Chapter two

16 0 0
                                    


#Yonderly

Chapter two



"BOBO ka naman pala eh!"

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang pag kirot ng ulo ko.

Tangina trabaho pinunta ko dito hindi inuman bwisit.

"Hoy sharap your mouth oley," sabat naman ng isa na halatadong lasing na din.

Minulat ko ang mata ko saka kinuha ang isang baso na may lamang alak at linagok ito ng deretso, naramdaman ko ang pag guhit ng init sa lalamunan ko.

"Grabe ka naman maka bobo loley," natatawang saad ni jetsi.

Umirap nalang ako sa kawalan, malay ko bang maling pintuan nabuksan ko.

"Pero gwapo ba?"

"Ano ka ba naman jetsi, syempre gwapo nasa VIP nga diba mayayaman." Hindi siya pinsansin ni jetsi at nag hintay lang ito ng sagot sakin.

Mukha bang gwapo 'yon? Mukha ngang babaero. Who are you daw tapos biglang siyang hinalikan ng babae sa gilid niya aba kapal ng mukha ang PDA masyado.

"Kalma lang mababasag mo yang baso mahal yan," agad niyang kinuha sa akin ang baso na hawak ko saka ito hinalik-halikan.

Ngumiwi ako sa kanya pero patuloy pa rin siya sa pag halik sa baso.

"Ano gwapo ba?"

Umirap ako sa kawalan saka umiling. "Hindi mukhang adik."

Bumasangot naman ang mukha nito saka bumalik sa upuan niya kung nasan ang lasing ay nakatulog na, tumingin naman ako kay loley na hawak hawak pa rin nito ang baso.

Abnormal.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si jana, napangiwi pa 'to ng makita ang kalagayan ng mga kaibigan niya saka bumaling sa akin.

"Paki uwi na lasi na mga yan," tumayo ako at pinag pupulot ang kalat nila sa sahig.

"Hoy hindi pa ako lasing!" Tinignan ko si jetsi mula paa hanggang ulo.

"Oo hindi ka pa lasing, nasa matinong wisyo ka pa kung lasing ka hind ka mag lalagay ng bote ng alak dyan sa loob ng damit mo."

Napanguso naman ito na kinatawa ko, dahan dahan niyang nilabas sa damit niya ang bote ng The bar.

"Balita ko may pogi dyan sa kabilang pinto," jana said.

Bumuntong hininga ako saka pinulot ang huling bote sa sahig. Tumingin ako sa kanya saka binigyan ito ng di pang sang-ayon sa sinabi.

"Nah he looks like he's been using a illegal drug, nakikipag laplapan nga ng harap harapan."

Tila hindi nito narinig ang huli kong sinabi dahil tumawa lamang ito saka sinimulan buhatin si jelly na wala ng malay dahil sa kalasingan nito.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos narin ako sa pag lilinis, ang mga kasama ko kanina ay nailabas na ng buhay ni jana. Lumabas na ako sa kwartong pinanggalingan ko ngunit bigla akong napatigil sa pag lalakad ng makarinig ako ng mga ungol.

"Mga bwisit talaga may CR naman hindi gawin doon ang milagro, sa may gilid pa talaga ng pintuan." Mahinang bulong ko.

Umalis na ako doon at bumalik sa pinang galingan ko.

"Tagal ah ano ginawa mo d'on?"

Pabagsak akong umupo sa isang upan saka tinignan siya.

"May mga asungot lang akong inasikaso."

Naiiling siyang tumayo at lumapit sa akin. "Amoy alak ka, umuwi ka na kami na bahala dito."

Umiling ako bilang sagot sa kanya. Ngunit inilingan niya din ako.

"Sayang ang sweldo, kaunti lang naman nainom ko ate remelisa kayang kaya 'to," pinalo ko pa ang muscle ko sa mga braso para ipakita sa kanya nang biglang...

"ARAYY!!"

Piningot niya ako, naiiyak ko siyang tignan matapos bitawan ang tainga ko.

