CHAPTER 3

5 0 0
                                    

Gianna POV

"Ehem" Pag tikhim ng kaibigan ni kuya, umalis na ako sa likod nito at pumunta sa upuan.

"Pwede paabot ng tissue?" Sabi ko sakanya, binaba niya yung kapit niya na bag sa swivel chair sa harap ng study table ni kuya tapos kumuha ng iilang piraso ng tissue at inabot sakin.

Ginamit ko naman ito para punasan yung mga luha na nasa pisngi at baba ko at syempre yun ilong ko, baka may sipon eh.

"Lage ba nangyayare sainyo ng kuya mo yun?" Biglang tanong niya.

"Its nothing, don't worry. Di naman sinasadya ni mommy yun, at saka ganito na kami mula pagkabata pa lang" Sabi ko sakanya, buti nga natitiis ko pa yung ganyan ugali ng kapatid ko, bakit kase dalawa lang din kami eh.

"Humihinge ka ng favor sa kuya mo diba? Bakit mo ginawa yun?" Tanong niya, bakit ba ang dami niyang tanong kasalanan niya naman kung bakit nag away kami eh.

Naalala ko naman na kelangan kong papuntahin sila mommy bukas kaya naiiyak nanaman ako, napatigil naman yung kaibigan ni kuya na nasa harap ko dahil na kasimangot nanaman ako.

"Oh wait lang, wag ma umiyak baka madamay ako" Sabi niya kaya tumingin ako sakanya.

"Ganito nalang, kakausapin ko yung kuya mo para tulungan ka niya" Sabi nito, nagsimula naman ako humikbi ako di sumang ayon kase alam ko yung ugali ni kuya.

"Di na ako tutulungan niyon dahil sa ginawa ko" Sabi ko tapos pinunasan yung mga luha na bumabagsak sa mata ko.

"Hindi yun, ako bahala di naman ganon kababaw yung kuya mo" Pag aalo niya sakin kaya tumigil na ulit ako sa pag iyak, may naisip naman ako na ideya.

"Kuya jaydee, may oras ka ba para bukas?" Tanong ko sakanya, natigilan naman to at nag isip saglit.

"Bukas?" tanong niya, tiningnan niya naman saglit ang phone niya tapos bumalik ang tingin sakin.

"Opo, bukas?" Sabi ko, tumalikod naman sakin to at pumunta sa kama at dun umupo kaya tumayo ako at pumunta sa harap niya.

"What if sabihin ko na di ako pwede bukas?" Sabi niya, hindi pwede dahil siya nalang alas ko para i ako masermunan bukas.

"No, hindi pwede dapat available ka bukas" Pagpupumilit ko, okay lang yan makapal naman mukha ko eh.

"At bakit naman?" Sabi niya.

"Kung di mo sinabi kay kuya yung tungkol sa plastic surgery ede sana hindi kami mag aaway" Pangongonsensya ko sakanya at tumawa naman siya.

"May point ka dun, so ano bang gagawin bukas?" Tanong niya sakin, nagdadalawang isip naman ako na sumagot sakanya pero bahala na.

"Can you please pretend to be my brother tomorrow? Tapos pumunta ka bukas sa school namin?" Sabi ko at yumuko, piangsaklob ko naman yung kamay ko dahil sa hiya.

"Ah, so pinapapunta ng teacher mo ang parents mo sa school?" Tanong niya, kakasabi ko lang eh. Tumango nalang ako at napabuntong hininga naman siya.

"So ano yung ginawa mo?" Tanong niya, ang hilig niya talaga magtanong ng mag tanong.

"Pwede bang di ko sabihin?" Sabi ko kase napaka petty lang naman ng reason.

"Pwede naman, pero wala akong time bukas" Sabi niya, napabagsak naman ang balikat ko, ano yun nagsayang lang ako ng laway humingi ng pabor at mag explain sakanya. Tumayo naman siya at nag lakad na palabas ng kwarto, no choice na sabihin ko nalang yung reason.

"Di kase ako nakikinig sa klase!" Sabi ko, kaya tumigil siya maglakad at humarap sakin.

"Ano-- Ilang beses kase ako tinawag ng teacher namin pero di ako agad nakatayo, nasagot ko naman ng tama ang tanong niya pero pinapatawag pa din parents ko" Sabi ko, tama naman eh yung tinanong niya ako yung anong tinitingnan ko sa labas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden LoveWhere stories live. Discover now