Puti, simbolo ng kapayapaan at dakilang puri. Sa dambana ng simbahan tayo'y pinag-tagpo.
Kapayapaan ng puso ang panalangin na sana'y dingin, sa simbahan tayo magiisang dibdib upang ika'y maging akin.
"Habang buhay", yan ang pangako mo sa akin.
Sa aking pag-lapit, ito'y naging hudyat ng iyong pagtakbo.
Sa mapanlinlang mong pangako, mundo ko'y gumuho.
Traje de boda man ang aking bihis, iniwan mo ako sa altar na parang hindi mo ako minahal.
Pangako mong tayo, tinapos mo sa harapan ng altar.
Sa altar kita ng Diyos na kilala, sa altar din matatapos...
Ang wagas mong pangako na ngyon ay napako.
BINABASA MO ANG
Dalawang Daang Tula Para sa Maling Pag-Ibig
PoetryAng Librong ito, ang mag sisilbing mata, tenga at bibig ng mga taong kagaya mong nasasaktan ngunit nag-mamahalparin, sa bawat titik at letra ng mga salitang i-susulat, makakamtan ang kaginhawaan, ang pag-ibig na tanging iyong makakamit, sa pamamagit...