Prologue
#yonderly
"HAVE you seen lucy?"
I look at the person who ask me, it's lily.
Umiling lang ako bilang sagot at bumalik sa ginagawa ko. Nag d-drawing ako sa likod ng notebook ko ng kung ano ano. Free ang schedule namin ngayon kaya walang prof na dumadating, pasalamat nalang dahil tuwing friday lang ganito. Kadalasan ang mga kaklase ko hindi na pumapasok kaso attendance din ang habol kaya pumapasok pa rin.
"Saan na kaya yun nasa kanya pa naman phone ko kagigil!"
Naramdaman kong umupo ito sa gilid ko hindi ko nalang binigyan ng pansin.
"Wow ano yan? Ang galing mo talaga mag drawing," napa-poker face nalang ako sa sinabi niya.
Anong maganda dito parang doodle lang ginawa ko parang kinalabasan lang nito gurisgis.
"Hanapin mo na kambal mo lily, baka nakikipag jugjugan na naman yun," natatawang sambit ko.
Bigla niyang hinampas ang lamesa ko na naging dahilan para tumingin sa kanya ang mga kaklase namin, parang balewala lang sa kanya ang tingin ng iba at agad na tumayo at nag lakad palabas ng pinto. Bago siya lumabas narinig ko pa ang sinabi niya.
"Tangina may makukurot ako sa singit mamaya!"
Napatawa nalang ako habang umiiling, ang mga kaklase ko ay nag sibalikan sa ginagawa, yung iba natulog nalang ulit but most of them nakikipag chikahan.
Mga plastic naman..
Tumingin ako si ginuguhit ko pag may nakakita siguro nito ang sasabihin "gumagawa ka ba ng sumpa?" Paano parang pang ritwal ang drawing ko.
Sinarado ko nalang muna ang notebook ko atsaka kinuha ang phone ko sa bulsa ng palda ko.
From: Loley
Yo! Wanna hang out later? May gigs kami mamaya wanna come babe?Kumamot ako sa kilay ko rereplyan ko na sana ng siya na mismo ang tumawag sa akin.
"Babe! Sasama ka?"
"Not sure atsaka stop calling me babe ang cringe mo loley, also may rocket ako mamaya," tumingin ako sa bintana narinig ko nman ang ingay sa kabilang linya.
"Aww sayang laklak sana mamaya eh, tapos chuckie lang sayo, pfft."
"Idiot, basta hindi muna ako sasama paki sabi nalang sa iba."
"Sayang oh sig–"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng pinatay ko na ang tawag, linigpit ko ang gamit ko at nilagay sa bag ko. Kinuha ko naman yung earphones ko at sinuot.
Gusto ko umidlip puyat pa ako dahil kagabi, madami akong tinapos bandang alas kwatro narin ako natulog nun. Dumukdok na ako sa mesa ko at umidlip na.
Everything seems so normal in this world, wala kang makukuhang pera na bigay lang dapat pinag hihirapan. Mukha akong pera kaya pera talaga nasa utak ko, kung walang pera malulumpo na pag katao ko at malulumbay.
Kapag gabi kung ano ano tinatanggap kong rocket o sa mas madaling salita ay trabaho, walang permanente. Pag katapos mo sa isa kunin ang sweldo lipat ka naman sa kabila, hanggang sa matapos at umabot ng madaling araw. Nobody knows that. Tinatago ko keep it cool nga lang.
Sa totoo lang mahirap ang buhay, pero mas mahirap din nga dinadanas ko. Nag aaral aa umaga nag tatrabaho sa gabi, mag isa sa apartment grabe din singilan ng landlord, kaya pag sinisingil na ako nag tatago ako, kaya nga kadalasan dito na rin ako natutulog sa school.
Wala ni isang gumagambala sa akin pwera nalang yung mag kambal, yung mga kaklase ko hindi nalang din nila ako pinapakaelaman. Nanapak kasi ako pag iniistorbo ako sa tulog o sa ginagawa ko. Life is hard pero pag pinush hard din. Then one day.. everything has change, yung nangyari na hindi dapat mangyari...
YOU ARE READING
Yonderly
Non-Fiction"I loved you in this lifetime. I won't make that mistake in the next."