"Umuwi ka na wag mo na pa ubusin pasensya ako at ako na hi-high blood. Pipingutin ko talaga lalo yang tainga mo pag nag matigas ka pa ng ulo."

"Ate naman kaya ko nga kas-" hindi niya ako pinatapos dahil sapilitan niya akong pinatayo at hinila.

Nasalubong pa namin ang iba naming kasama at nalilitong tumingin sa amin. Ang nga costumer naman na nadadaanan namin ay ganun din. Hinayaan ko nalang hilain ako hanggang makarating kami sa labas.

"Umuwi ka na ako na bahala dito." Masungit na sabi niya sa akin.

Ngumuso ako ngunit agad niya ding pinitik ang labi ko. Tinignan ko siya ng masama pero mas masama pa din siyang tumingin sa akin.

"May pasok ka pa bukas anong oras na alas tres na ng umaga, umuwi ka na at mag pahinga." Bago pa ako makapag salita ay tinalikodan niya na ako.

Napakamot nalang ako sa ulo at pumunta na sa motor ko. Kinapa ko muna ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na, tama nga alas tres na.

May pasok pa ako mamaya, mga 7 am siguro, depende naman sa sched ko ngayon. Anong araw na ba Wednesday na ata ngayon kaya panigurado 7 am start ng class ko.

Dumeretso nalang ako sa apartment ko, para kahit papaano hindi pamahayan ng ligaw na kaluluwa 'tong apartment ko. Madilim ang bumungad sa akin pag pasok ko, kung ibang tao siguro makakakita nito aakalain nilang walang nakatira dito.

Binuksan ko ang ilaw at may ilang kalat akong nakita sa sahig at sa cofee table ko dito sa sala. Bumuntong hininga muna ako bago ko pinag-pupulot ang mga kalat. Dumeretso ang tingin ko sa kusina ng makarinig ako ng kaunting kaluskos. Agad ko naman itong tinignan, medyo may pagkamadilim lang banda dito dahil yung nasa sala lang ang binuksan ko.

Dahan dahan akong yumuko sa lababo, napatili ako ng makitang may dalawang pares na mata ang nakatingin sa akin. Ang mga mata nito ay parang umilaw.

"Meow."

"Lintek kang pusa ka! Paano ka nakapasok ha?!" Singhal ko dito, bigla itong lumabas mula sa pinag tataguan niya at umupo sa harap ko.

"Meow.."

"Wag mo ako madaan daan dyan sa meow mong hayop ka, papatayin mo ata ako sa gulat."

Lumapit ito sa akin at lumingkis sa mga binti ko na para bang nang lalambing.

"Meoww mew meow"

"Magsalita ka ng maayos hindi kita maintindihan," dahan dahan akong umupo para mabuhat siya.

Nang mabuhat ito ay agad kong dinala sa sala, tinignan ko siya mata sa mata. Tangina apa cute!

"Hoy ikaw trespassing ka, ikaw ba nag kalat sa nga 'to??" Tanong ko dito.

Ngunit wala naman akong nakuhang sagot kundi isang meow lang, linapag ko ito sa sofa at doon siya humiga habang nakatingin sa akin.

"Titingin tingin mo dyan? Ngayon ka lang bang nakakita ng babae panglalaki ang gupit?"

"Meow" tila naman sumangayon siya sa sinabi ko.

"Yung totoo nga, paano ka nakapasok dito?" Dinuro ko sya habang ang isang kamay ko nasa baywang ko.

Hindi siya sumagot ngunit lumingon siya sa gilid kung nasan ang bintana ko. Tinignan ko 'yon at nakitang nakabukas ng kalahati. Napamura nalang ako, dahil panigurado hindi ko nasarado ng maayos.

"Ikaw, wag kang pumasok basta basta sa ibang bahay, mamaya pwede kang kasohan na trespassing alam mo ba 'yon??"

Wala akong nakuhang sagot dahil dinidilaan niya ang ano doon banda sa private part niya.

"Baliw na ata ako, bakit ako kumakausap ng pusa. Bwisit naman."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YonderlyWhere stories live. Discover now