Dedicated to:
@SarahAñora
************
JS PROM...
Isa sa unforgetable moment ng mga estudyante sa highschool life...
Talagang pinaghahandaan ng bawat estudyante simula sa isusoot, looks, lalo na sa paghahanap ng makaka date sa espesyal na araw na ito.
Gaya ng iba naming classmate at batchmate na Senior at mga Junior, excited din kaming magkakaibigan sa nalalapit na JS Prom.
Graduating na kami pero ngayon lang kami makaka attend ng JS Prom. Last year kasi hindi kami nakapuntang magkakaibigan.
Si Hannie namatayan ng kamag anak sa probinsya, kaya kinailangan pumunta ng buo nilang pamilya sa probinsya. Si Jenny naman tinarangkaso kaya hindi rin naka attend kahit may date naman ito. Pinilit man ni Jenny na pumunta, hindi rin ito pinayagan ng parents niya.
At ako? Hindi nakapunta dahil mas gusto kong damayan ang mga bestfriends ko kesa um attend. Hindi rin naman ako ganun mag eenjoy kung di ko sila makakasama kaya nagdesisyon akong wag na lang pumunta.
Pero ang isa pang dahilan ay... wala akong date. Walang nag aya saking maging ka date ako. Hayyyy... nakakasama man ng loob, masaklap mang isipin... ganun ee.
Hindi ko nga alam kung bakit... maganda naman daw ako, maraming nagsasabi niyan. Hindi lang daw ako maayos, at ang angas ko daw kaya....
nagpagkakamalan akong tomboy.
Masisisi ba nila ako ee yun ako ee, sa ganito ako kumportable.
Pero ok lang naman kung di ako maka attend, gaya nga ng sabi ko... hindi ako mag eenjoy kung wala ang mga bestfriends ko.
At ngayong Senior na kami... hindi na namin palalampasin ang pagkakataon na ito. Aattend kami ng JS Prom! Kahit na anong mangyari. Kailangan... dahil ilang buwan na lang magtatapos na kami. So... last chance na namin ito.
Kaya gagawin namin ang lahat para maging memorable ang Prom Night naming magkakaibigan. Hindi namin makakalimutan hanggang pagtanda. Walang sawa naming aalalahanin at iki kweto sa mga magiging anak namin.
Pero...
Yun ang akala namin... yun ang akala ko.
After that night... mas gugustuhin na lang namin kalimutan ang lahat at wag ng alalahanin pa ang nakakapangilabot na gabing iyon kahit kailan....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hoy Sara! Anyare sa'yo? San ka na nakarating? Sa classroom nila Lee? Ayyyiiiieeee!" tawag sakin ni Jenny.
Nasa tabi ko na pala si Jenny at Hannie, hindi ko man lang napansin.
Sila ang ever loyal bestfriends ko for 3 years, since 2nd year.
"Anong sabi mo!? Anong tungkol kay Lee!?" medyo napa o.a kong react. Hindi kasi na process agad ng utak ko yung sinabi niya. Ang naintindihan ko lang, binanggit ni Jenny ang name ni Lee.
"Confirm! Hindi naintindihan yung mga sinabi ko pero.... alam na si Lee ang tinatanong koooo.... Yiiiieeeeehhhhhh! Iniisip mo si Leenon Min Hooward noh!?" ani Jenny na nag snap pa ng daliri. Akala mo may natuklasang kung ano sa reaksyon niya. Kinikilig pa ang lola nyo.