Sa maling pag-ibig ng talata. Na ang kwento ng ikaw at ako, ay maling libro ang nailalathala
Na ang lonta ng entablado ng tanghalan nating dalawa ay tila tunay ang pag luha.
Sa bawat patak ng ulan, kasabay din ang pusong nasasaktan, kung asan ka man ako'y narito lang.
Sinubukan kong gawin ang mga bagay na makakapagpalimot sayo. Walang silibi ang paraang ito, ikaw pa rin pala ang laman ng puso ko.
Dumaan man ang taon kung saan ang puso ko ay tumatalon sa kaba at pangamba.
Ang bawat saglit ngalan mo ang tanging sambit. Bitbit-bitbit ang mga alala-alang ako na lang pala ang nakakalala.
Wala ka na pala, sa entablado kung saan ikaw at ako ay masayang masaya.
BINABASA MO ANG
Dalawang Daang Tula Para sa Maling Pag-Ibig
PoetryAng Librong ito, ang mag sisilbing mata, tenga at bibig ng mga taong kagaya mong nasasaktan ngunit nag-mamahalparin, sa bawat titik at letra ng mga salitang i-susulat, makakamtan ang kaginhawaan, ang pag-ibig na tanging iyong makakamit, sa pamamagit...