16

194 11 0
                                    


Many birthdays, Christmas, new years, valentines have passed,heto kami ni Rainer celebrating  our  two years in love

Minsan lang rin kami magkasama ni Rainer dahil busy na siya sa internship niya,pero di naman niya nakakalimutang e update ako kung ano yung ginagawa niya, kung nasa site paba sila....

Minsan nagtatampo ako dahil wala na siyang oras para sa akin sa relasyon namin,...pero di naman ako selfish para magalit sa kanya ng dahil lang don,...

Mahal ko siya,....at susuportahan ko siya sa mga  pangarap niya,...

"Hayyy two years left maging Isa na tayong professional na architect,balang araw tayo naman ang may hahawakan na malaking projects"

Nakangiting sabi ni kyline habang tinapos yung plates namin  para sa final exam namin

"Yes two years left, at tayo naman ang magiging magaling na architect"

"Mabuti naman pinayagan kana nila tito magcondo simula ng mag third tayo"

"Ehh alam kasi nila na mas marami ng oras ang kakailanganin natin, para sa plates natin, at simula nong nakulong yung pumatay kay Mayor Santiago,..di narin sila nakakatanggap ng Threats galing sa rivals nila" paliwanag ko sa kaniya habang gumagawa rin ng plates ko

Kinuha kulang yung cellphone ko sa kwarto para magpadeliver  ng pagkain namin, dahil tinatamad na kami ni kyline magluto,..at madami pa kaming tatapusin sa plates namin

"Girl wag ka ng  magpadeliver, dahil andito na  ang delivery boy may dalang pagkain"

Sigaw ni kyline na andon sa sala,ano naman kayang pakulo ng sira ulo kung kaibigan..

"Gutom na ako kyline, at tinatamad na akong magluto" reklamo ko habang papuntang sala na pumili ng e-oorder kung pagkain "at sino namang delivery boy ang sinasabi mo eh di panga ako naka order oh" pakita ko sa  hawak kung cellphone

"Wag ka ng mag order babe, kumain nalang kayo" napatingin ako sa kusina kung saan nanggaling yung boses " babe,...bat dika nagsabi napupunta Ka dito?"

"Deadbat yung cellphone ko kaya di ako naka text,... kumain na muna kayo..."

Sabi niya at nakahanda na yung dala niyang pagkain sa lamesa,nag thank you lang ako sa kanya at naupo na dahil gutom na talaga yung mga alaga ko sa tiyan

......ito namang si kyline malaki na naman ang ngiti dahil nalibre na naman ang pagkain niya,....chezz paglibre talaga wala tong inu-urongan,...

"Hows your day babe?"..

"Hmm okay naman, medyo masungit lang yung head engineer namin kaya minsan napapagalitan kami".... paliwanag niya habang kumakain

"Oh! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko para sa kanya, siguro masyado na silang pinapagod ng bago nilang head....at dumaan pa siya dito para dalhan ako ng pagkain

"Oo naman, okay lang babe....ganon talaga kapag  intern kapa,.... sinusungitan ka ng boss lalo na kapag  napapansin nila na magaling kapa kaysa sa Kanila"

Diko alam...pero feeling ko napagalitan  na naman siya ng boss nila,...kumain nalang kami at kakausapin ko nalang siya pagkatapos,

"Dito kana lang muna kaya matutulog,.. para makapagpahinga ka na..may damit kapa naman don sa closet ko...dahil medyo late narin"....sabi ko pagkatapos naming kumain at niligpit yung pinagkainan namin...."babe can we talk"....tumango naman siya kaya pumunta muna kami sa labas ng condo

"May gusto kabang sabihin babe"... Nagtatakang tanong niya

"Napagsalitaan kaba ng boss niyo ng masakit na salita,....."

"Wag kang mag-aalala okay lang naman ako.." nakangiting sabi niya at hinawakan yung kamay ko

"Sigurado ka...., feeling ko kasi dika talaga okay eh....puyde mo naman kasing sabihin sa akin ng Maka usap ko yung boss niyong masungit"

"O.. tingnan mo...kaya diko gustong sabihin sayo dahil ikaw yung sasabog sa inis,...okay lang talaga ako babe,... andito kana sa harap ko kaya okay na Ako....I love you" at niyakap niya ako ng mahigpit

Pagkatapos  bumalik na kami sa loob para tapusin yung plates, ...

