Chapter One

21 0 0
                                    

#Yonderly

Chapter one



"ITO buhatin mo dalhin mo dun sa likod ng track dali!" Sigaw ng boss ko.

Agad ko naman binuhat 'tong mga karton na kay bigat, isa isa ko binuhat ang mga 'yon hanggang sa matapos.

Umupo ako sa gilid at uminom ng isang can of drinks. Napatingin ako sa paligid, madaming tao na nadaan, iba't iba ang pinagkaka abalahan. May mag jowang nag lalakad with holding hands, may mga mag kakaibigan, at may boung pamilyang masayang nag lalakad.

Bumuntong hininga ako bago ko sinandal ang likod ko sa bench na inuupuan ko. Tinignan ko ang oras at nakitang pasado alas dyes na rin, sabagay naka dalawang rocket ako ngayon, may tatlo pa.

"Hindi na ako mag tataka pag nag ka muscles ako nito," mahinang saad ko.

Tumayo na ako at tinapon ang can ng drink ko sa basurahan at pinuntahan ang boss ko. Nakita ko naman itong kinakausap ang staff niya kaya sumandal muna ako sa pintura habang naka cross ang mga braso ko. Nang matapos ito ay saka ako umayos ng tayo ng dumako ang tingin nito sa akin.

"Balik ka ulit dito bukas, kukulangin ako ng tauhan."

"Sure no problem," ngumiti ako bago pasimpleng linahad ang kamay ko.

Tinignan niya naman iyon kaya napatawa siya ng mahina.

"Ang sipag mong bata ka, hindi na ako magugulat pag alam din ito ng parents mo."

Hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin sa kamay ko na nakalahad sa kanya.

Shet ang sweldo ko pareh

"Oh iyan na sweldo mo, bukas ulit ng gabi syasya alis na dali!"

Nagpasalamat ako dito at saka natatawang tumalikod at umalis. Nasa loob ng sobreng puti ang sweldo ko, binuksan ko naman to at binilang.

"450 wow ang dami yayaman na ako dito," mahinang natawa ako dahil sa sinabi ko.

Nag hanap ako ng basurahan saka itinapon ang sobre at linagay ko naman sa bulsa ng pants ko ang pera. Pumunta na ako kung saan nakaparad ang motor ko at sumakay na doon, agad ko namang pinaandar iyon saka pumunta na sa next na boss ko.

Nang makarating ay agad ko pinarada at tinanggal ang helmet sa ulo ko. Dumeretso na agad ako sa loob at binati ang mga kasamahan ko.

"Andito ka na sakto ang dating mo may deliver agad." Bungad ni Crizena anak ng boss dito, tumango ako at tumungo sa loob para kunin ang idedeliver ko.

"Grabe ah ang snob hindi man lang mag hello, sige na ideliver mo na yan baka mainipin yang nag order bawas sweldo yan pag hindi tinanggap."

Tumango lang ako saka binitbit ang dalawang plastic na may lamang pagkain at dali daling lumabas ng restaurant nila at sumakay sa motor ko. Tinungo ko na kung saan ko idedeliver at nang makarating ako at napatingala ako.

"Damn ang taas" bulong ko sa sarili.

Pumasok na ako sa loob, kilala na ako ng guard dito dahil gabi gabi ay dito talaga deliver ko. Tumango ako sa kanila at dali daling sumakay sa elevator. Maya maya pa ay bumukas na rin at hinanap ko na agad yung number ng room ng pag dedeliveran ko.

"1035, 1036, 1037..." Huminto ako saglit at tumingin sa susunod ng pinto. "1038, binggo!"

Nag doorbell ako ng ilang beses, pero wala pa ring lumalabas nag doorbell pa ako ng bigla itong bumakas na kinagulat ko.

YonderlyWhere stories live. Discover now