PROLOGUE

1.3K 13 2
                                    

MARIE POV

"Ate! may paayuda na naman si yormi! Halika na sa plaza at may libreng miryenda tayo!"tawag sa akin ng kababatang kapatid ko.

Kami lang dalawa sa buhay simula ng nawala si tatay iniwan ka kami ni Mama ng pinanganak niya si Lotlot. Malas daw kami sa buhay niya pero kahit ganon nagpasalamat ako sa diyos dahil may kasama ako sa buhay. Kong wala mamatay ako sa lungkot at sakit.

Nang dumating si lotlot sa buhay ko ay parang may bagong pag-asa ako na bumangon. Parang naging instant batang single mom ako. Kumayod ako ng kumayod. Isa akong masahista. Maliit ang sweldo lalo na ngayon patapos na ang pandemic ay talagang super dalang makita ang pera. Kakasimula lang ng bago. Ang hirap ng buhay ngayon kaya umaasa na lamang muna kami sa ayuda ni mayor.

At ang swerte naman ng syudad namin at siya ang aming Mayor. Hindi ko pa siya nakikita sa personal dahil ang laki ng Bacolod pero sa mga poster oo, ang pogi nga eh. Bagay na hindi para sa akin.

"Oh Marie, halika na. Aba't may grasya na naman tayo."Masayang wika ng kapitbahay namin na si sherly.

Pagdating namin sa gym ng purok namin ay puno ng puno ang mga tao. Umiiwas na muna ako makihalubilo sa iba kahit na tapos na ang pandemic. Hindi mo hawak ang tadhana at virus, mahirap na.

Nakalinya lang kami ng kapatid ko. Nakamasid sa mga taong Masayang masaya. Ano kaya sa pakiramdam na hindi na tumitingin sa presyo ng kong ano ano kong bibilhin. Ano kaya ang sa pakiramdam na hindi na nagpro-problema sa pagkain.

Halos ilang minuto kami nakalinya doon hanggang sa kami na.

"Marie, may trabaho kaba? Naghahanap si Mayor ng tagalaba bawat Sabado at linggo. Ano payag ka?" Tanong ni Aling bebang kapitbahay ko din ito at nagtra-trabaho sa Mayor. Tumango tango agad ako.

"Sige po, basta pwede lang dalhin si Lotlot." tumango ito sabay alis napunta sa kinauupuan ng mga lalaki. Nakita ko na kinausap ninya ang isang poging lalaki at sabay na tumingin sa direksyon ko kaya napaiwas agad ako.

"Maraming salamat po."sinakop ko ang mga binigay sa akin. Isang buong manok. SAMpung kilong bigas at relief goods. May mga meryenda at candy din para sa mga bata. Masayang masaya si Lotlot.

"Ate pagmayaman na tayo, bibili din tayo non!"masiglang sambit nito sabay turo sa sobrang ganda ng sasakyan. Pumasok doon ang lalaking pogi na kausap ni Aling bebang.

"Marie, Sabado ngayon. Punta ka daw sa sasakyan na 'yan. Ngayon mismo ka na magsisimula. Siya na daw nagsasabi kong magkano ang sweldo. Pero para sa akin malaki 'yan dahil galente si Yormi. Nako, at saka single 'yan. Single ka din. Bagay kayo."sabi nito sabay tawa.

"Wala munang bagay kay Ate, aling bebang! baka kasi kong may mahal na si Ate, papabayaan ninya na ako."mahina sila ng kapatid ko. Lumuhod ako sa harap ninya.

"Ano kaba, siyempre hindi magagawa ni ate 'yon. Mahal na mahal ko kaya ang kapatid ko na ubod ng bait at kulot."buro ko sabay gigil sa pisngi ninya kaya napahagikhik ito at hinalikan ako sa pisngi. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Sabay kaming pumunta sa sasakyan na sabi ni Aling bebang. Pinaliwanag ko kay Lotlot kong ano ang gahawin namin. Gusto ninya din daw tumulong.

Pinasakay kami ng bodyguard ng Mayor at tahimik lang kami ni Lotlot. Binati namin si Mayor ng magandang araw. Si Lotlot naman ay nakatulala pa rin sa kanya.

"Ate, bagay nga kayo."anito kaya tinakpan ko ang bunganga nito at tumingin lay mayor na nahihiya. Nakatingin din ito sa amin.