Nag skin care lang ako saglit at tumabi na sa kanya sa pagtulog,...di na bago sa amin to dahil...we even made love together,..sinasabi kung wag niya mona akong buntisin dahil may mga pangarap pa ako,.. lagot ako kila mommy kapag nalaman nilang  natutulog na kami sa iisang  kama ni Rainer

Di nga alam nila mommy na minsan don ako umu-uwi sa condo Rainer at natutulog sa isang kama,..alam kung mali pero mahal namin ang isat-isat,...mahal ko siya

Kinabukasan maaga kaming nagising dahil may pasok pa kami,...naligo lang ako at nagsuot ng uniform, plinantsa ko narin ang susuotin ni Rainer habang naliligo siya, pagkatapos naghanda lang kami ni kyline ng umagahan at nagtimpla narin ako ng kape para kay Rainer

Pagkatapos naming kumain nauna ng pumasok si kyline, at hinatid narin ako ni Rainer bago siya dumiretso sa site kung saan sila na asign ngayon

Nakinig at ginawa lang namin ang school activity namin sa bawat subjects, at ng uwian na sumabay na ako kay Kyline pa-uwi, nag take out narin kami ng Macdo ng  makadaan kami  para di na kami makapagluto pag-uwi ng condo

Nagtext narin si Rainer sa akin na kakauwi niya lang din kaya pagkatapos ko siyang replyan, nagcharge lang ako at sumunod na kay Kyline sa kusina para kumain

"Sanaol talaga kayo ni Rainer, girl  stay strong baka naman  sa susunod na Araw magising nalang ako at magpapakasal na kayo"

"Gaga,...may mga pangarap pa kami kaya saka na yang kasal kasal na yan kapag pareho na kaming successful dalawa"

"Hmm kalukuhan, kulang nalang kaya tumira na kayo sa iisang bobong diyan sa style niyo minsan don ka na nga umu-uwi sa condo niya kapag umu-uwi ako sa probinsiya namin,....."

"Sira!  eh ano naman,...wala pa naman sa isip namin yang kasal,... darating din yan pero dipa ngayon Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay"

"At sana wag niyong kalimutan gumamit ng protection, lalo nat natutulog na kayo sa iisang kama...yung peels  mo wag mong kalimutan dahil baka wala sa oras at mabutis kapa"

"Kung di kaya kami naghiwalay ni josh,... katulad rin kaya kami sa inyo na masaya, at nabubuhay lang sa pagmamahal ng isat-isat"... malungkot na sambit niya kaya naawa ako sa kanya,... halatang dipa siya nakaka move on sa kanila

Bakit naman kasi nauwi sa ganon, pati ako di inisip na maghihiwalay silang dalawa dahil subrang compatible talaga nila sa isat Isa,...kung mangyayari kaya sa amin yun ni Rainer kaya ko kaya,....lalo na ngayon na  sakanya lang umiikot yung mundo ko, at nasanay na kami sa isat Isa....

"Oh ano na naman yang iniisip mo ang lalim girl malulunod na Ako" daldal niya kaya naputol yung pag-iisip ko

"Ahh wala,..."

"Sinungaling Ka girl,....anong wala eh sa lalim ng iniisip mong yan sasabihin mong wala"

"Iniisip ko lang kasi na...pano kaya kapag dumating yung oras na matulad kami sa inyo ni josh?...makakaya ko kaya,..lalo nat nasanay na ako na andiyan siya palagi,....yung oras at buhay ko sa kanya lang  umiikot"

"Wag mo ngang sabihin niyan...two years na kayo ni Rainer malabo ng mangyari yan.. dahil sa nakikita ko ....kung gaano mo kamahal si Rainer mas mahal kapa niya higit sa pagmamahal mo... kulang na ngalang buntisin ka niya  para may mas panghahawakan pa siya,..na para kahit anong mangyari   di kayo maghihiwalay

"At kung mangyari sa inyo ang nangyari sa amin ni josh,....di na talaga ako maniniwala sa true love,..dahil kayo yung  description  ko sa love eh"...dagdag niya pa

Oo tama si kyline di mangyayari sa amin ni Rainer ang nangyari sa kanila,..at di namin hahayaang mangyayari yun, masyado naming mahal ang isat-isat kaya impossible na mangyari sa amin yun














______________________________________________________________________________________________________________________________________

Thank you for reading 😊❣️ Please vote and comment if you liked the story or if you have any suggestions.

Pain of the Past (Completed)Where stories live. Discover now