ako ng kuya mo" Sabi niya, nakatitig niya ako sa kanya kase ang pogi niya talaga. bumaling naman ang tingin niya kay kuya.
"Sa tingin mo? Magkamukha tayo?" Tanong niya kay kuya tapos sinipat sipat pa ang buong mukha nito, nakakunot na noo naman siyang sinagot ni kuya.
"Andun yung banyo *turo sa banyo* tumingin ka sa salamin" Sabi ni kuya sabay tayo sa pagkaka upo.
"Pfft seryoso?" natatawa kong bulong, pero natigil tawa ko dahil sa sinabi nung jaydee.
"Pero sabi ng kapatid mo kanina kung nag pa plastic surgery ako" Sabi niya, patay bigla naman sumama tingin ni kuya samin dalawa. Naka crossed arm at tuwid siyang yumayo sa harap ko.
"Anong sinasabi ni jaydee iya?" Tanong ni kuya na ganon pa din ang tingin sakin, nagpalipat lipat namang ulit tingin ko sakanilang dalawa.
"Kuya, di ba sabi mo di ka uuwe ngayon araw" Pag iiba ko ng usapan kaso hindi ata effective kase ang sama pa din ng tingin niya sakin, yumuko naman si kuya para pantayan ako tapos yung kaibigan niya patawa tawa na umupo sa tabi ko, kasalanan niya to eh.