17

168 9 0
                                    


"What's your plan for your birthday babe,..or where do you want to go"

"Hmm, simpleng salo salo lang,..okay na ako makasama ko lang yung mga taong mahal ko na masaya okay na yun,....diko rin naman gusto ng engranding celebration..." Kaya tumango lang siya habang sinu-suklay niya yung buhok ko  gamit ang kamay niya

Wala naman akong planong gawin sa birthday ko,....kaya simpleng salo salo  okay na ako di naman ako katulad sa iba na ipa-landakan sa buong mundo na engrande yung celebration nila,....



Pinagpatuloy lang ni  Rainer yung pag-suklay ng buhok ko hanggang sa makatulog ako,.... kinabukasan pag-gising ko  wala na si Rainer sa tabi ko, dahil maagang pumunta sa site nila,...bumangon nalang rin ako para mag-ayos






"Anong plano mo,.. malapit na yung birthday mo ilang weeks  nalang" yun agad ang bungad ni kyline sa akin ng makapasok ako at maka-upo sa upuan ko

"Wala,.... kunting salo salo lang kasama kayo nila mommy  okay na yun,...di na ako bata para sa mga bunggang birthday"

"Anong sabi naman ni Rainer?"

"Wala tumango lang siya, sa sinabi ko na kunting salo salo lang dahil diko naman gusto ng engranding celebration"

"Ayuko  na rin  abalahin si Rainer dahil pagod na yun sa internship niya,...mas mahalaga yun"

"Eh wala namang mas mahalaga kay Rainer kundi ikaw, kaya I'm sure nag-iisip na yun"

Habang nag hihintay ng instructor namin,.. nagsuot lang ako ng earphones at nakinig ng music,...





Nang pumasok na yung instructor namin sa architectural theory,.  Nakinig lang kami at gumawa ng plates na pinagawa niya as our activity for today ganon lang din sa ibang subjects

Malapit na ang finals namin kaya busy na kaming lahat,.....as usual para mapasa namin sa deadlines yung plates na pinapagawa sa amin,

"Happy birthday"

Sigaw ni kyline nang makapasok siya sa condo kaka-uwi lang galing sa date sa bago niyang lalaki,....

hmm halatang nakaka move on na siya sa ex niya hah!... sabagay  matagal na rin yun kaya dapat lang na magmove on na siya

"Bukas  pa kaya ang birthday ko,...."

"Mas maganda na maaga akong makabati, ayukong maunahan ni Rainer,..kaya inunahan ko na siya" napailing nalang ako sa sinabi niya

"Sira,...pati ba naman kay Rainer magseselos ka kapag na unahan ka niyang bumati,"

"Oo naman simula nong naging kayo,..inagawan niya na ako ng spot diyan sa buhay mo no"

"Iwan ko sayo,...pero thank you..... kahit naman sino pa ang mauna sa inyong bumati,... Pareho ko parin kayong mahal,..dahil pareho kayo naging parte na ng buhay ko"

"Ahhhhhhh na touch ako" .... she act  as if,...  want to cry because of what I've said

"Silly" kaya inirapan niya ako at binigay sa akin ang milk tea na binili niya galing starbucks

"Wow, maypa Starbucks yern" panunukso ko at kinuha yun sa kamay niya,... nagbihis lang siya saglit at sumunod rin sa akin para gawin rin yung plates niya

"Oh kumusta naman ang meet up niyong dalawa,...pogi ba yung bago mong boylet?

"Pogi naman,..pero nahihirapan akong makipag usap  English speaking girl, mabuti nalang di ako hinimatay sa harap niya"

"Sos kala mo naman di marunong mag English to"

Pagkatapos ng ginagawa namin niligpit na namin yung mga materials,..at pumasok na sa kanya kanya naming kwarto para makatulog na,....

Pain of the Past (Completed)Where stories live. Discover now