Part 46: Out of Place

0 0 0
                                    

August 6, 2023 I attended a chorale practice for TSJ or Tinig San Jose. Choir siya dito sa bayan namin and marami sila to be honest, nagulat ako na ganoon sila karami doon  na singers. Kilala ko lang kasi doon 'yung mentor, tapos ibang kasama ko sa Himig Sandaang Pulo. Pero the rest, hindi na.

Ayon so um-attend ako. Nakaupo lang ako sa pinaka-dulo ng upuan, tapos nakikinig lang ako sa pag-uusap nila. Kasi wala nga akong close sa kanila. Tapos yung iba, nakakangitian ko lang tapos yung iba as in walang pakialam. Pero ayos lang. Nasundan ko naman yung ibang songs nila bago magsimula ang mass kaya naman nakakanta rin ako. Pero doon sa ibang songs na hindi talaga naituro nung practice is hindi ko muna kinanta. Nakisama na muna ako na tumayo, ganoon.

Tapos, nabigyan na rin ako ng voice ko sa choir tapos ayon, 1pm to 3pm kasi is practice tapos 4pm to 5pm is mass, and doon kami kakanta. Na-experience ko na kumanta habang may mass and maganda naman. Nakakapanibago lang talaga yung mga songs nila kasi may arrangements at pang-simbahan talaga siya.

Out of place lang talaga ako that time kasi bago nga akong member at hindi pa nila ako kilala masyado.

But all in all, ang ganda ng experience at masarap sa feeling na makapag-serve sa Lord at sa altar. Next Sunday, babalik ako doon.

Mwa!

Hey! It's Me! (Book 5: Bakasyon Edition) Where stories live. Discover now