Prologue

13 0 0
                                    

A/N

This is a work of
FICTION

This story contains matured content,
bad grammar, typos, strong use
of language(bad words) that are not suitable
for young readers


_______________

"

Luluwas kana papuntang Maynila, ano Lilith," boses ni Aling Mariel ang bumungad saakin nang makarating ako sa talipapa nila

"Ah opo, kailangan narin po kasi. Malala na po ang sakit ni Papa kaya kailangan ko na pong mag-trabaho para makatulong sa kanila" Sabi ko naman at kumuha ng gulay na iluluto ko mamaya.

"Salamat po" umalis kaagad ako bago makapagtanong na naman ang matanda kung anong klaseng trabaho ang kukunin ko.

Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kapos kami sa pera. Dagdag pa ang mga kaialangang gamot ni Papa at pagpa-checkup niya. Ayaw nila Mama na tumigil ako sa pag-aaral pero kinumbinsi ko sila hanggang sa pumayag.

"Bahala na kung anong trabaho ang makuha ko. Basta ang mahalaga ay makaipon ako para sa pagpapa-opera ni Papa." Buo na ang desisyon kong pumunta sa Maynila


Dumating ang araw kung kailan ako pupunta ng Maynila. Kasama ko ngayon si Mama habang naghihintay dito sa terminal ng bus.

"Mag-iingat ka doon ha. Huwag kang makipagusap sa mga estrangherong tao, lalo na sa mga lalake," pagpapaalala niya saakin. Niyakap ko naman siya

"Ma, hindi na ako bata. Tsaka kakailanganin kong makipagusap sa ibang tao para makapagtanong kung saan ang dito at diyan" ngumiti lang siya ng malungkot

"Cubao! Cubao!" Sigaw ng Isang lalake. Tumayo na kami para sumakay sa bus. Bago ako tuluyang makasakay ay hinawakan ni Mama ng mahigpit ang kamay ko

"Mag-iingat ka ha. Tawagan mo kami kung nakakuha kana ng trabaho, kumustahin mo rin kami. Sabihin mo kung hindi maganda ang pagtrato sayo at iuuwi ka namin" naiiyak niyang saad. Yinakap ko siya ng mahigpit

"Opo"

"MAYNILA!" Tumingin kaagad ako sa bintana. Ang ganda pala talaga dito sa Maynila. Ngayon lang ako nakapunta dito.

Nang huminto ang bus sa terminal ay bumaba na kami. Pagkababang-pagkababa ko palang ay puro usok na kaagad ang nasinghot ko. Naubo Nan ako doon

"Ano ba 'yan. Akala ko ba masarap langhapin ang hangin dito, mas mabango pa pala ang tae ng kalabaw sa bukid. Sinungaling sila" Reklamo ko. Dahil Isang bag lang naman ang dala ko ay hindi ako nahirapan


"Meron pa naman akong two thousand-five hundred. Sakto na ata iyon para sa gastusin ko hanggang sa makahanap ako ng trabaho,"nagpatuloy ako sa paglakad. Papunta ako ngayon sa terminal ng taxi. Magpapahatid kasi ako sa QC ba ang tawag nila doon. Mas marami daw kasing pwedeng trabaho doon na nag-ha-hire ng employees

Nagbayad ako bago bumaba. Grabe ang mahal pala ng pamasahe. Naglakad-lakad ako hanggang sa makahanap ako ng papel na nakadikit sa poste. Halatang kakalagay palang nito kaya naman na-excite kaagad ako.

Wanted:
Personal Maid

If you are interested, please
contact this number;
09*******93

Or just go to
Hacienda de Pascua Villa
and look for Mrs. Leonor Pascua

"Ay, walang ibang info about sa gagawin maliban sa pagiging Personal Maid. Pero kanino?" Tumitig muna ako sa papel "Ah bahala na, ang mahalaga may trabaho na kaagad." Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number.

Have Mercy Señorito Where stories live. Discover now