Ngayon ang unang araw kong pagsisilbihan ang gwapo kong amo. Hindi man ako nakatulog ng maigi kagabi dahil namamahay pa ako. Maaga naman akong nagising para Gawin ang dapat gawin.
Nadatnan ko si Manang Salvi na nagka-kape. Binati ko siya nang makalapit. 4am palang kasi kaya naman kaming dalawa palang ang gising.
"Ang aga mo namang magising, Hija. Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya at uminom ng kape
"Namamahay pa po kaya hindi po nakatulog ng maayos," nang sumapit ang alas-cinco ng umaga ay tsaka naman nagising ang iba pa naming kasamahan. Nag-ready naring magluto si Manang Salvi at ang iba naman ay naglinis na.
Ako naman ay napagpansyahan nang ayusin ang damit ni señorito. Nang makalapit ako sa kwarto niya ay nakita ko ang isang babae na pormal ang ayos. Ito ang secretary niya.
"Good Morning po, Ms. Devine" bati ko rito. Tumaas ang kilay niya. Mataray siyang tignan pero mabait naman
"Good Morning, too. Here is the schedule of Mr. Pascua" ibinigay niya saakin ang hawak niyang iPad. Nang tignan ko ay binalik ko ito sa kaniya at tsaka nagpaalam na pumasok
Madilim ang paligid nang pumasok ako. Siguro ay tulog pa si señorito. Dumiretso kaagad ako sa walk-in closet niya at inihanda ang damit na isusuot niya ngayong araw.
Nang matapos ay pumunta naman ako sa banyo niya para i-handa ang panligo niya at iba pa niyang gagamitin. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, napag desisyunan ko nang umalis.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto. Dahan-dahan ko ring pinihit ang doorknob. Nasa kalahati palang ako ng pagbubukas nang bigla itong sumara, dahilan para magkaroon ng maingay na ingay na nagpagulat saakin.
Nakaramdam ako ng mainit na hininga sa may batok ko. Ramdam ko na tagaktak na sa pawis ang likod at noo ko. Gusto kong maiyak at sumigaw dahil sa takot, pero hindi pwede dahil baka magising sina Donya Leonor at Don Thomas
"Who are you." Malamig at nakakapangilabot ang tono ng lalakeng nasa likod ko. Hindi patanong kundi pautos ang tono niya.
"S-señorito... Ako po ito s-si Lilith, b-bago n'yo po akong maid" nauutal kong saad. Actually pumipiyok na ako dahil sa sobrang takot na baka ano ang gawin niya saakin
"Why are you in my room? Are you going to—" Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil bigla nalang siyang napamura at umatras dahil sa pagsakit ng ulo niya
"S-señorito, ayos lang po ba kayo?" Nagaalala kong tanong. Inalalayan ko siyang umupo sa kama niya. Kinuha ko ang tubig na nakalagay sa bedside table niya
Nang maibigay ko ay ininom niya iyon sa Isang lagok lang. Habol niya ang kaniyang hininga. Natatakot man ay dahan-dahan kong hinagod ang likod niya gamit ang aking nanginginig na kamay
"Ayos na po kayo, Señorito?" Tanong ko ulit. Tumingin at tumitig lang siya saakin. Malamlam ang kaniyang kulay abo niyang mga mata.
"Señorito?" Tawag ko ulit sa kaniya. Umiling siya at bumaling sa ibang gawi
"Thanks, you can go now. I can handle myself." Tumango lang ako bago tumayo at naglakad papalabas sa kwarto niya.
Nadatnan ko ulit doon si Ms. Devine kaya naman lumapit ako
"Ms. Devine," tawag ko sa kaniya. Tumingin siya saakin at nagtanong
"May narinig po ba kayong ingay kanina?"
Nangunot ang noo niya, seems to be confused.
"Ahh, wala po. Sige Mauna na po ako" tumango lang siya bago ako umalis. It's better na hindi niya talaga narinig dahil magiging awkward iyon.
Habang naglilinis sa sala ay nakita ko ang pagbaba ni Señorito Sandro ay nakabihis na siya ng sobrang pormal na damit. Black office suit na bumagay sa kaniya, dagdag pa ang buhok niyang nakaayos hanggang likod. He's like a model. Kasunod naman niya sa likod niya si Manager Divine
Lahat kaming maid na nasa sala ay binati siya. He didn't looked at us na medyo ikina-thankful ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Tatalikod na sana ako nang biglang tawagin ni Manager Divine ang pangalan ko, syempre agad akong lumapit
"Lily, can you please assist Mr. Pascua for me this time? May importante lang akong paguusapan with Donya Leonor, is that okay?" Tumingin muna ako sa mga nagbubulungang katulong sa likod ko bago tumango. Nang magsimulang maglakad si Señorito ay saka ako sumunod
Habang naglalakad ay tahimik lang kami. Dalawang metro ang layo ko sa likod niya, syempre baka madumihan ko pa ang damit niya e halatang mamahalin pa naman.
Pinagmasdan ko nalang ang paligid. Napakaaliwalas talaga, walang ibang ingay ang maririnig maliban sa agos ng tubig sa malaking fountain. Hindi ako naka-focus sa unahan ko kaya naman nabangga ko ang likod ni Señorito na huminto pala sa paglalakad
"Hala, sorry po señorito! Hindi ko po sinasadya" tinignan ko ang kaniyang damit kung may dumi ba, nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong makita. Nakatingin parin ako sa sahig, hindi ko siya kayang tignan sa mukha at baka bumigay ang tuhod ko dahil sa angkin niyang kagwapuhan
"Can you stop using 'po' and 'opo', you're making me like I'm already old. I'm probably just a few years older than you" Doon na ako napatingin sa kaniya
"Hindi po pwede, amo ko po kayo at kailangan po magalang ang pakikitungo ko po sa inyo" I defended. He clicked his tongue
"Whatever, you can go now." May pagaalinlangan pa kung iiwan ko ba siya rito o hindi, e ang kaso naalala ko ang rules niya kaya naman dahan-dahan akong tumango at tumalikod sa kaniya naglakad papalayo
"Pwede pa ba akong mag-quit?" Tanong ko sa sarili ko bago tuluyang pumasok sa mansion