Prologue

24 3 1
                                    

"Ace, ano na? Hindi kapa ba babangon jan?" bulyaw ng ate ko.

"Inaantok pa ako Allysa!" inaantok na saad ko.

Ngayong araw kase gaganapin ang ribbon cutting ng panibagong kompanya ng ate ko at dadalo daw lahat ng mga magagaling na businessman at businesswoman.

"Aba't napakabastos mong bata ka ah!" ayan, napagalit na naman natin ang tigre.

"ACE CRAIXE ABIDALVE RAMIREZ!" napatayo ako sa sigaw ng ugok na ate ko. Nagalit ko ata ang bruha. Patay.

Kamot-kamot ko ang aking mata na bumangon at bumungad sa akin ang mukha ng aking nakabusangot na kapatid.

Napahiyaw naman ako. Kunwari natatakot pero siyempre kelangan nating mag akting akting. Tignan natin kung sino ang di matatamaan ng walis tingting Ace.

"Ahhhhhh" hiyaw ko at medyo nagulat ata siya kaya napa hiyaw na rin siya.

"ACE!!!!" Malakas na sigaw ang lumabas sa kaniyang bibig. Natatawa akong tumitig sa kaniya.

"Anong ngiti ngiti mo jan ah?" naglakad siya palayo sa akin at alam ko na kung saan papatungo ang aking bruhitang kapatid.

Tumayo ako at mabilis na lumabas sa aking silid. Nagtungo agad ako sa aming kusina at nadatnan ko si Manang Rose na naghahanda ng pagkain.

"Anong kakainin natin aling rose?" tanong ko.

Sasagot na sana siya ng marining namin ang sigaw ni ate.

"Aceeee! Ikaw talagang ugok ka!" Patay.

Pumasok ang ate kong bruhita sa kusina bitbit ang sandata niya. Walis tengteng.

Lagot Ace.

"Ate? The food is readyyyy!" parang wala lang na saad ko. Kahit na natatakot ako. Lalo na at dala niya ang walis tingting nayan.

Naaalala ko noong college kami, pinalo niya ako ng walis tingting halos mapilay na noon ako. Natamaan kase colar bone ko este buto sa paa. Hehe. Hindi ako pumasok ng 3 linggo para makarecover  kaya siya gumawa mga activities ko. Tssk deserve niya yun HAHA.

"Halika nga rito!" naiinis niyang sigaw.

Lumapit naman ako ng painosente at akmang yayakapin na siya ng ipinalo niya sa akin ang walis tingting.  Deserve Ace.

"ARAYYY!" Tumalon talon ako sa sakit. Yung bolang kristal ko kase natamaan niya. Tinakpan ko ito sa sobrang sakit at napatalon talon.

"Ayos kalang?" ehhh. Ayos mo mukha mo. Pagkatapos mong paluin ang junior ko ng walis tingting may pa concern kapang nalalaman.

"Babaugin moba ako ate! Hooo!"

"Tssk. Maganda yan. Kumain ka na nga. Malapit na yung ribbon cutting" parang  walang sagot niya.

Akala ba niya ganon lang yun? Makakahiganti rin ako sayo. Tskk.

"Alam ko ang mga tingin na yan Ace. Huwag mong itutuloy ang binabalak mo kung ayaw mong tuluyan kitang babaugin." nabasa mo ate?. Lohhh.

"Di wala ng magdadala ng kagwapuhan sa mundo!"

"Tssk." umupo na siya at nagsimula na siyang kumain.

Makakaganti rin ako. Grrrrrhhhh

*******

Nandito na kami dito sa bagong tayong kompanya ng ate ko. Isa itong 'Investment Company'. Malaki ang pondo na inipon ni ate para lang mapatayo ang kompanya nito. Katuwang niya ang kanyang nobyo na si Kuya Hades.

"Ate walang bang chix dito?" bulong ko sa ate ko. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa harap ng ribbon na puputulin.

"Arayyy!" napasimangot ako sa kurot ni ate.

"Anong chix ang pinagsasabi mo ah?" nanlaki mata niya parang tarsier.

Napakunot ako ng aking noo at lumingon sa paligid. Wala namang nakmamangha. Wala akong natitipuan sa mga nandito. Tssk. Ang chachaka.

Ilang oras kaming nakatayo at dumadami na rin ang mga bisita. Puro mga businessman at businesswoman. Nakikipagkamay sila kay ate at may kaunting chikatas lalayo rin. Ipinapakilala naman ako ni Ate sa mga bisita at tanging ngiti nalang ang ginagawad ko sa kanila.

"Siyangapala Mr. and Mrs. Wong, ito po si Ace, kapatid ko." ngumiti ang dalawang may katandaan na. Ngumiti rin ko pabalik.

"Meron pala ikaw poging kapatid, bagay sila aking anak!" aniya ng matanda. Simpleng tumwa sila at ngumiti lang ako. Siguraduhin mong taste ko ang anak mo hmmm.

Nang makaalis ang mag-asawa, dumami pa ang nakikipagkuwentuhan kay ate.

"Ate matagal pa ba?" naiinip na tanong ko kay ate.

"Maghintay ka!" sungit.

"Asan CR dito? Naiihi ako!"

"Nakikita mo yun?" turo niya ang daan sa bandang kanan. "Sundin molang ang daan tas may makikita kang label ng CR" naging mabait siya boyyy.

Tumango-tango ako at sinimulang maglakad pakanan. Nakita ko ang sinabi ni ate na label kaya pumasok ako rito. Sa Male room ako pumasok. Alangan naman sa Female. Tsdk.

Ilang minuto pa ay natapos na ako sa pag-ihi. Pagkatapos kung maghugas ng kamay, lumabas na ako. At saktong liliko na sana ako ng may makabangga akong babae. Nahulog lahat ng gamit niya at tinulungan ko siyang pulutin ang mga ito.

Habang pinupulot namin ang kanyang mga gamit, napalingon ako sa kanya at woaahh, she's so gorgeous! Napakakinis niya!

SteelInkX

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Linked InWhere stories live. Discover now