"Hi po, ako Marie."hindi ko na alam kong ano ang sunod kong sasabihin.

"I'm Mayor Xavier Sean Heartstone, glad to meet you. Your salary will range to 10-20k pesos in every weekends. I'll be the one who will give this. All you have to do is wash my clothes. Only my clothes. If you have a problem with the salary you can tell me. Deal or No deal?"kumapit ng mahigpit si Lotlot sa akin. Kahit walang ginawa si Mayor ay parang nakakatakot ang bsoes nito. It scream authority and powerful.

"Deal po."mas malaki pa ang sweldo ko dito kaysa sa pagiging masahista ko.

Pagkadating may maid na mag-aalalay sa amin.

“Dito ka lang Lotlot ha, mag-uumpisa na ako. wag lang makulit o kong ano at saka Lalo't Lalo na wag lang papasok don. Maraming mamahaling babasagin don nako, baka buong buhay tayo hindi makakaraos non.”pagsasalita ko sabay pamewang. Tinitignan ang mga labahin. Hindi na kumibo si Lotlot kaya nilingon ko ito. Napaawang naman ang baba ko.

“Aba't nilayasan ako.”Hindi sa nagrereklamo ako pero ang unti lang pala ng mga labahin tapos sweldo ko pa 10 thousands. Parang too good to be true pero swerte ko naman.

Hiniwalay ko ang mga de color at mga puti. May nadukot ako. Tinaas ko ito at ininat. Napangiwi ako, Ben ten brief ito mukhang kasize ni mayor. Halos napatawa ako, sa sobrang gwapo ang lamig nito may tinatagong ganito pala.

Inumpisahan ko at hindi naman ako nahirapan dahil may washing machine. May dryer nga pero hindi ako marunong. Busy din ang mga katulong nakakahiya naman magtanong.

Kaya sinabit ko nalang sa sampayan sa likod. Nang natapos na papasok na ako kasi kukuhain ko na ang sweldo ko kay sir tapos lalarga na kami ni Lotlot.

Nadatnan ko so Lotlot at mayor masayang kumakain sa dining area. Ang rungis rungis ni Lotlot dahil sa chocolate cake na mamatsahan na din ang puting polo ni mayor.

“Lotlot ano kaba nakakahiya kay mayor.”tinaas pa ni Lotlot ang chocolate cake na kinakain niya.

"Ate binigyan ako ng treats ni Mayor kasi mabait daw ako!"maligayang balita ni Lotlot. Lumapit ako sa kanila.

"Salamat mayor."tumango ito sa akin sabay ngiti. Halos malusaw ako sa ngiti nito. Nakakalaglag ng panga at panty.

"Your welcome Mi Amor, and by the way your salary is here. As a starting pay I add ten thousands so basically it's twenty thousands. Thank you for coming."napaawang naman ang bibig ko. At talagang iwawaldas niya ang pera para sa iilang damit na pinalaba niya.

"sobrang sobrang naman po 'yon pero salamat mayor at saka nga pala, Ano po ang Mi Amor?"nginisihan lang siya ng lalaki.

"Ito na sweldo ate! May ipangbibili na din ako ng school supplies at barbie school bag. Ang may gulong. Naiingit na naman si kulot nito."mayabang na wika nito kaya nihihiya naman akong nakatingin sa kay mayor.

Aliw lang itong nakatingin kay Lotlot.

"You can take home all of that."

"Talaga po? Jusko busog ngipin ko nito."nangingislap ang mga mata ng kapatid ko.

"Sige alis na po kami, salamat po ulit. Babalik na lang po ulit kami dito bukas."

"if you mind can I drive you two home?"paghihingi nito ng permiso.

"Nakakahiya na talaga mayor, sobra sobra na ang tulong mo po sa aming kapatid."

"Hindi mo ako dapat itanaw ng utang na loob ito."pilit na tumagalog si mayor kahit na hindi naman hindi ito sanay. Nagiging cute lang ito sa paningin ko.

Sa huli ay hinatid kami ni mayor. Pinasok niya talaga sa looban. Kaya pinagtitinginan kami, pero masyadong pagod si Marie para intindihin 'yon. At saka iwas issue na din dapat siya, baka biglang sunugin sila dito ng mga kababaihan sa selos.

Mayor's secret lover Where stories live. Discover now