PROLOGUE

5 1 0
                                    

Hindi ko na kaya 'to, i keep making effort while him? Pakasarap sa buhay niya.

"Let's stop this," i said while holding his hand, alam kung msakit 'to pero if we keep doing this relationship masisira lang din ako.

"What?" ani niya sakin habang nakaupo sa waiting area ng bus.

"I said lets stop this, itigil na natin 'to" saad ko. Hindi ko na pinansin ang mag taong umaaligid sa amin, gusto ko lang na mawala na siya, sakal na sakal na'ko.

Sa dalawa niyang mata ay conpirmadong nagulantang siya sa sinabi ko at agad siyang napatayo.

Agad niyang kinalabit ang kanyang kamay sa pulso ko at ----

Hindi ako makapitlag dahil ang lakas-lakas niya. Tulak niya akong pinapaupo sa kama at lakas na sinara ang pinto.

"Diyan ka magaling" sabi niya. "Sa pagpapanggap!" sigaw niya para mapatayo ako pero agad niya akong tinulak pabalik sa kama dahilan para mapaupo ulit ako.

"You keep lying, Kaila!" ngayon ay napahimas na siya sa kanyang sintido.

"Ganyan ka palagi, kaya walang gusto magpa-partner sayo 'e!"  sigaw niya ulit para mas lalo akong nanlumo.

"Sobra ka 'na ah" sabk ko para mapatingin siya sa'kin.

Agad kong ginamit ang pagkakataon para makatakas nang tinignan niya 'ko pero naphinto ako ng biglaan niyang kinuha ang pulso ko at halos mapisa ang mga kamay ko dahil sa lakas ng puwersa niya.

"Sit down!" sigaw niya. "Pero—" putol kong sabi dahil inunahan niya na 'ko na ngayon ay  siyang sumi-sigaw na niya.

"Stay here!" sigaw niya ulit para mapahinto siya pumunta sa isang sulok. Sa pagkataon na 'to ay agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit kung natalbog dahil sa paglakas ng tulak niya sa'kin.

"Sinisisi mo pa ako, ikaw nga yung sumusunod," saad ko habang abala na pinupulot yung mga gamit.

I stop. "At isa pa hindi ako nagpapanggap, alam mo 'yan" bigla siyang napalingon at napatingin sa'kin.

"We have a deal, itatak mo 'yan kung pera na sa pera. Hindi ako tatanggi pero kung ganito lang din naman yung aabutin ko...sana di nalang ako tumanggap sa deal mo" saad ko dahilan para mapatahimik kami sa loob.

"Really?" saad niya. "Really 'yan yung mga rason kaya tumanggap ka sa 'deal' natin na hindi naman na buo" saad niya para sarkastiko siyang tumawa ulit.

"Ito" agad siyang pumunta sa harap ko at inabutan ng card. "Kung ganyan ka rin naman, ito pera, diba pera naman yung kailangan mo?" tanong niya at agad na inilahad ang atm card niya.

Yung inis ko kanina ay nawala at ngayon  galit na yung pinalit. "No" saad ko at agad na binalik ang card na nasa kamay ko kanina.

"Wow! Di mo tatanggapin?" tanong para mapa-iling ako. "Parang ang sama ko 'no kapag sasabihin kong napaka-bobeta mo, you know the risk pero pinatulan mo parin si jereck? Oo. Siya, ala—" agad ko siyang pinutol, ang sakit ng mga binabato niyang mga salita.

"Oo siya!" ganti kong sigaw sa kanya para mapatahimik siya at mapatigas sa akanyang tinatayuan.

"Kung hindi dahil sakanya di 'ko mahanap yung tunay na mahal, hindi tulad mo! Isang lalaki na ang hanap lang naman ay para gamitin ako!" saad ko at agad na lumbas dala yung mga pinulot kung gamit kanina.

"CUT!" sigaw ng direktor para mapangisi ako, napakamaraming pagkakataon na halos maburn-out ako sa mga ganitong eksena pero sa awa ni bathala kinaya parin at di kinapos sa luha.

"Janna" agad siyang lumapit sa'kin at agad na pinahiran ng panyo ang aking mga mukha. "Good mood ka ya'ta ah" simple niyang ibinigay ang isang water bottle na bukas.

"Nambobola ka na naman, girly" tawa ko para mapatawa din siya.

"Second Set!" sigaw ng assistant direktor

Agad naman akong pumewesto sa ina-sign ng assistant deriktor sa'kin.

"Hey, date me"

Napahinto ako at napatingin sakanya.

"Segi, pero sa isang kondisyon" hina kong saad pero dinig parin niya ang boses ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at inopen ang "Roll Wheel"

Ngumiti ako bago siya tignan.

"Let me just use this" saad ko at unti-unting binuo ang tatlo kong choices na para lang sa buhay ko, the—

Yes.

Maybe.

No.

****

PAALALA:

Lahat ng pangalan ng mga karakter, pangyayari sa loob ng nobela, at lugar kung saan naganap ang mga nais na pangyayari ay isang gawa ng aking imahinasyon.

Tunay na imahinasyon lamang ang mga pangyayari na maaring magtutugma sa tunay na buhay na tao. Ang isang patay o isang malagim na pangyayari sa libro na nagkatugma sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinadya ng aking mga braincells.

Sa pagbabahagi ng kuwentong ito anumang paraan ng platform (halimbawa—facebook, instagram, tiktok), dapat ipaalam muna sa'kin. Tandaan ang Pagpla-plagiarism ay isang hindi ka-aya-ayang na gawain na pwede mahantong sa krimen at kulungan.

Ang kwentong ito ay General Fiction Genre, base sa aking pananaliksik ang genre na ito ay naglalaman ng mga isa hanggang lima na genre (hal. sci-fi, romance, comedy, drama) ika nga 'catch all term'.

Sa kwentong ito, sabay-sabay natin pasukin ang masukal na dahilan kung bakit nga ba wala ng pakialam si Janna sa lahat pa'ti ang kanyang buhay sa lovelife at career sa loob ng showbiz.

At ating ugkatin ang tunay na dahilan kung bakit isinalalay niya ang kanyang buhay sa tatlong pagpipiliang salita.

Happy reading at salamat dahil pinili mo ang aking nilikhang akda para iyong basahin at paglaan ng ilang minuto, oras, at araw.

Every Saturday will be ud for this story! - TheMysterialBoy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yes...Maybe...No, JannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon