12

199 8 0
                                    


From:Z
Gising kapa?

To:Z
...yeah, still doing my plates,...ikaw?"

From:Z
Kakatapos lang mag-aral..Sige na tapusin mo na yang plates mo para makapagpahinga Ka na..

Love you 😘

To:Z

Love you too babe.. gudnyt❤️

tinapos kulang ang plates ko ,...and I just do my skin care night routine , ng makatulog na ng maaga

Kinabukasan maaga na naman akong gumising, para magprepare ng makapasok ng maaga dahil baka ma traffic  pa kami

"Hi babe" bungad ni Rainer ng makalabas ako ng sasakyan at  kinuha yung ibang gamit ko para tulungan akong dalhin,

"Hi babe morning, kanina kapa?" Sabay na kaming pumasok, di ko naka sabay si kyline dahil medyo malalate daw siya, dahil late na siyang nagising

"Sakto lang" he said while we headed to my classroom

"Puntahan kita ulit dito sa classroom  niyo mamaya, sabay na tayong kumain ng lunch" sabi niya at nilagay na yung mga gamit ko sa upuan, at yung mga ka klase ko   naman kinikilig at na nunukso pa,

"Thank you,....,"...and I'll just send you a message if unang matapos ang klase namin" sabi ko " see you babe"

"Sige alis na ako, see you"

Nakinig lang kami sa klase at nag-antay mag ring ang bell hudayat para sa lunch time

"San ka mag la-lunch girl"

Nagtext lang ako kay Rainer na kakatapos lang ng klase  namin, pagkatapos binalik ko na sa bag ko ang cellphone at inayos ang gamit ko

"Sabay daw kami ni Rainer, diko alam kung saan sama ka?"

"Naku di na, date niyo iyon, at nag text rin si Josh kanina na sabay daw kaming mag lunch ngayon" tukoy niya sa  boyfriend niya kaya tumango nalang ako

hinintay ko lang si Rainer, dahil di pa daw tapos yung klase nila sa  Geology

"Girl mauna na ako parating na daw si josh, bye" I smile to her as my answer,

Masaya ako para sa kanila, kung saan masaya yung kaibigan ko susuportahan ko siya,...as long as di  makakasira  ang lalaki niya sa pag-aaral niya

"Hi babe, pasensya na, medyo natagalan" hingal niyang sabi  sa akin ng  makalapit siya

"Hey..relax its okay...di naman kita kakaining buhay  dahil na late ka, I'm not like that" I said to assure him  na okay lang " lets go,..." nakangiting sabi ko

"Which do you want to eat" tanong niya sa akin ng makalabas na kami ng campus, mataas pa naman yung oras namin dahil two pm pa yung klase namin

"Hmm conception street tayo, don sa thai cuisine medyo malapit  lang  naman yun dito"

Nagmaneho lang si Rainer patungong conception street, nang makarating kami dumiretso na kami sa thai cuisine restau sinabi kulang kay Rainer ang order ko......at  siya narin ang   nag sabi sa waiter kung anong order namin

Nag-uusap lang kami ng kung ano-ano habang nag-aantay ng order namin, at itong si Rainer kanina pa ako pinipikon,chezzz!...at mas natatawa pa siya kapag nakitang effective yung pang-iinis niya,..... mabuti nalang talaga at dumating na yung order namin kaya natahimik na siya

I just order fried chicken krapaw and strawberry shake  for my drinks, at kay Rainer naman is  chicken satay at watermelon shake naman for his drinks

Nagpahinga lang kami saglit at bumalik na sa  school ,.... hinatid lang ako ni Rainer sa classroom bago siya pumasok sa klase nila

"Thank you babe..... love you " Yun nalang yung sinabi ko at pumunta na sa upuan ko

At ito na naman ang mga ka klase ko, nanunukso na naman sila ng makitang hinatid ako ni Rainer sa classroom,..chezz

"Ayy taray may pahatid na si boylet hah!...noon dumadaan lang yan dito para magpapansin sayo,..pero ngayon pumupunta na  siya  dito dahil ihahatid at sinusundo ka na,... sanaol" chismosang  panunukso ni kyline sa akin ng maka-upo na ako

Gumawa lang kami ng plates para sa graphics design  habang busy kami lahat sa paggawa ito naman si kyline kanina pa naka busangot habang gumagawa ng plates, halatang kanina pa  naiinis  dahil kay Mr.Cruz na kanina pa sinasabi kung ilang minutes nalang at dapat tapos na namin yung ginagawa namin

"Times up, finished or not finished pass your plates"

Kaya nagsitayuan kami  para mapasa yung ginagawa namin, pagkatapos niligpit ko na yung ibang gamit para maka-uwi na,

"Kainis talaga ang gurang na yun, palagi nalang  niyang ginagawa yun kapag magpapagawa siya ng plates, tsk! ayan tuloy di ako satisfied sa gawa ko"

"It's okay, the important thing is..... you finished your plates on time"

"Hi Josh" dagdag ko nang makita kung nakatayo siya sa pintuan ng classroom namin,.. ngumiti lang siya at lumapit kay kyline at tinulungan magdala ng gamit ang kaibigan ko

"Girl dina kita masasamahan sa waiting shed sa pag-antay kay manong Levi" sabi niya

" Oh it's okay, Sige na  go na" sabi ko ng nakangiti...." Bye enjoy your date lovebirds " I added kaya napangiti silang dalawa

Diko na tenext si Rainer na tapos na yung klase ko ....at  nag-aantay for manong Levi here in waiting shed..dahil baka  nasa klase pa yun  ayuko namang maka isturbo

"Hey where are you, dumaan ako sa classroom niyo wala ng tao" nag-aalalang tanong ni Rainer ng tumawag siya

"Babe relax, I'm already here in waiting shed,. waiting for manong Levi"

"Okay papunta na ako" sabi niya  at binaba na  ang tawag,...

"Babe!"

"Hi babe...I'm sorry if I got you worried, I didn't send you a message dahil baka nasa klase kapa"

"Babe, puyde muna man akong e text, ..at dika isturbo sa akin, kahit nasa klase or saan pa ako babasahin at babasahin ko ang message mo, basta galing sayo, at para rin di ako mag-aalala"

"I'm sorry, babe ... promised I wont do that again,.. I'm sorry " sabi ko dahil halatang nag-aalala na talaga siya

"Lika  nga dito" he said, and open his arms so that he can hug me

"I love you.."

"I love you babe..." Sagot niya at niyakap pa ako ng mahigpit "lets go,..ako na  ang maghahatid sayo" dagdag niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan

"Thank you".. I said when I get inside the car..and I just text to manong levi,... na di na ako magpapasundo dahil  si Rainer  na ang maghahatid sa akin pauwi

"I'm home" bungad ko ng makapasok na kami ni Rainer sa bahay

"Hi sweetheart" bati ni mommy at lumaki yung ngiti niya ng makitang kasama ko si Rainer " iho  hi....

" Magandang gabi po tita" bati ni Rainer kay mommy

"ma-upo ka muna at dito ka narin maghapunan" masayang sabi  ni mommy at dinala si Rainer sa living area

Nag shower lang ako saglit at nagbihis ng highwaist shorts at oversized brown shirt, at bumaba na ulit para puntahan si Rainer sa living area

"Hey are you Okay?"

"Oo medyo kinakabahan lang ako kapag nakikita yung mommy at daddy mo" paliwanag niya sabay kamot sa ulo niya

"Oh come on, dika naman kakainin nila mommy na buhay, nakausap muna kaya sila mommy noon, at kinakabahan ka parin".......ganon lang talaga si mommy kapag gusto niya ang tao, masyadong maalaga at madaldal yan sabayan mo nalang" natatawang sabi ko kaya tumawa narin siya















___________________________________________________________________________________________________________________________________________
Thank you for reading 😊❣️ Please vote and comment if you liked the story or if you have any suggestions.


Pain of the Past (Completed)Where stories live. Discover now