"IT'S NICE TO MEET YOU, LILITH"
Maganda. Iyan ang isang salita na ma-i-de-describe ko siya. Sopistikado ang dating niya, kababakasan sa mukha niya ang pagiging magandang dalaga noong kapanahonan niya.
Mahaba ang kaniyang straight na itim na buhok. Maputi. Kahit hindi siya magsuot ng kahit anong koloretes sa kaniyang mukha ay napakaganda niya.
Ito na ba si Donya Leonor? Tanong ko sa isip ko.
Tumayo ang babae ay pumunta sa sofa, doon siya naupo at nagsalin ng tsaa sa tasa. Ang galaw niya ay napaka-elegante
"Lilith dear, come and have a sit," Yaya niya saakin.
"Uhm okay na po ako kahit nakatayo" Pagdadahilan ko. Feeling ko kasi ay baka marumihan ang puting mamahaling sofa na ito.
"I insist. You can sit so that we can talk about your work here," I hesitated before I sat. Malambot at masarap sa pakiramdam ang sofa
"How long have you been looking for a job, dear?" Mahinhin niyang tanong. Para akong hinehele sa tuwing maririnig ang kaniyang tono
"Actually kakarating ko lang po dito sa Maynila kaninang umaga lang po. I decided na pumunta dito sa Quezon City para po maghanap ng trabaho, and coincidentally I saw this paper po" inilabas ko ang papel. Kinuha ito ni Donya Leonor at binasa.
"Then what a lucky girl you are. Kakapaskil palang nito, I'm glad you were the first to saw this," ngumiti nalang ako sa kaniya
"About sa work mo. Wala ka naman nang ibang gagawin kundi ang maging personal maid ng anak kong panganay na lalake" nakangiti parin siya habang nakatingin saakin.
"You will be by his side 24/7. Pero depende parin naman ito sa kung ano ang gusto ng anak ko" she sighed "Sana magtagal ka, and I hope that this is the last time we will look for a personal maid for him,"
"Uhm, Hindi naman po sa nangingi-alam. Pero ilang personal maids na po ba ang hi-nire niyo po para sa anak niyo?" Gusto ko lang malaman kasi malay mo hindi pala maganda ang ugali niya. Duh, mas gugustuhin ko nalang maging labandera.
"Ngayong taon lang ay 36 na ang naging maid niya, pero lahat sila ay nag-quit dahil sa ginawa ng anak ko. Ikaw ang pang-37 kaya sana naman ay hindi ka rin magaya sa mga nauna, hindi ko alam kung saan pa ako makakahanap," malungkot ang tono niya.
Hala, ano kaya ang gagawin saakin? Papatayin? I-to-torture? Or what?
Nag-o-overthink na kaagad ako. Hindi pa pwede, kailangan ko pang tulungan sina Mama at Papa. Hala!
"Ano po ba ang rason bakit kailangan po ng personal maid ni señorito?" Ito nalang ang itatawag ko sa lalakeng anak niya
"Don't be scared, okay?" Tanong niya. Lumunok ako bago dahan-dahang tumango
"My son was ill. Hindi namin alam kung bakit at ano ang dahilan, basta paguwi niya galing States ay bigla nalang siyang nagbago. " Tumango-tango lang ako
"Dinala na namin siya sa maraming doctor dito sa bansa and even overseas, but no one knows what kind of ill he has. The reason why lahat ng naging maids niya ay nag-quit is because, he would yell and hurt them physical and mental," bigla akong pinanlamigan. Naramdaman siguro ni Donya Leonor ang panginginig ng kamay ko kaya mas hinawakan niya iyon ng mariin
"But don't worry. Hindi naman niya iyon araw-araw ginagawa, minsan lang kapag sinuway mo ang kaniyang utos. So para hindi siya magalit at Gawin sa iyo iyon, you just have to follow his instructions. Okay, dear? I promise you, babayaran ka namin ng malaki," May pagaalinlangan pa. Nagtatalon ang isip ko kung tutuloy pa ba ako or aalis nalang.